Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol nang bawiin niya ang tungkol sa desisyong pagbibitiw sa pageantry.
Noong August 3, 2023, sumalang si Herlene sa lie-detector test sa programang Dapat Alam Mo! nina Kim Atienza at Susan Enriquez, kung saan natanong siya ukol sa kanyang pagiging beauconera.
Tanong ni Susan, “Herlene, sasali ka pa ba ulit sa ibang beauty pageant or end of the road na ba ang pagiging beauconera mo?
Sagot ni Herlene, "Not gonna lie Kuya Kim and Ate Su, sasali pa ba ako? Oo ata... puwede bang maybe?
Lumabas sa test na 'Truth' o nagsasabi ng totoo si Herlene.
Sundot na tanong sa kanya ni Kim, "E, di yung pag-goodbye mo sa YouTube, hindi pala tunay na goodbye yun?"
Paliwanag ni Herlene, "Hindi po. Sinabi ko po na ‘I’m signing off’ kasi wala pa po akong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po.
"Kumbaga, wala pa pong franchise na kukuha dun sa international na paglalabanan ko. After noon, lalaban pa rin ako sa international."
Paglilinaw pa ni Herlene, kung saka-sakali mang ilaban siya sa international pageant ay magpapapahinga muna siya sa pagsali sa ibang beauty contests pagkatapos nito.
Saad niya, "After nun, baka magpahinga muna ako at papagalingin ko muna sarili ko. Focus muna ako sa kung anong meron ako ngayon. Magpapatalino po ako at saka magpe-pray."
Salungat ito sa naging pahayag niya kamakailan.
Read: Herlene Budol explains resignation of Wilbert Tolentino as her manager
Noong July 7, 2023, sa kanyang vlog sa YouTube, emosyunal na inanunsiyo ni Herlene ang pagtigil niya sa pagsali sa beauty pageant, matapos siyang hiranging Miss Tourism Philippines sa Miss Grand Philipines 2023.
Read: Herlene Budol's win as Miss Philippines Tourism 2023 marred by franchise issue?
Ang Miss Tourism 2023 sana ang kauna-unahang international pageant na lalahukan ni Herlene, ngunit nabalot ito ng isyu matapos mapag-alamang wala palang ugnayan ang Miss Grand Philippines sa Miss Tourism World international pageant.
Ibig sabihin, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung anong international pageant ang sasalihan ni Herlene bilang reigning Miss Tourism Philippines.
Read: Herlene Budol not representing PH at Miss Tourism World 2023 — Miss Grand PH org
Sabi ng Magandang Dilag star, senyales sa kanya ito para itigil na ang pagsali sa beauty pageant.
“Nakakatatlong pageant na pero hindi pa rin po puwede. Ibig sabihin, huwag na natin ngang ipilit," pahayag ng Kapuso star.
“Ibig sabihin po nun, ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing, ‘Sorry, Pilipinas. This is my last pageant. Ba-bye, Herlene Nicole Budol. I’m signing off.’”
Read: Herlene Budol, inihayag ang tunay na saloobin sa resulta ng Miss Grand Philippines 2023
Dagdag pa ni Herlene noon habang umiiyak, “Nasasaktan po ako kasi parang totoo po lahat ng sinasabi niyo na parang pinipilit ko lang po talaga na sumali.
“Na hindi ko po deserve. Nagsusubok lang po ako. Hindi ko po pala kaya. Hindi kayang i-represent ang Pilipinas.
“Titigil na po ako. Hindi ko na po ipipilit ang sarili ko.”
Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages
