Magbabalik bilang host ng Miss Universe Philippines 2024 grand coronation ang Kapuso actor na si Alden Richards.
Makakasama niya bilang host si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.
Nitong Miyerkules, May 1, 2024, inanunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) sa kanilang official website ang partisipasyon ni Alden sa Miss Universe 2024 The Coronation.

Ibig sabihin, si Alden ang magiging co-host ni R'Bonney, na nauna nang kinumpirma ng MUPO na maghu-host sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2024.
Read: R'Bonney Gabriel wears exquisite Rian Fernandez gown for final walk as Miss Universe 2022

Read: Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel: “I’m proud to be half-Filipina.”
ALDEN RICHARDS HOSTING MUPH 2023
Hindi ito ang unang pagkakataong naging host ng Miss Universe Philippines si Alden.
Noong 2023, si Alden din ang napiling mag-host kunsaan nakasama niya ang kapwa Kapuso actor na si Xian Lim at si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.
Sina Tim Yap at Miss Globe 2021 Maureen Montage naman ang nagsilbing backstage hosts.
Read: Xian Lim, pinuri sa paghu-host ng Miss Universe Philippines 2023
Nakatakdang ganapin ang Miss Universe Philippines 2024 The Coronation sa MoA Arena sa darating na May 22
Dito ay magpapasiklaban ang 53 kandidata mula sa iba'ibang lungsod at lalawigan para makoronahang Miss Universe Philippines 2024.
Read: MUPH 2024 candidates receive PHP50K each from Sultan Kudarat
Ipapasa ng reigining titleholder na si Michelle Dee sa magwawagi ang korona ng Miss Universe Philippines.
Ang hihiranging Miss Universe Philippines 2024 ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 sa Mexico.
MUPH 2024 PERFORMERS
Samantala, kumpirmado na rin ang pagpe-perform ng Pinoy rock-band na Lola Amour at ni RuPaul's Drag Race: UK vs the World finalist Marina Summers sa coronation night.
Read: Marina Summers finishes fourth in RuPaul's Drag Race: UK vs The World
Ang bandang Lola Amour ang nasa likod ng mga kantang "Raining in Manila," "Pwede Ba," at "Namimiss Ko Na."
