PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapamilya actor Matteo Guidicelli posts about choosing silence over speaking up

Matteo lit a candle and offered prayers for ABS-CBN workers.
Published Jul 23, 2020
Kapamilya actor Matteo Guidicelli is the youth ambassador of National Youth Commission and a Philippine Army reservist.
PHOTO/S: @matteog on Instagram

Pipiliin ng Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli ang manahimik kung hindi rin lang makabubuti ang sasabihin niya.

Ito ang malinaw na mensahe ng latest post ni Matteo, 30, sa gitna ng apelang dapat magkaisang magsalita at manindigan ang stars ng ABS-CBN para sa kanilang home network.

Mistulang idinaan ni Matteo sa quote card ang sagot niya na panawagang ito.

Isang popular Arabian proverb ang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules ng umaga, July 22.

Sabi rito: “Speak only when you feel that your words are better than your silence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Matteo ang kasalukuyang youth ambassador ng National Youth Commission (NYC) ng gobyerno.

Bukod dito, isa rin siyang Philippine Army reservist, na may ranggong 2nd Lieutenant.

Samantala, si Angel Locsin ang nanawagang magkaisa ang Kapamilya artists sa gitna ng pinagdaraanang krisis ng Kapamilya network.

Sa noise barrage ng mga empleyado ng network nitong July 18, hindi napigilang kastiguhin ni Angel, 35, ang mga kapwa artistang umiiwas manindigan para sa ABS-CBN.

“At mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!" galit na sabi ni Angel.

"Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-send kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

"Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image!

"Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!”

Layunin ng noise barrage na kondenahin ang pagkakait ng Kamara ng prangkisa sa network, at hilingin ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SARAH SPEAKS UP FOR ABS-CBN

Kasunod ng pahayag na ito ni Angel, ilang Kapamilya stars—na kapansin-pansing tipid ang reaksiyon sa sinasapit ng ABS-CBN—ang biglang nag-post ng suporta para sa kanilang home network.

Kabilang sa kanila ang singer-actress na si Sarah Geronimo, 31, misis ni Matteo.

Sa Instagram post ni Sarah kinabukasan, July 19, binigyang-diin nitong malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN.

Bagamat Viva Entertainment ang nagma-manage sa career ni Sarah, ang Kapamilya network ang nagpasikat sa singer-actress.

“Mahal ko po ang aking ABS-CBN family," bahagi ng post ni Sarah.

"Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.

“Nakikiisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani kanilang mga pamilya at para sa bansa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami ang naghinalang isa si Sarah sa mga pinatamaan ni Angel sa speech nito.

Pinulaan pa si Angel ng mga fans na nagpakalat ng #ProtectSarahGAtAllCost.

Pero kaagad itinanggi ni Angel na kasama si Sarah, at wala naman talagang binanggit na pangalan ito nang magsalita sa noise barrage.

HOT STORIES

MATTEO PRAYS FOR RETRENCHED WORKERS

Kasabay ni Sarah, nag-post din si Matteo sa Instagram ng litrato ng isang sinisindihang kandila.

Para raw iyon sa libu-libong nawalan ng trabaho sa network.

Caption ni Matteo: “We lit a candle last night. Took a moment and prayed for each and every employee some of which are close to my heart from the years we spent together.

“Hold on tight, we will rise again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, mayroon pa ring mga hindi nakuntento sa ginawa ng aktor.

Nakukulangan sila sa mga ipinu-post ni Matteo, na tulad ni Sarah ay sumikat din dahil sa Kapamilya network.

Taong 2007 nang ipinakilala ng ABS-CBN si Matteo sa teenage-comedy sitcom na Go Kada Go.

Lead characters ang ginampanan ni Matteo sa mga teleseryeng Agua Bendita (2010), My Binondo Girl (2011), at Dolce Amore (2016).

Napanood din siya sa Star Cinema movies na Catch Me I’m In Love (2011) at My Cactus Heart (2012).

Ang Ranger G—video documentary ng matinding training ni Matteo sa ilalim ng Scout Ranger—ang isa sa mga bagong release sa streaming app ng ABS-CBN na iWant.

Ang natatanggap pa ring pamba-bash ang dahilan marahil ng pag-post ni Matteo ang Arabian proverb tungkol sa pananahimik imbes na pagsalita.

A KAPAMILYA OR A DDS?

Pero para sa maraming pro-ABS-CBN, limitado lang talaga ang puwedeng reaksiyon ni Matteo sa pagpapasara sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiipit daw kasi ang aktor sa pagiging Kapamilya at sa pagiging government worker.

Sa katunayan, binabansagan si Matteo ng bashers na “DDS” at “enabler” daw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang ibig sabihin ng DDS ay Duterte Diehard Supporters, o mga solidong tagasuporta ng Presidente.

Samantala, enabler ang tawag sa mga taong nagtutulak o kumukunsinti sa mga maling gawain ng iba.

Iginigiit ng bashers na bilang ambassador ng NYC at tauhan ng militar, enabler daw si Matteo ng mga direktiba ni Duterte.

PRESIDENT DUTERTE VS ABS-CBN

Hindi maalis-alis sa isip ng publiko na ang Pangulo ang nasa likod ng pagkakait ng Kamara ng prangkisa sa ABS-CBN.

Taong 2017 pa kasi ay inuulit-ulit na ni Duterte sa kanyang speeches na haharangin niya ang prangkisa ng pinakamalaking network sa bansa.

Inamin ng Presidente na galit siya sa ABS-CBN dahil hindi nito iniere ang campaign ads niya noong 2016, gayong bayad na ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-sorry kay Duterte si ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak.

Tinanggap naman ito ng Pangulo.

Pero nagkatotoo pa rin ang banta ni Duterte na sa Kamara pa lang ay hindi na palulusutin ang franchise renewal appeal ng ABS-CBN.

Bukod dito, sa latest speech ng Presidente sa Jolo, Sulu, nitong July 13, ipinagmalaki ni Duterte na nabuwag niya ang "oligarkiya" sa bansa nang hindi nagdedeklara ng martial law.

Bagamat itinatanggi ngayon ng Malacañang na ang tinukoy ng Pangulo ay ang pamilya Lopez, na nagmamay-ari ng ABS-CBN, malinaw na binanggit ng Pangulo ang network bago siya nagbunyi tungkol sa nabuwag na oligarkiya.

Sa unedited audio speech ni Duterte, na iniulat ng GMA News, sinabi ng Pangulo: “Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.

“Pero sinabi ko, ‘Pag ako ang nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas.’

“Ginawa ko na, without declaring martial law, sinira ko yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa ng Pangulo ang speech tatlong araw makaraang ibasura ng Kamara ang prangkisa ng ABS-CBN.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Matteo Guidicelli is the youth ambassador of National Youth Commission and a Philippine Army reservist.
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results