PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yce Navarro, Vhong's Son, Reconsiders Showbiz Entry

Yce Navarro opens up about depression.
by Julie E. Bonifacio
Published Mar 30, 2024
yce navarro showbiz
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Trigger Warning: Depression

Bago dumating ang offer sa kanyang mapabilang sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo ay susuko na sana si Yce Navarro sa pangarap niyang maging artista.

Si Yce ay anak ng It's Showtime host na si Vhong Navarro sa aktres na si Bianca Lapus.

Read: Vhong Navarro’s son Yce Navarro joins the cast of FPJ’s Batang Quiapo

Ilang taon na ang nakalilipas ay nagdeklara si Yce ng kanyang intensiyong pasukin na rin ang pag-aartista.

Lahad ni Yce, “Sumali ako sa mga... nag-try po ako sa iba’t ibang stations po. Tapos, na-reject po ako.

“So, nung last year, nag-decide po ako na give-up na lang ako.”

Hindi pa man nakakausad sa kanyang pangarap si Yce, na-detain ang kanyang amang si Vhong noong huling quarter ng 2022 dahil sa pagbaliktad ng Court of Appeals sa nabasurang rape complaints ni Deniece Cornejo laban kay Vhong noong July 2022.

Read: Vhong Navarro on Supreme Court dismissing his rape case: "Naniniwala ulit ako na may justice system sa Pilipinas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo… tapos sabi ko po parang hindi na matutupad yung pangarap ko na maging artista po,” sabi ni Yce.

Inamin ni Yce na inatake siya ng depression at malaking bahagi nito ay dulot ng pagkakakulong ng kanyang ama.

“Opo, kasama na rin po ‘yun,” bulalas niya.

“Yun din po yung namatay yung stillborn na kapatid ko po saka yung lolo ko. Sabay-sabay din po yung nangyayari.

“Siyempre heartbreaking din po sa akin na makita yung mom ko na ganoon yung na-experience niya.”

Read: Bianca Lapus suffers miscarriage on the day of her father's passing

Ano ang ginawa niya para ma-overcome ang kanyang depression?

“Nag-therapy po ako," nakangiting sagot ni Yce.

"Pero okey naman, parang tinatanggap ko na rin na baka nga... parang hindi ito [pag-aartista] para sa akin.”

May iba pa siyang ginawa para lumakas ang kanyang loob at labanan ang depresyon?

“Hindi ko rin po alam,” ngiti ni Yce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ah, siguro po kay God. Saka siyempre sa mom ko kasi malakas na tao yan, e. Daming pinagdaanan niya.

“So, parang nung nag-i-stay strong siya para sa amin, para sa mga anak niya, para sa ibang mga kapatid ko, parang doon ko na rin po nakuha yung lakas ng loob ko.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Yce sa stall ng bagong Mamu Bebu mom’s beauty and personal products soft launch na ginanap sa Mama Expo sa Megatrade Hall, SM Megamall, kamakailan.

Sina Yce at Bianca ay part-owner at celebrity endorsers ng Mamu Bebu.

bianca lapus yce navarro

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Yce Navarro with mother Bianca Lapus

CALL TO JOIN BATANG QUIAPO

Inamin ni Yce na nawalan na siya ng pag-asang matutupad ang pangarap niyang mag-artista.

Read: Yce Navarro recounts missed opportunity in showbiz because "ayaw po talaga ni Daddy"

“Opo,” sang-ayon niya. “Magku-quit na po ako noon.

"Kaya may ano na po ako noon, e, may trabaho na po ako. Sumasama po ako sa production team ng tito ko.

“Tapos sabi ko, kuha na lang din ako ng stable job. Sa office po, ganoon.

“Tapos after several months tumawag, po si Kuya Coco, si Direk Coco po,” pagtukoy niya sa bida at direktor ng FPJ's Batang Quiapo na si Coco Martin.

Akala raw ni Yce ay joke lang ang balitang kinukuha para gumanap ng role sa Batang Quiapo.

“Kasi yung nagsabi po sa akin yung dad ko. Kasi wala po akong contact [number].

“So, nung sinabi sa akin, akala ko joke lang. So, tuloy pa rin ako sa pag-send po ng mga resumès.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then, nung nag-meeting na kami nina Direk Coco at saka yung ibang bagong artista, doon pa lang nagsi-sink in,” kuwento ni Yce.

First time na-meet ni Yce ang ibang kasabayan niyang artista para sa ikalawang season ng Batang Quiapo sa ipinatawag na orientation mg mga ehekutibo ng Kapamilya action-serye.

“Kung ano po yung magiging trajectory ng istorya,” paliwanag ni Yce.

“Pinapakilala po ako ni Direk Coco sa ibang co-stars namin. Pero hanggang hello lang po ako.

“Kasi hindi ko po talaga kaya [makipagbiruan]. Kinakabahan lang po ako the whole time.”

Ano ang sabi nina Vhong at Bianca sa pagpasok nya sa Batang Quiapo?

“Mukhang proud naman. Hahaha!" natatawang sagot ni Yce.

“Hindi ko po siya [Vhong] tinanong kung napanood niyo po ang eksena ko. Ayoko rin pong tanungin siya.

“Pero sinabi niya po sa akon hindi pa niya napanood.

“Alam kong proud po siya kasi sinabi naman po niya sa akin. Pati si Mommy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BATANG QUIAPO CO-STARS

Unang eksena ni Yce na lumabas sa episode ng Batang Quiapo ay ang unang pagkikita rin nina Elijah Canlas (Pablo Caballero) at McCoy de Leon (David Dimaguiba).

Hindi pa napapanood ni Yce ang first scenes niya sa Batang Quiapo nang nakausap siya ng PEP.ph.

“Hindi ko pa rin po pinapanood yung eksena ko po na yun. Ayoko po kasi na pinapanood ang sarili ko.

“Pero nanonood ako ng Batang Quiapo, ini-skip ko lang yung part ko. Siguro kukuha rin ako ng lakas ng loob para panoorin ko ang sarili ko.

“Kasi doon nag-i-improve ang mga artista, e, di ba? ‘Ah, parang dito may mali akong ginawa,’ ganoon po,” depensa niya.

Nag-sink in na lang daw kay Yce na artista na siya nung unang araw ng taping nya.

“Kasi nung orientation po namin, nandoon lang po ako, nakaupo. Nakikinig. Tapos may bigla na lang may, ako po yung unang dumating, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nung dumating na po yung iba kong co-stars — Elijah Canlas, Jaime Fabregas, Tessie Tomas — lahat sila dumadating.

“Tapos ako, parang sa loob ko, ‘Parang nakikita ko lang sa TV ‘to dati, ah. Si Tito Jaime pa, idol ko yun. So, parang cool. Hahaha!”

Paano na-break ang ice para sa kanya with his co-actors?

“Nung unang taping po namin sa Pampanga yun, e. Tapos unang eksena po namin kasama sila McCoy.

“Tapos nung dinidirek na ako ni Direk Malu [Sevilla], parang yun na pala talaga.

“Nilalagyan na ako ng lapel may line ako. Akala ko [wala], so ‘Okey, eto na talaga,’ sabi ko po.

“Parang doon pa lang yung kaba, yung mismong start na ng eksena. Parang, 'Wheew, dream come true na nga!” tawa ulit ni Yce.

Kumusta katrabaho ang award-winning actor na si Elijah sa Batang Quiapo?

“Si Elijah, ang galing niya talaga,” papuri ni Yce.

“Deserved niya yung award-winning [actor]. Kinabahan talaga ako kasi kapapanood ko pa lang sa kanya sa GomBurZa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nagkasama na kami sa set mismo, medyo friends na po kami noon. Kasi nung workshop po, doon pa lang po doon ako kinakabahan na, ‘Uy, big-time actor talaga ‘to.’ Mas bata pa po siya sa akin.

“So, nung nasa set na po kami, tapos eksena na, iba talaga. Kasi kulitan lang kami pag nasa tent. Pag nasa set na ibang tao na talaga.

“Si Direk Coco? Hindi ko pa po siya nakakatrabaho directly. Kasi iba-ibang unit po yan, e. Bale, nasa ibang unit pa siya.

“Pero soon siguro po makaka-work ko po siya. But for now po, sa orientation ko pa lang po siya nakita. Pero ang bait, sobrang talino.

“Kasi yung istorya ng Batang Quiapo, alam mong matagal pa, e. Ang layo pa po ng tatakbuhin ng kuwento.

"Hanggang sa papunta sa dulo. Ang ganda, ang galing," sabi ni Yce.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results