Bianca Gonzalez, Frankie Pangilinan apologize for “rape” tweets about Christine Dacera case

by Jet Hitosis
Jan 7, 2021
Bianca Gonzalez, Frankie Pangilinan
Bianca Gonzalez (left) and Frankie Pangilinan (right) have deleted their previous "rape" tweets about the mysterious death of flight attendant Christine Dacera.
PHOTO/S: @iamsuperbianca, @frankiepangilinan on Instagram

Abut-abot ang paghingi ng paumanhin ng celebrities na sina Bianca Gonzalez at Frankie Pangilinan at ng human rights advocate na si Francis Baraan IV “for helping to spread misinformation” kaugnay ng pagkamatay ni Christine Angelica Dacera.

Si Christine ang 23-year-old flight attendant na natagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City nitong January 1.

Sa sumunod na mga araw, lumikha ng kontrobersiya ang imbestigasyon ng pulisya, na nagsuspetsang may foul play sa insidente.

Ayon sa Makati City Police, posible raw na halinhinang ginahasa at saka pinatay si Christine.

Dahil dito, nitong January 4 ay naghain ng provisional charges ng rape with homicide ang pulisya laban sa 11 lalaking nakasama ng flight attendant sa isang New Year’s eve party sa parehong hotel nitong December 31.

Nang araw ring iyon, katakut-takot na pambabatikos at panghuhusga sa social media ang inabot ng 11 pinagsususpetsahan.

Ipinakalat ng netizens ang mga pangalan, litrato, at screenshots ng social media accounts ng 11, na binansagang “rapists.”

Continue reading below ↓

Nagkani-kanyang post din ang ilang celebrities upang kondenahin ang “rape” at victim-blaming kasabay ng pag-apela ng hustisya para kay Christine.

Kabilang sa kanila sina Bianca, 37; Frankie, 20; at Francis, 38.

THE MEDICO-LEGAL REPORT

Kinabukasan, Martes, January 5, kumalat sa social media ang kopya ng medico-legal report ng isinagawang awtopsiya ng pulisya sa bangkay ni Christine.

Nakasaad sa dokumento na “ruptured aortic aneurysm”—o pagputok ng pangunahing ugat sa puso—ang ikinamatay ng flight attendant.

Wala rin sa report ang mga pisikal na indikasyon ng panggagahasa, na una nang iginiit ni Makati City Police Chief Colonel Harold Depositar.

INSUFFICIENT EVIDENCE

Nang sumunod na araw, Miyerkules, January 6, iniutos ng Makati City Prosecutor's Office ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa kaso.

Pansamantala ring pinalaya ang tatlo sa 11 na na-inquest na.

“Insufficient” daw kasi ang ebidensiyang iprinisinta ng pulisya para sabihing rape with homicide nga ang kaso ni Christine.

Dahil dito, pinagsusumite ng prosekusyon ang Makati City Police ng karagdagang ebidensiya, tulad ng “DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, and the histopath examination report.”

Continue reading below ↓

Itinakda sa January 13 ang preliminary investigation laban sa 11 lalaking iniuugnay sa pagkamatay ni Christine.

BIANCA SORRY FOR “RAPE” TWEET

Dahil sa latest developments sa kaso, kumambiyo ang netizens pabor sa 11 pinagsususpetsahan.

Ang Philippine National Police (PNP) ngayon ang kinukuyog nila sa social media.

Sina Bianca, Frankie, at Francis, pinagbubura naman ang nauna nilang posts tungkol sa pinalutang ng pulisya na “rape-slay” ang nangyari kay Christine.

Sa tweet ni Bianca nitong January 6, inamin niyang gumamit siya ng salitang “rape” sa kanyang naunang post tungkol sa kaso.

Iyon ay “because the authorities said it was rape.”

Bagamat nahihiya raw si Bianca sa nangyari, sinabi niyang nalilito rin siya sa “conflicting reports” ng PNP.

“The call for justice remains, but justice to find the truth for both Christine and the accused,” sabi ni Bianca.

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet, nagpaabot ng simpatiya ang TV host-vlogger sa mga mahal sa buhay ni Christine at sa mga tao “who might have been falsely accused in the news.”

Sa puntong ito, humingi ng paumanhin si Bianca: “I sincerely apologize for my tweet that added to the noise that it was ‘rape.’’

“Sana lumabas ang katotohanan [praying hands emoji].”

Continue reading below ↓

FRANKIE: “I GOT CAUGHT UP IN THE OUTRAGE”

Huwebes ng madaling-araw, January 7, naman nang humingi ng sorry si Frankie dahil hindi sinasadyang nakibahagi siya “to spread misinformation” kaugnay ng pagkamatay ni Christine.

Tweet ni Frankie (published as is): “before i sleep i’d just like to reiterate how absolutely sorry i am for helping to spread misinformation”

Gaya ni Bianca, sinabi ng panganay ng Megastar na si Sharon Cuneta at ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nalilito siya sa mga pahayag ng PNP sa kaso.

Para kay Frankie, “misleading and confusing” daw kasi ang mga ito.

Continue reading below ↓

Maingat daw naman si Frankie sa kanyang mga ipinu-post at sinisigurong nauunawaan niya ang isang isyu bago siya mag-tweet.

“but i should have waited knowing how the authorities function nowadays…

“it’s sick and sad i’m really really sorry.”

Aminado si Frankie na nadala siya ng bugso ng damdamin dahil sa mga nabasa niyang posts sa social media.

Continue reading below ↓

Sabi niya: “i got caught up in the outrage, i promise i’ll do better.”

Bagamat nabura na raw ni Frankie ang lahat ng kanyang “misleading tweets,” paninindigan niya ang kanyang sinabi tungkol sa pagbibigay ng respeto sa kababaihan.

“i’ve deleted all of the misleading tweets but i stand by everything i said re: respecting girls…

“and i hope christine still gets the justice she deserves.”

Continue reading below ↓

FRANCIS ADMITS TO SHARING “INACCURATE INFORMATION”

Samantala, ang newspaper columnist na si Francis Baraan IV, matindi ang pagsisisi sa nai-tweet niya tungkol sa kaso ni Christine.

Para raw sa isang tulad niyang mamamahayag at tagapagtaguyod ng human rights “it was prudent & irresponsible of me to have tweeted in such an emotional, triggered state w/o having all the facts.”

Base sa pahayag na ito ni Francis, mahihinuhang nag-tweet siya laban sa 11 pinagsususpetsahan sa kaso ni Christine.

Binura ni Francis ang tweet niyang iyon noong January 5, ang araw na nag-leak sa social media ang medico-legal report.

Pag-amin ni Francis: “I published inaccurate information w/ so many blinders on, & have unwittingly wronged others.”

Continue reading below ↓

Sa paghahangad daw ni Francis na magkaroon ng “#JusticeForChristineDacera,” hindi niya nagawang beripikahin muna ang mga impormasyong nakarating sa kanya.

Siya raw mismo, bilang human rights advocate, ay nakalimot sa karapatan ng mga akusado sa krimen.

“I've been advocating for human rights, but in a momentary huge lapse of judgment, I forgot one very important human right: THE PRESUMPTION OF INNOCENCE of SUSPECTS.

Continue reading below ↓

“I am ashamed for having been instrumental to the public villification of other people, who might just as well have been totally innocent, but just happened to have been victims of circusmtance.

“So, I offer my wholehearted, deepest apologies to those I have wronged.

“I AM SORRY.”

Hinimok din ni Francis ang mga netizens na nagpakalat ng mga litrato at personal na impormasyon tungkol sa 11 “to please take them down.”

Continue reading below ↓

Ang nangyari raw na iyon ay maikukumpara sa pamamahiya sa “criminals or fugitives,” na hindi dapat gawin sa mga taong pinagsususpetsahan pa lamang.

Patuloy pa rin daw na makikiisa si Francis sa panawagan ng “real #JusticeForChristineDacera.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Gonzalez (left) and Frankie Pangilinan (right) have deleted their previous "rape" tweets about the mysterious death of flight attendant Christine Dacera.
PHOTO/S: @iamsuperbianca, @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results