Hindi pa rin tapos ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa pagpapatutsada sa kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.
Read: Pokwang: Through heartbreaks, hardships, happiness
Sa Instagram nitong nakaraang Huwebes, April 27, 2023, nag-upload si Pokwang ng isang short video na kuha sa labas ng GMA Studios.
“Strike a pose [heart emoji” ang caption ni Pokwang dito. Halatang kuha ang video ang taping ng TiktoClock.
View this post on Instagram
Isang netizen naman ang nagpaabot ng kanyang paghanga sa komedyante.
Kahit hindi raw siya single mom, hanga pa rin siya sa katapangan ng actress-comedienne.
Saad ng netizen, “Nice Ms. Pokee!! Yan ba Ang iyong signature 'Pokee walk?' Pak! Pak! Pak! [fire, clapping hands emojis]
“I admire you po for your strength as a single mom. I’m not a single mom, Pero saludo po ako sa katapangan mo. God bless you po. [praying hands emojis]”
Tugon ni Pokwang, ang mga Pilipino raw ay hindi nagpapatalo lalo na sa mga dayo lamang sa bansa.
Sabi niya, “Pilipina tayo at bansa natin to wag magpapatalo sa dayo hahahhahaha”

Sumang-ayon naman ang netizen sa kanya.
Sagot nito, “@itspokwang27 I agree po. Lalo na if yung dayo eh hindi maganda Ang pagtrato sa atin. Di ba po?? Hahaha!!”
Pagsang-ayon ni Pokwang, “tamaaaaaa [clapping hands emojis]”

Muli naman siyang nagpatutsada sa kanyang mga haters.
Ayon kasi sa isang netizen, “Gonda, mamang! Sige! Laban sa haters!”
Sabi ni Pokwang, “because haters are mga inggeters! [laughing in tears emoji]”

POKWANG AND LEE BREAKUP
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 naisapubliko ito.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa break-up nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.
Ito'y matapos niyang ipost sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
