PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joross Gamboa reacts to “box office lucky charm” tag of netizens

Joross: "Hindi ako naniniwala sa luck, mas naniniwala ako sa bless."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 22, 2024
Joross Gamboa reacts to “box office lucky charm” tags of netizens
Joross Gamboa (left) on being labeled by netizens as a “box office lucky charm": "Hindi ako suwerte sa mga pelikula, hindi ganon yung nakikita ko. Mas nakikita ko na mas blessed ako dahil nakasama ako sa magagandang pelikula na tinatangkilik ng mga tao."
PHOTO/S: Joross Gamboa Instagram/Star Cinema Facebook

"Lucky charm ng box office films."

Ito ngayon ang bansag ng netizens kay Joross Gamboa matapos nilang mapansing sa tatlong highest-grossing films ng Pilipinas ay pawang kasama rito ang aktor.

Ang itinuturing ngayong Top 3 highest-grossing Filipino films ng bansa ay ang Rewind (2023) nina Marian Rivera at Dingdong Dantes; Hello, Love, Goodbye (2019) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards; at The Hows of Us (2018) nina Kathryn at Daniel Padilla.

Read: DongYan's Rewind is now the highest-grossing film in PH domestic sales

Sa tatlong pelikulang ito mapapansin ang partisipasyon ni Joross bilang isa sa kaibigan ng bida, dahilan para mabansagan siyang "box office lucky charm."

Sa ekslusibong panayam ni Joross sa ABS-CBN nitong Linggo, January 21, 2024, inihayag nito ang kasiyahan at pasasalamat sa mga papuring patuloy niyang natatanggap mula sa kanyang mga tagasuporta.

Aniya, "Nakakatuwa yung gesture na parang ako yung sinasabi na lucky charm.

"Na kapag nandoon daw [ako] sa pelikula, e, naghi-hit. Pero sa totoo lang kasi, hindi ako naniniwala sa luck, mas naniniwala ako sa bless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, the other way around, hindi ako suwerte sa mga pelikula, hindi ganon yung nakikita ko.

"Mas nakikita ko na mas blessed ako dahil nakasama ako sa magagandang pelikula na tinatangkilik ng mga tao."

Read: Joross Gamboa tells what fuels him to be devoted family man

Bukod sa Rewind, Hello, Love, Goodbye, at The Hows of Us, kasama rin si Joross sa iba pang pelikula ng Star Cinema na tinangkilik at kumita nang milyun-milyon sa takilya.

Kabilang dito ang It Takes a Man and a Woman (2013) nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, Starting Over Again (2014) nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, Can’t Help Falling in Love (2017) ng KathNiel, at My Ex and Whys (2017) nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Read: Highest-grossing Filipino film each year from 2010 to 2019

Paniniwala ni Joross, ang tunay na tagumpay ay hindi lang nakabase sa dami ng kinita ng isang pelikula, kundi sa dami ng napasaya at na-inspire ng bawat karakter na kanyang ginampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Nakakatuwa yung mga achievements na yon, pero for me it's just work.

"I am blessed to bless other people, to touch other's people lives through my work sa industriyang ito.

"Kaming mga artista, katulad lang din kami ng ibang taong nagtatrabaho.

"Ang difference lang, e, lumalabas kami sa TV, nakikilala kami.

"Pero para sa akin, lahat naman tayo pantay-pantay lang."

Gayunpaman, sa lahat ng blessings na natatanggap daw ni Joross ay ipinagpapasalamat niya ito sa Diyos.

Sabi niya, "I am truly grateful and thankful doon sa mga achievements and doon sa mga taong na-appreciate yung mga nagawa ko. But all glory to God."

Read: Rewind ng DongYan, malapit nang maungusan ang worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye ng KathDen

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa (left) on being labeled by netizens as a “box office lucky charm": "Hindi ako suwerte sa mga pelikula, hindi ganon yung nakikita ko. Mas nakikita ko na mas blessed ako dahil nakasama ako sa magagandang pelikula na tinatangkilik ng mga tao."
PHOTO/S: Joross Gamboa Instagram/Star Cinema Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results