Deniece Cornejo refuses to give update on legal battle with Vhong Navarro; passes Harvard online exams

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2019
Deniece Cornejo announces that she got a perfect score in Harvard University's online examination on Children’s rights in theory and practice-international human rights law.
PHOTO/S: Courtesy: Deniece Cornejo on Facebook

“There is a light at the end of the tunnel.”

Ito ang tanging nasabi ng kontrobersiyal na personalidad na si Deniece Cornejo nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook messaging, ngayong Lunes, September 2.

Limang taon na mula nang pumutok ang kontrobersiya sa pagitan niya, ni Cedric Lee, at iba pang personalidad dahil sa tangka diumanong panggagahasa ng aktor na si Vhong Navarro kay Deniece.

“Sorry, cannot comment. Hayaan mo na lawyers, kaya na nila 'yan,” sagot ni Deniece nang kamustahin namin ang mga natitira pang kaso niya laban sa It’s Showtime host.

Noong 2017, na-dismiss ang reklamong rape na inihain ni Deniece laban kay Vhong sa Department of Justice (DOJ) dahil walang matibay na ebidensiya ang kampo ng dalaga.

Inapela ito ni Deniece, ngunit tuluyan itong ibinasura ng DOJ noong July 2018.

Sa nasabing buwan din ay hinatulan ng Taguig City Metropolitan Trial Court sina Deniece, Cedric, at iba pa nilang kasabwat sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong.

Continue reading below ↓

May kaugnayan ito sa insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.

CHILDREN’S RIGHTS ADVOCATE

Ngayon, malaki na ang ipinagbago ng pananaw sa buhay ni Deniece.

Pumasok siya sa iba’t ibang organisasyon na may kinalaman sa pagsisilbi sa bayan.

Siya ay na-appoint bilang ambassador of goodwill for the youth ng Chivalric Order of the Royal House of Baloi.

Ang Chivalric Order of the Royal House of Baloi ay isang United Nations-affiliated organization na nakabase sa Mindanao.

Bukod pa rito, aktibo rin si Deniece bilang vice president ng Junior Chamber International Philippines.

Naging bahagi rin siya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Kagabi lamang, September 1, inanunsiyo ni Deniece sa kanyang Facebook account na nakapasa siya sa online examination ng Harvard Universiy sa Children’s rights in theory and practice-international human rights law.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya sa kanyang post, “I finally did it! And received a cute gift. Yes, I passed!!!! Got the perfect 100 in the finals!

"What they say is true, hard work never betrays. It all pays off in the end. Almost 8 months of sleepless nights and a lot of reading, it finally led to this.

“The work continues for the children rights protection program where countries such as Nigeria, Nepal, Africa, Japan, US, India and Russia took active participation in the discussion.

“I am honored to lobby for international human rights specifically in children rights theory and practice.

“I would like to thank my mentor, Jaquelene Bhabba Professor of the Practice of Health and Human Rights as well as the Director of research at Harvard FBX Center for Health and Human Rights.

“Thanks for this awesome scarf!”

Continue reading below ↓

Sa 2020 ay pupunta raw si Deniece sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.

Ang HarvardX ay isang free online course kung saan kahit na sino ay puwedeng kumuha. Wala ring requirements na hinihingi para sa mga gustong kumuha ng examination na ito.

Kung gusto mong makakuha ng certificate ay magbabayad ka lang ng $99.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deniece Cornejo announces that she got a perfect score in Harvard University's online examination on Children’s rights in theory and practice-international human rights law.
PHOTO/S: Courtesy: Deniece Cornejo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results