PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

Xian on Iris: "We are seeing each other and we are very happy."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 2, 2024
Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline
Kapuso actor-director Xian Lim (right) finally admits relationship with producer Iris Lee (left).
PHOTO/S: @Iris Lee, Viva Artist Instagram/ WATANABE RIDING DEVELOPMENT Facebook

Tinuldukan na sa wakas ni Xian Lim, 34, ang matagal nang espekulasyon sa tunay na relasyon nila ng film producer na si Iris Lee, 32.

Sa ekslusibong panayam ni Xian sa Esquire nitong Huwebes, May 2, 2024, kinumpirma ng Kapuso actor-director ang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni Iris.

Aniya: "Yes, I’m seeing Iris.

"Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other, and we are very happy.

"Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker.

"She's my producer and she's also my creative partner."

XIAN’S PAST RELATIONSHIP WITH KIM CHIU

Ang pag-amin ni Xian ay nangyari makalipas ang halos limang buwan matapos kumpirmahin ni Xian at ng kanyang long-time girlfriend na si Kim Chiu, 34, ang pagtatapos ng labindalawang taon nilang relasyon.

Matatandaang nag-isyu sa social media ng official statement ang dalawa noong December 23, 2023.

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanilang hiwalayan noon pang November 2023.

Bunsod ito ng marami-raming pahaging at panunukso ng mga co-hosts ni Kim sa It’s Showtime at ang pakonti nang pakonti na sighting sa dalawa kahit pa may okasyon.

Read: Kim Chiu asked when she last told an ex: “I wish you the best”

Lumitaw ang pangalan ni Iris bandang Disyembre.

Sa special report na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), balikang tanaw natin ang mga pagkakataong nagkatrabaho o nagkasama ang dalawa,

2021: THE FIRST POST SHOWING XIAN AND IRIS WORKING TOGETHER

Base sa social-media posts, taong 2021 unang nagkatrabaho sina Xian at Iris.

Taong 2018 nang lumipat si Xian sa Viva, kung saan senior associate producer si Iris.

Sa Instagram, ipinost ni Iris noong February 21, 2021, ang ilang larawan na kuha sa shooting ng Vivamax mini-series na Parang Kayo Pero Hindi, na pinagbidahan mismo ni Xian, kasama sina Miss International 2016 Kylie Verzosa at aktor na si Marco Gumabao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong ito ay nobya pa ni Xian si Kim.

Read: Kim Chiu on failed relationships: "Wala akong pinagsisihan."

2023: XIAN AND IRIS’S MAJOR PROJECT TOGETHER

Taong 2023, muling nagkatrabaho sina Xian at Iris para sa pelikulang Hello, Universe!.

Sa pagkakataong ito, si Xian na ang nagsilbing director-writer, habang si Iris naman ang nag-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janno Gibbs, nagulat sa pagna-number one ng 'Hello, Universe!' sa Netflix

May 3, 2023, muling nagpost si Iris sa Instagram ng ilang kuhang larawan nila sa shooting ng Hello, Universe!

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

Sa caption, binati niya si Xian sa kauna-unahan nitong directorial job para sa isang major theater release.

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong ito ay nobya pa rin ni Xian si Kim.

Sa katunayan noong January 26, 2023, ay proud pang ipinost ni Kim sa kanyang Instagram ang poster ng Hello, Universe!, kalakip ang mahaba at makabagbag damdamin niyang mensahe kay Xian.

Masaya at proud si Kim kay Xian dahil maganda ang kinalabasan ng pelikulang matagal nitong pinaglaanan ng oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu shouts out for boyfriend Xian Lim as writer-director of his new film

DECEMBER 2023: RUMORs STARTED

Sa kalagitnaan ng usap-usapang hiwalay na sina Xian at Kim ay siya namang paglutang ng pangalan ni Iris at inili-link sa aktor.

Nagsimula ito sa isang post sa Reddit na diumano ay karelasyon na ni Xian si Iris noon pang December 2023.

Naiulat din ito ni Ogie Diaz sa vlog niya sa YouTube at diretsahang tinanong si Xian kung sino si Iris sa buhay niya.

Read: Kim Chiu keeps mum on rumored breakup with Xian Lim: "Sa amin na lang muna yon."

FEBRUARY 2024: XIAN AND IRIS'S VIRAL PHOTO

Noong February 13, 2024, namataan sina Xian at Iris na magkatabi sa group photo na in-upload ng Watanabe Riding Development sa Facebook.

Who is Iris Lee, get to know Xian Lim's rumored girlfriend, VivaMax film producer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit may isang ipinagtaka ang netizens na pinagsimulan ng intriga sa tunay na namamagitan sa dalawa.

Makikita kasi sa larawan na nakaakbay si Xian kay Iris, habang si Iris naman ay nakahawak sa kamay ni Xian na animo’y magka-holding hands.

Bukod pa rito ang pagkapit niya sa likod ng bewang ni Xian.

Read: Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?

MARCH 2024: XIAN AND IRIS SPOTTED IN BANGKOK, THAILAND

Nakita rin silang magkasama sa Bangkok, Thailand, noong March 1, 2024.

Mismong si Xian ang nagpost sa kanyang Instagram ng litrato kasama niya si Iris at kanyang team habang sila ay naglilibot para mag-check ng mga shooting locations para sa ng upcoming project ni Xian bilang direktor.

Read: Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa siyam na larawang in-upload ni Xian, tatlo rito ay group photos na kasama si Iris.

Mapapansing magkatabi parati ang dalawa.

Fast foward to May 2, kinumpirma ni Xian ang relasyon nila ni Iris, pero nilinaw niya na hindi third party ang producer sa breakup nila ni Kim.

Diin ng binata: "There's no third party. That's it. That plain and simple."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Xian Lim finally confirms relationship with Iris Lee

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor-director Xian Lim (right) finally admits relationship with producer Iris Lee (left).
PHOTO/S: @Iris Lee, Viva Artist Instagram/ WATANABE RIDING DEVELOPMENT Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results