Watch Now

Jolo Revilla announces bid for Congress; Nash Aguas for Cavite City councilor

by Arniel C. Serato
Sep 22, 2021
Cavite Vice Governor Jolo Revilla (left) and Kapamilya actor Nash Aguas (right) join Lakas-CMD party in preparation for their intention to run for local positions in 2022 polls.
PHOTO/S: Courtesy: Jolo Revilla / Vice Mayor Denver Chua on Facebook

Inanunsiyo ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, 33, ang kanyang pagtakbo bilang kongresista sa unang distrito ng kanilang lalawigan.

Nasa ikatlo at huling termino na ang anak nina Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado sa pagka-bise gobernador ng Cavite.

Kahapon, September 21, kasabay ng kanyang panunumpa sa partidong LAKAS-CMD, ibinahagi ni Jolo ang kanyang planong manilbihan bilang mambabatas sa unang distrito ng Cavite.

Mensahe niya sa kanyang Facebook post matapos ang oathtaking: “Marami pong salamat sa LAKAS-CMD sa inyong pagtitiwala upang maging pambato ng ating partido bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Cavite.

“Makaaasa po kayo na ipagpapatuloy natin ang paglilingkod sa ating mga kadistrito tungo sa kaunlaran at progresong dama at pinakikinabangan ng lahat.

“Tuloy ang Laban sa Pagbabago!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Jolo na nanumpa sa partido ang Kapamilya actor na si Nash Aguas, 22.

Tatakbo si Nash bilang konsehal sa siyudad sa ilalim ng tiket ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua.

Si Chua mismo ang nag-anunsiyo na katiket niya si Nash at iba pang local leaders.

Wala pang post si Nash ukol dito, ngunit makikita sa kanyang postura sa oathtaking ang kanyang kahandaang magsilbi sa bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PERSONALITIES RUNNING IN #2022ELECTIONS

Ngayong malapit na ang filing ng candidacy para sa local at national posts, isa-isa nang naglalabasan ang mga personalidad na nais tumakbo sa halalan.

Una na rito si Senator Ping Lacson para sa pagkapangulo, ka-tandem ni Senate President Tito Sotto sa pagka-bise presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod namang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte na baka tumakbo siya sa pagka-bise presidente sa 2022.

Ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao ay naghayag na rin ng kandidatura sa pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Gayundin si Manila Mayor Isko Moreno, kasama si Dr. Willy Ong na kanyang vice presidential candidate.

Si Yul Servo, na kasalukuyang kongresista ng Maynila, ay tatakbong vice mayor sa lungsod kasama si incumbent Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Sa local position naman, nagpahiwatig na sina Aiko Melendez at Arjo Atayde na tatakbong kongresista sa kanilang distritong kinabibilangan sa Quezon City.

Ang Kapamilya actor na si Javi Benitez ay tatakbong mayor ng Victorias City, Negros Occidental.

Marami pang sikat na personalidad ang nagpabatid ng kanilang intensiyong tumakbo sa eleksyon, at malalaman lamang ito kapag nag-file na sila ng certificate of candidacy (COC) sa October 1 hanggang October 8.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cavite Vice Governor Jolo Revilla (left) and Kapamilya actor Nash Aguas (right) join Lakas-CMD party in preparation for their intention to run for local positions in 2022 polls.
PHOTO/S: Courtesy: Jolo Revilla / Vice Mayor Denver Chua on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results