Proud na proud si Jinkee Pacquaio sa kanyang pamimigay ng Bibliya sa mga taong dumalo at nakipila sa mga lugar na binisita nila ng asawang si presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao.
Ngayong Miyerkules, December 1, ibinahagi ni Jinkee ang ilang larawan at video ng pamamahagi niya ng mga Bibliya sa mga taga-General Santos City na binisita nila ilang araw na ang nakalilipas.
Bahagi ng caption niya: “Panalangin ko na sa pagbabasa nila ng Bibliya ang Panginoon ang mangusap sa bawat isa.
"'Let the message about Christ, in all its richness, fill your lives.' Colossians 3:16
“Isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko na maibigay ang love letter ng Panginoon sa kanila.
“To God be all the Glory!”
View this post on Instagram
Sa isa pang post ay ibinahagi niya ang verse na ito: “Psalm 119:105 ‘Thy Word is a lamp unto my feet and a light unto my path.’"
View this post on Instagram
Napaulat na namimigay rin ang asawa ni Jinkee na si Manny ng pera, bigas, at minsan ay lechon manok sa mga taong dumadalo sa kanyang campaign sorties.
Ngunit iginiit ng presidential candidate na hindi ito pamumulitika kundi tulong niya sa mga tao ngayong may pandemya pa rin.
Ayon sa ulat ng reportr noon, sinabi ng Pambansang Kamao na ibinabahagi lamang niya ang grasya na bigay sa kanya ng Diyos.
Aniya, "Ako'y nagpapasalamat sa ating Panginoon. Kahit paano, narito po ako ngayon para magbigay, i-share sa inyo ang blessings na binigay sa aking ng Paninoon, pagpasensiyahan niyo na po.”
Makakatapat ni Manny sa presidential race sa 2022 elections sina Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno, former Senator Bongbong Marcos, at Vice President Leni Robredo.
Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
