Sharon Dacera admits to consulting a psychic to find clues about daughter Christine's death

by Arniel C. Serato
Feb 12, 2021
Sharon Dacera Christine Dacera psychic
Sharon Dacera claims daughter Christine's spirit said that she was betrayed by a friend: "So, kung ano yung sinabi nung spirit ni Tin, na she was really betrayed by a friend.”
PHOTO/S: Courtesy: Frontline Pilipinas on Facebook / @xtinedacera on Instagram

Hindi pa rin nababali ang paniniwala ni Sharon Dacera, ina ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera, na may foul play sa pagkamatay ng kanyang anak.

Ito ay sa kabila ng mariing pagtanggi ng respondents sa reklamong rape with homicide na isinampa ni Sharon, at ang resulta ng medico-legal na nagsasabing "natural causes" ang ikinamatay ni Christine.

Pahayag ni Sharon, “Ang akin lang naman po, sana makonsensiya sila na magsabi ng totoo.

"Sabi nila, mahal nila si Tin, e, bakit nagkaroon ng mga galos, yung mga bruises yung anak ko? Sa'n yun galing, e, kayo lang magkakasama, e?”

Nakapanayam ni Luchi Cruz-Valdes ang ina ni Christine sa bago nitong programang Deretsahan, na ang ilang video clips ay ipinakita sa news program ng TV5 na Frontline Pilipinas kahapon, February 11.

Sinabi rin ni Sharon na sumangguni sila sa "psychic" upang makausap umano ang espiritu ng anak at malaman nila ang puno’t dulo ng kamatayan nito.

Continue reading below ↓

Aniya, “Kasi, Ma’am, nagpa-psychic kami. So, kung ano yung sinabi nung spirit ni Tin, na she was really betrayed by a friend.”

Pinaalala naman ni Luchi na hindi ito maaaring tanggapin sa hukuman dahil wala itong evidentiary value.

Paliwanag ni Sharon, bilang isang ina ay kailangan niyang gawin ang lahat, maging pagsangguni sa mga espiritista, para mahanap umano ang katotohanan sa kamatayan ng anak.

Saad niya, “Siyempre we are looking for, yung tinatawag natin na lahat ng paraan na ginawa ng isang nanay kung ano ba talaga ang nangyari sa anak niya.

“So, paulit-ulit talaga na nagsasabi si Tin na she was really betrayed by a friend.”

“TO HAVE PEACE OF MIND”

Naninindigan pa rin si Sharon na may cover-up o foul play sa kamatayan ng anak.

Dahil daw ito sa lapses ng medico-legal officers na nag-embalsamo sa katawan ng anak bago ito kuhanan ng tissue samples.

Sa unang resulta ng medico-legal examination kay Christine, lumabas ditong "ruptured aortic aneurysm" ang kanyang ikinamatay.

Continue reading below ↓

Ganun din sa pangalawang medico-legal examination kung saan lumabas na “natural causes” ang ikinamatay nito.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng DNA test na kinomisyon ng Dacera family para malinawan ang sanhi ng pagpanaw ng anak.

Ginawa raw nila ang pagpapa-DNA ng organs ni Chrstine "to have peace in my mind, in my heart na kasi ganito, e, mali na kasi yung procedure na ginawa ni Sarmiento.”

Si Police Major Michael Nick W. Sarmiento, Medico-Legal Officer ng Crime Laboratory Office ng Southern Police District (SPD), ang unang nagsagawa ng autopsy sa katawan ni Christine.

Ang pangalawang medico-legal examination naman ni Christine ay isinagawa ni Dr. Joseph Palmero, ang Medico-Legal Officer ng Philippine National Police (PNP) head office.

Ayon sa findings ni Palmero, "Based on available information on hand, the manner of death is classified as natural death."

Matatanggap ba niya ito?

Tugon ni Sharon, “So far, as of now, we are waiting for the NBI result.”

Continue reading below ↓

Nagsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation. Pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na resulta ang ahensiya.

BLAMELESS?

Ano naman ang masasabi ni Sharon na may mga taong hinusgahan na ang anak niya?

Ayon sa ilang netizens, bakit daw nakipag-party si Christine kasama ang maraming lalaki at nag-iisa lang siyang babae sa grupo noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Saad ni Sharon, “Ako, gina-wish ko na lang na hindi rin mangyari sa kanila yung nangyari sa anak ko kasi masakit, sobrang sakit.”

Ano ang leksiyon na natutunan niya sa pangyayari bilang isang ina?

Sagot ni Sharon, “Siguro we always love our children. We are always doing the best for our children.

“So, sa pagkawala ni Christine, I feel the injustice to what had happened to her.

“So ngayon, kahit sa anong paraan, ipaglalaban ko ang anak ko.

“Anak ko si Christine, mahal namin si Christine. I’m proud of my daughter. We are proud of her.

Continue reading below ↓

“Nabiktima lang ang anak ko.”

Sa ngayon, patuloy pa ring hinihintay ng magkabilang kampo ang desisyon ng Makati City Prosecutor’s Office kung iaangat ba sa husgado ang reklamo o tuluyan na itong ibabasura at isasara.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Dacera claims daughter Christine's spirit said that she was betrayed by a friend: "So, kung ano yung sinabi nung spirit ni Tin, na she was really betrayed by a friend.”
PHOTO/S: Courtesy: Frontline Pilipinas on Facebook / @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results