PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pres. Marcos Jr., Maine-Arjo at Coldplay Manila concert

President Marcos Jr. and his wife Liza join thousands of fans who attended Coldplay's concert.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 20, 2024
Celebs spotted at Coldplay Manila concert
(L-R) First Lady Liza Araneta-Marcos and President Ferdinand Marcos Jr., Arjo Atayde and Maine Mendoza, Heaven Peralejo and Marco Gallo are some of the well-known personalities spotted at the Coldplay Manila concert, day one.
PHOTO/S: Maine Mendoza/Marco Gallo Instagram/GMA Facebook

Umaapaw ang pasasalamat ng British rock band na Coldplay sa kanilang Pinoy fans dahil sa success ng unang araw ng kanilang Music of the Spheres World Tour sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, inihayag ng banda sa pangunguna ng frontman nilang si Chris Martin ang kanilang pasasalamat sa lahat ng fans nilang dumalo't naki-jam.

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

Naganap ang concert ng Coldplay sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Biyernes ng gabi, January 19, 2024.

Sina President Ferdinand Marcos Jr. at First lady Liza Araneta-Marcos ay naispatan sa Philippine Arena na nanonood ng concert.

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ferdinand Marcos Jr. in Jeopardy! as answer to quiz about one President who took "so many foreign trips"

Kabilang din sa libu-libong bumiyahe nang malayo para masilayan ang live performances ng Coldplay ay ang mag-asawang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

Sa sunud-sunod na IG Stories ni Maine, ipinakita niya kung gaano sila nag-enjoy sa concert ng kanyang mister.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline

Spotted din sa unang araw ng Coldplay concert ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo kasama ang ka-love team nitong si Marco Gallo.

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heaven Peralejo-Marco Gallo romantic status, nananatiling palaisipan

Hindi rin pinalampas ni Ara Mina ang pagkakataong makita malapitan ang iniidolo niyang banda nang dumalo siya sa kanilang concert kasama ang asawa niyang si Dave Almarinez.

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

Read: Ara Mina on having a baby: “I’m giving myself one year na mag-try.”

Sa Coldplay concert din idinate ng actress na si Klea Pineda ang kasintahan niyang si Katrice Kierulf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Celebs spotted at Coldplay Manila concert

Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay

COLDPLAY JAMS WITH LOLA AMOUR

Samantala, sinorpresa naman ni Chris Martin ang Pinoy fans nang yayain niya sa stage ang Pinoy Indie band na Lola Amour para maki-jam sa pagkanta ng mga ito sa hit song nilang “Raining in Manila.”

Labis naman itong ikinatuwa ng Lola Amour.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang Instagram post, inihayag ng OPM band ang kanilang pasasalamat sa anila'y "once in a lifetime experience" na makasama sa iisang entablado ang kilalang British rock band.

Ngayong Sabado, January 20, magaganap ang ikalawang araw ng Music of the Spheres World Tour concert ng Coldplay sa bansa.

Ang Music of the Sphere World Tour ng Coldplay ay isang sustainable effort kung saan ang bahagi ng kikitain nila sa pagtatanghal ay mapupunta para mapondohan ang reforestation, ocean clean-ups, animal conservation, carbon capture, green technology, at iba pang may kinalaman sa pag-aalaga ng kalikasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na magtanghal sa bansa ng international rock band dahil noong 2017 ay nagkaroon na rin sila concert sa Pilipinas.

Read: British rock band Coldplay is now in the Philippines for the Manila leg of their A Head Full of Drea

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) First Lady Liza Araneta-Marcos and President Ferdinand Marcos Jr., Arjo Atayde and Maine Mendoza, Heaven Peralejo and Marco Gallo are some of the well-known personalities spotted at the Coldplay Manila concert, day one.
PHOTO/S: Maine Mendoza/Marco Gallo Instagram/GMA Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results