Malinaw pa sa alaala ng Kapuso actor na si Paolo Contis kung paano niya nabuking ang dati niyang kasintahan na nagtaksil daw sa kanya.
Sinabi ito ni Paolo sa kuwentuhan nila ni Kokoy De Santos sa episode ng Just In, ang show ng GMA Sparkle sa Facebook at YouTube, nitong Huwebes, March 2, 2023.
Si Paolo ang host ng show, habang celebrity guests niya sa episode sina Kokoy at Royce Cabrera.
Bago naungkat ang past experience ni Paolo, nauna magkuwento si Kokoy kung paano siya nabaliw sa pag-ibig.
Kuwento ni Kokoy, 18 years-old siya nang ma-in love sa isang babae. Tumagal daw sila ng halos dalawang taon ang long-distance relationship nila.
Pag-amin pa ni Kokoy, umikot ang mundo niya sa girlfriend niya hanggang sa mabisto niya ang pagtataksil nito.
Nahuli raw ni Kokoy ang girlfriend niya na may kinakausap na ibang lalaki sa cellphone nito.
Naka-relate si Paolo na naloko rin daw ng dating kasintahan.
Ayon kay Paolo: "Nangyari sa akin iyan. Nagbakasyon yung isa sa mga girlfriend ko dati, tapos umuwi.
"Nagpadala ngayon ng photo album yung lalaki, parang regalo.
"Pagbukas ko, hindi siguro alam ng lalaki na ako yung magre-recieve ng package, pagbukas ko pu*tc*a puro pictures nila na ano...sunset, naghahalikan."
Hindi raw maitatanggi ang panloloko ng kanyang nobya noon.
Pero kuwento pa rin ni Paolo, nagpalusot pa rin daw ang kanyang nobya na iyon.
Ibinahagi ni Paolo kung paano sila nagtalo ng kanyang nobya noon.
Saad ng Kapuso actor, "Ang palusot sa akin, 'Hindi, kasi photographer siya.'
"'Anong photographer? Kayong dalawa yung nasa picture, photographer siya?!"
Napamura pa si Paolo sa alaala ng palusot ng dating nobya.
Dagdag pa ni Paolo, "Nag-alibi sa picture, ayun nalaos."
Hindi pinangalanan ni Paolo kung sino ang nobya niya na iyon.
Pero tila taga-showbiz din ang tinutukoy niyang ex-girlfriend na nanloko sa kanya dahil sa komento niya na "nalaos" na ang ex niya na iyon.
PAOLO'S PAST RELATIONSHIPS
May limang ex-girlfriends si Paolo na pawang mga artista.
Read: The celebrities Paolo Contis fell in love with
DESIREE DEL VALLE (2000 - 2002)
Si Desiree Del Valle ang unang babaeng isinapubliko ni Paolo na kasintahan niya.
Una silang naging magkatrabaho sa Tabing Ilog noong 1999 bilang sina Carrine Ledesma at Salvador Magtibay, respectively.
Bilang isa sa mga love teams ng TV series na ito, nagka-develop-an sila sa set na humantong sa totoong relasyon.
NANCY CASTIGLIONE (2002 - 2004)
Matapos ang relasyon ni Paolo kay Desiree, si Nancy Castiglione ang sumunod niyang kasintahan.
Humantong din sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan.
ISABEL OLI (2006 - 2008)
Naging kasintahan din ni Paolo si Isabel Oli.
October 2008, sa mismong kaarawan ni Isabel, niregaluhan siya ni Paolo ng engagement ring
Base ito sa kuwento ni Isabel noong February 2009.
Ayon kay Isabel, makalipas ang tatlong linggo ay isinauli niya ang singsing kay Paolo.
Alam daw kasi noon ni Isabel na hindi na raw talaga okay ang kanilang relasyon.
Read: Isabel Oli reveals she got engaged to Paolo Contis but returned the ring three weeks later
LIAN PAZ (2009 - 2012)
Isang taon matapos mag-break nina Paolo at Isabel ay nag-propose naman ng kasal ang Kapuso actor kay former EB Babe Lian Paz.
Read: Lian Paz reveals engagement with Paolo Contis
Ikinasal sina Paolo at Lian sa Cauayan, Isabela noong July 20, 2009.
Hindi nagtagal, nagkalamat ang kanilang relasyon na humantong sa pag-file ng annulment. Si Paolo ang naunang nag-file, na sinundan naman ni Lian noong 2019.
May dalawang anak na babae si Paolo kay Lian: sina Xonia at Xalene.
LJ REYES (2015 - 2021)
Ang pinakahuling nakarelasyon ni Paolo ay si LJ Reyes.
Anim na taong magkarelasyon sina Paolo at LJ. Naging live-in partners sila at may isa silang anak, si Summer.
Naiulat ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Paolo at LJ noong August 2021.
Read: Did they break up? Paolo Contis unfollows LJ Reyes on Instagram, deletes all her photos
Read: Paolo Contis on breakup with LJ Reyes: "Naging marupok at gago ako."
Si Yen Santos ang kasalukuyang kasintahan ngayon ni Paolo.
READ MORE:
- Yen Santos celebrates 30th birthday with rumored boyfriend Paolo Contis
- Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech
- Paolo Contis, nagsalita tungkol sa viral TikTok post kunsaan binash si Yen Santos
- Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes
- Paolo Contis, ayaw magpaapekto sa bashers matapos umamin sa di pagbibigay ng sustento, relasyon nila ni Yen Santos
