PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal draws flak over Carlo-Charlie wedding post

Netizen to Jolina Magdangal: "Kunsinti pa more."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 10, 2024
Jolina Magdangal draws flak over Carlo-Charlie wedding post
Jolina Magdangal (second from right) earns criticisms for posting congratulatory and best wishes messages for newlywed couple Carlo Aquino (leftmost) and Charlie Dizon (second from left). Jolina attended the wedding with her husband, Mark Escueta (extreme right).
PHOTO/S: @Jolina Magdangal Instagram

Inulan ng batikos ang congratulatory post ng TV host-actress na si Jolina Magdangal sa bagong kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ginanap ang private, secret wedding nina Carlo at Charlie sa Alta Veranda de Tibig, sa Silang, Cavite, nitong Linggo, June 9, 2024.

Charlie Dizon, Carlo Aquino wedding in Silang, Cavite
Photo/s: @charliecuties_ on Instagram

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon are officially married!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya at ilang piling kaibigan, kasama na si Jolina at asawa nitong si Mark Escueta.

Read: Celebrity guests at Carlo Aquino and Charlie Dizon's wedding

Nitong Lunes, June 10, may Instagram post si Jolina para magpasalamat at batiin ang bagong kasal.

Kalakip nito ang mga kuhang larawan nina Carlo at Charlie sa seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sa caption ng post, binalikan ni Jolina ang wedding vow ni Charlie kay Carlo. Diumano, minanifest ni Charlie ang pagpapakasal niya sa aktor.

Read: Venue details: Charlie Dizon-Carlo Aquino wedding

Pag-amin ng Magandang Buhay host, bukod kay Charlie, siya rin daw ay nag-manifest para sa habambuhay na pagsasama nina Carlo at Charlie.

Kaya naman wala raw mapagsidlan ang kanyang tuwa't galak nang matupad ang dati lang niyang ipinagdarasal na mauwi sa simbahan ang pagmamahalan ng dalawa.

Saad ni Jolina sa caption ng kanyang post (published as is): "Sabi ni April [real name ni Charlie] sa vows nya totoo daw pala ang manifesting.. gusto ko lang share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At yung mga sinabi ni Kaloi [palayaw ni Carlo] sa vows naman nya kung paano nya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso nya ang nagsasalita.

"Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag iisang dibdib.

"Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo.

"April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo.

"Congratulations and best wishes!!!

"Ps, sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever.. (love you mahal)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Sa comments section ng post ni Jolina, maraming netizens ang hindi natuwa sa pagma-manifest ng TV host sa relasyong panghabambuhay nina Carlo at Charlie.

Narito ang mga kontra published as is.

Komento ng isang netizen: "I'm so disappointed sayo jolina Hindi mo manlang naisip Yung mag Ina nya na pinag palit nya sa tawag ng laman tang.....na."

"Grabe naman caption mo jolens na "mapagmahal sa pamilya" knowing the fact na iniwanan nya magina nya. Oyan na bash ka tuloy! Kunsinti pa more," dagdag pa ng isa.

Sabi ng isa :"Mapagmahal sa family? Are u kidding? What do u call a man who turned his back to his very own flesh for his own sakes happiness? Like seriously!!!???"

Saad pa ng isa, "Maganda sana kung naging mabuting ex si Carlo sa nanay ng anak nya, pede pa maintindihan ng mga tao na baka nga nag bago sya. Kaso sa pain na kinause nya sa maraming babae kagaya natin. Hndi sya credible na maalam mag mahal or rumispeto ng isang babae. Pano pa kung hindi sincere pag susustento sa anak? Madaming factor need iconsider sa ganyang klaseng lalaki. Hindi porket nagpakasal eh nag bago or matured na lalaki na. Buti hindi sila nagka tuluyan ni Trina kasi hndi nya deserve ang isang baby boy kundi a REAL MAN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tracking romantic life of Carlo Aquino, one intriguing story after another

Kung mayroong bumabatikos, mayroon din namang naiintindihan ang punto ni Jolina sa kanyang post at caption.

Eto ang mga pabor published as is.

Depensa ng isang netizen, "Dami naman bitter sa comment lol e hindi nio mapipilit c carlo na mag stay dun sa x / mag-ina nya kung hindi naman na ito masaya, and more than that. buti nga di pa kinasal dun kasi hiwalayan lang din naman pla mapupunta kahit may anak na. Hindi porket sabihin na may anak sila e duon na ma stock buhay nya Hahaha sa pinakasalan mas matindi ang pagmamahal e wala kau magagawa I'm happy for carlo and the girl. Best wishes."

Dagdag pa ng isa, "Puro kau kawawa si Trina, Hindi nya ako hater at mas Lalo Hindi ako fans ng dalawa na Yan,,pero Sana isipin nyo mas kawawa si Trina,carlo at anak nila kung patuloy Sila magsasama ng dahil lang sa Bata pero Hindi na Sila Masaya lalaki Ang Bata na puro nlang away Ang magulang nya, Isa pa wag nyo isisi Kay Carlo Ang lahat dahil lahat Naman Tayo my ugaling pangit na tinatago, cguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga komentong ito, mabilis namang nireplayan ni Jolina ng, "salamat sa malawak na pang unawa."

CARLO'S PAST RELATIONSHIP

Base sa mga komento, ang pinatutungkulan ng netizens ay ang kontrobersiyal na paghiwalay ni Carlo sa dati nitong partner na si Trina Candaza, bago pakasalan ng aktor si Charlie.

Read: Is this Trina Candaza's reaction to wedding of Carlo Aquino?

Ilang taon ding naging magkasintahan sina Carlo at Trina na biniyayaan ng isang anak, si Mithi.

Trina Candaza Carlo Aquino love story
Photo/s: Courtesy: Nice Print Photo. carlo aquino and trina candazo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na labis na nasaktan si Trina sa hiwalayan nila ni Carlo.

Noong Enero 2023, ipinagtapat ni Trina na hiwalay na sila ng aktor noong December 2021 pa lamang.

Read: Trina Candaza inspired by LJ Reyes's happy ever after with Philip Evangelista

Naikubli raw nila ito nang halos isang taon bago tuluyang lumabas sa publikong hiwalay na nga sila.

Ngunit ayaw raw niyang isapubliko ang dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo dahil baka balang araw ay mapanood ng anak nilang si Mithi ang panayam.

Inamin din ni Trina na siya ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.

Read: Trina Candaza moves out of Carlo Aquino's home; brings daughter with her

Pag-amin niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tinabangan si Carlo sa kanya.

Saad ni Trina, "I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa dumating na raw sa puntong napagtanto niyang hindi magwu-work ang relasyon nila ni Carlo. Kaya sa loob ng isang taon ay naging single sila pareho.

CARLO's NEWFOUND LOVE

Pero makalipas ang isang taon, si Carlo ay nakahanap ng bagong iibigin sa katauhan ng misis na niya ngayong si Charlie.

Alta Veranda de Tibit: the Charlie Dizon and Carlo Aquino, wedding venue
Photo/s: @myiookamoto on Instagram. carlo aquino and charlie dizon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang umugong ang usaping may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa matapos mag-post ni Charlie ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends, noong December 2022.

Read: Is Charlie Dizon in a relationship with Carlo Aquino?

Nasundan pa ito nang maispatan sila sa isang restawran sa La Union na magkasama at animo'y nagbabakasyon at sa pagpu-post ni Carlo ng larawan ni Charlie sa kanyang Instagram account.

Read:

January 6, 2023, mismong si Carlo na ang umamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "dating" ang relationship status nila ng Kapamilya actress.

Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon

Ayon pa rito, very positive outlook ang nakikita niya kay Charlie.

July 20, 2023, sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinunyag na rin ni Charlie na boyfriend niya si Carlo.

Read: Charlie Dizon officially confirms relationship with Carlo Aquino: “Opo, boyfriend ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 3, 2023, sa muling panayam sa PEP.ph nina Carlo at Charlie, ikinuwento nila kung paano sila nagkapalagayan ng loob sa kabila ng magkaiba nilang personalidad at mga katangian.

Pagbabahagi ni Charlie: "Si Carlo super loving, grabe mag-alaga.

"Pero ang pinakahinangaan ko sa kanya, yung kapag may gusto siya, gagawin niya talaga, e.

"Kasi ayun yung medyo hindi ako. Yung parang ako, natatakot ako na mag-risk, na pag-iisipan muna bago gawin.

"Pero kapag siya... kapag may sinabi siyang gusto niya, talagang gagawin niya lahat ng steps."

Read: Charlie Dizon on Carlo Aquino's confession of love for her: "Noong una, medyo kinabahan ako."

Para naman kay Carlo, nabighani siya sa mga ngiti ni Charlie dahil may dala raw itong positivity.

Saad ng aktor, "Kita niyo ba yung tawa niya? Basta kapag happy siya, happy na rin ako."

Sa panayam na ring ito unang nagparamdam sina Carlo at Charlie na handa na nilang i-level up ang kanilang relasyon. Napag-uusapan na raw nila ang kanilang future at goal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Carlo, "Pinag-uusapan namin yung future together."

Pagsang-ayon ni Charlie, "Yeah, yung goals and kung paano namin matutupad yung mga goals na yon."

Ano bang klaseng future ang napag-uusapan na nila?

Sagot ni Carlo, "Pinag-uusapan namin yung future namin together na magkasama kami na magkakapamilya.

"Kasi, di ba, bakit pa kami umabot sa ganito, di ba? Kahit sino naman, ayun siguro yung goal kaya sila nakikipagrelasyon, para may makasama ka [habang buhay]."

Read: Relasyon ni Carlo Aquino kay Charlie Dizon, may kakaibang epekto sa aktor

Sinang-ayunan ito ni Charlie.

Ayon sa aktres, noong una pa lamang ay malinaw na sa kanila ni Carlo ang plano para sa kanilang relasyon.

"Actually, noong nagsimula pa lang 'to lahat sa aming dalawa, parang nakalatag na lahat yon... nakalatag na yung 'Ano ba to, e-enter na ba ng relationship, pero ang gusto ko kapag relationship serious talaga.'

"As in, ganun. Kung hindi, e, di hindi. Okay lang kung hindi. Ayun din yung sinabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya from the start, alam na namin na dapat seryoso to. Kapag may problemang ibabato, [pag-uusapan agad] ganun."

CHARLIE hints AT her WEDDING

Ang PEP ang pinakaunang naglabas ng balitang magpapakasal na sina Carlo at Charlie, gabi pa lamang ng Sabado, June 8, 2024.

Nang makapanayam ng PEP Troika si Charlie matapos niyang magwagi bilang best actress sa 47th Gawad Urian noong June 8, inusisa siya kung totoong kinabukasan, June 9, na sila magpapakasal ni Carlo.

Nanalo si Charlie ng best actress award para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ni Carlo, sa direksiyon ni Dwein Baltazar.

Sa event, naulinigan ng PEP ang balitang magpapakasal na ang dalawa.

Nabanggit din kasi ng aktres sa kanyang acceptance speech ang mga linyang, “Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

Pero ang masayang sagot ni Charlie sa PEP, “Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin naman kung gaano siya ka-excited kinabukasan, June 9, na araw ng kasal, patanong din ang sagot niya sa kung ano ang meron bukas.

Sinagot siya ng PEP.ph ng: “Wedding, siyempre.”

Pakli ng aktres: “Wedding niyo po ba?”

Pero halos pag-amin na nito nang banggiting double celebration na ang award para sa kanya, “Sa inyo na po galing yan, thank you so much.”

Read: Charlie Dizon, nabuking na ikakasal na kay Carlo Aquino

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal (second from right) earns criticisms for posting congratulatory and best wishes messages for newlywed couple Carlo Aquino (leftmost) and Charlie Dizon (second from left). Jolina attended the wedding with her husband, Mark Escueta (extreme right).
PHOTO/S: @Jolina Magdangal Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results