PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dirty Linen cast: Sinu-sino ang may itinatagong sikreto?

Pinag-uusapan ang kanilang pagganap!
by Nica Jose
Published Feb 19, 2023
A photo of the main Dirty Linen cast.
Dirty Linen continues to make waves in the entertainment industry with a cast that netizens fondly describe as "Mata-Mata School of Acting graduates." They are (from left to right) Seth Fedelin, Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, and Francine Diaz.

Kasabik-sabik plot twists ng Dirty Linen.

The more viewers get deeper into the series, the more they get intrigued about the truth and how justice will be served.

Umaani rin ito ng papuri sa Twitter dahil sa stellar performances ng cast.

Kilalanin natin ang mga stars na may sikreto sa revenge series na ito.

Sa kanila nakasentro ang imbestigasyon ni Senior Police Inspector Lemuel Onore, na ginagampanan ni JC Santos.

Janine Gutierrez as Alexa Salvacion/ Mila dela Cruz

Si Janine Gutierrez ang anak ni Olivia Salvacion (Dolly de Leon), isa sa mga kasambahay ng pamilyang Fiero.

Sa tahanan ng mga Fiero binaril si Olivia.

At dito rin mamamasukan ang isa pang katauhan ni Janine, si Mila dela Cruz, na ang pakay ay maghiganti.

Kkunin niya ang loob ng mga inaakala niyang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang ina.

A photo of Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christian Bables as Max Dionisio

Isa si Max (Christian Bables) sa mga kababata ni Alexa., at kasama niyang maghihiganti.

Nawala rin ang tatay ni Max na si Noel (Karl Medina), na driver ng pamilyang Fiero, the same night na naglaho ang ina ni Alexa.

christian bables 5th eddys

Jennica Garcia as Lala Millado

Si Jennica Garcia ay gumaganap bilang si Lala, na kababata nina Alexa at Max.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malakas ang personality niya rito at masipag sa trabaho.

Kasama siya sa revenge squad dahil nawawala rin ang kanyang inang si Lydia (Ruby Ruiz).

A photo of Jennica Garcia.

So far, naging #1 trending topic si Jennica dahil sa kanyang 45-second sexy dance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joel Torre as Rolando Sinag (Abe Matias)

Si Rolando (Joel Torre) ang utak sa likod ng paghihiganti sa pamilyang Fiero.

Namasukan siya bilang driver sa katauhan ni Abe Matias.

Dati siyang mabisyong tao na nagbagong-buhay at namasukan bilang OFW upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mag-ina.

Ngunit bigla na lang din naglaho ang asawa niyang si Riza (Liza Diño) habang namamasukan sa pamilya Fiero.

Si Abe ang sumagip kay Lala sa paggamit nito ng droga habang nagtatatrabaho bilang dancer sa isang club at inaya ang dalaga na isagawa ang planong paghihiganti laban sa mga Fiero.

A photo of Joel Torre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seth Fedelin as Nico Sinag

Gumaganap si Seth Fedalin bilang si Nico, ang anak ni Rolando na naulila sa ina noong sanggol pa lamang siya.

Isa siyang masipag na iskolar na nagnanais makatulong sa kanyang pamilya.

A photo of Seth Fedelin.

Tessie Tomas as Doña Cielo Fiero

Ang matriarch na si Doña Cielo Fiero (Tessie Tomas) ang may-ari at namamahala ng mga negosyo ng pamilya Fiero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Istrikta, manipulative, at matigas ang puso sa kanyang mga anak ngunit biglang lumalambot pagdating sa kanyang mga apo.

A photo of Tessie Tomas.

John Arcilla as Carlos Fiero

Gumanap si John Arcilla bilang si Carlos, panganay na anak ni Doña Cielo na mainitin ang ulo at ayaw magpatalo lalo na sa mga argumento.

Siya ang "sabong king."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa unang tagpo, makikitang isa siya sa mga accomplices kaya nawala ang tatlong kasambahay at isang driver.

john arcilla volpi cup

Janice de Belen as Leona Fiero

Si Leona Fiero (Janice de Belen) ang matapang na asawa ni Carlos.

Hindi siya natatakot makipagsagutan kay Doña Cielo.

Janice de Belen, Dragon talent management

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Zanjoe Marudo as Aidan Fiero

Si Aidan Fiero (Zanjoe Marudo) ang panganay na anak nina Carlos at Leona.

Ang kanyang karakter ay maraming itinatagong sikreto, pero "clueless" daw siya pagdating sa "dirty secrets" ng kanyang pamilya.

Siya ang paboritong apo ni Lola Leona.

A photo of Zanjoe Marudo.

Francine Diaz as Chiara Fiero

Si Chiara (Francine Diaz) ang nakababatang kapatid ni Aidan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kikay siya pero may ibubuga pagdating sa academics. High-school valedictorian siya, at gold medalist sa nilahukang Math competition.

Siya ay mabait na anak at hangad niya ay mapansin siya ng magulang.

Sa unang pagkikita nila ni Nico ay mahuhulog agad ang loob ng binata sa kanya.

A photo of Francine Diaz.

Angel Aquino as Feliz Pavia

Si Feliz Fiero Pavia (Angel Aquino) ang nakababatang kapatid ni Carlos na kulang sa pagmamahal at atensiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya rin masabi ang tunay na saloobin, at sa tingin niya ay wala na siyang nagawang tama sa harap ng kanyang ina dahil sa mga masasakit na salitang binibitawan ng huli sa kanya.

Emotional outlet niya ang pagsusugal.

A photo of Angel Aquino.

Epy Quizon as Ador Pavia

Si Ador na ginagampanan Epy Quizon ang asawa ni Feliz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay unwanted son-in-law na napakaliit ng sahod sa sabungan ng mga Fiero.

Gagawin ang lahat sa ngalang ng pag-ibig.

A photo of Epy Quizon.

Xyriel Manabat as Tonet Pavia

Si Tonet Pavia (Xyriel Manabat) ang anak nina Ador at Feliz na maraming social-media followers.

Siya ang magiging kontrabida sa tambalan nina Chiara (Francine) at Nico (Seth).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xyriel Manabat

Raven Rigor as Clint Pavia

Si Clint Pavia (Raven Rigor) ang panganay nina Ador at Feliz at kuya ni Tonet.

Tahimik lang siya most of the time ngunit matinding sumabog kapag nagalit.

A photo of Raven Rigor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOLIMAN CRUZ AS ALIJANDRO ISDIRO

Ang misteryosong si Aljandro ang susi sa mga krimeng nagawa ng pamilya Fiero.

soliman cruz to the north

Ang Dirty Linen ay mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5, sa ilalim ng direksiyon nina Onat Diaz, na siya ring nagdirek ng revenge series Wildflower (2017), at Andoy Ranay, na nagdirek ng The Good Son (2017) and The Broken Marriage Vow (2022),

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dirty Linen continues to make waves in the entertainment industry with a cast that netizens fondly describe as "Mata-Mata School of Acting graduates." They are (from left to right) Seth Fedelin, Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, and Francine Diaz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results