PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal makes teleserye comeback

Jolina will be joining Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, and Jericho Rosales.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 20, 2024
Jolina Magdangal makes teleserye comeback
Jolina Magdangal (in photo) joins Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, and Janine Gutierrez in her first teleserye, Lavender Fields, after almost ten years.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Makalipas ang mahigit sampung taong pamamahinga sa pag-arte, magbabalik sa teleserye ang Kapamilya TV host-actress na si Jolina Magdangal.

Si Jolina ang isa sa mga bida sa upcoming ABS-CBN drama series na Lavander Fields. Makakasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Janine Gutierrez.

Read: Kristine Hermosa open to working again with Jericho Rosales

Nitong Martes, June 18, 2024, opisyal na ianunsiyo ng Dreamscape Entertainment sa kanilang social media account ang partisipasyon ni Jolina sa nasabing serye.

Jolina Magdangal makes teleserye comeback
Photo/s: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa kanilang post, kalakip ang teaser video ng TV host-actress: "JOLINA MAGDANGAL is LILY ATIENZA!

"This is the Iconic Return of the Pinoy Pop Culture Icon sa Primetime Bida! Abangan si Jolina Magdangal sa GRANDEST SERYE ng taon, mula sa ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment!"

Read: Look at Jolina Magdangal's collection of Betamax recording her 1990s TV shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa ABS-CBN, inamin ni Jolina na maging siya ay nagulat at na-excite nang tawagan siya ng Dreamscape Entertainment para aluking gumanap bilang Lily Atienza sa Lavander Fields.

Ani Jolina: "Parang, 'Totoo ba ito?' Parang ganon.

"Kasi siyempre ang tagal kong nasa talk show and ang tagal kong hindi nag-soap.

"Talagang na-surprise talaga ako. Noong sinasabi, parang napapataas ako sa upuan ko, na-excite ako na kinakabahan."

Sundot na tanong ni MJ, "Mayroon ka bang bagay na nami-miss inside of you na you want to delve into acting again?"

Sagot ni Jolina, "Sabihin na natin more than three decades dito sa industriya, meron ka pa rin hahanapin, and I guess siguro yung kapag magkaroon ka ng character."

Read: Battle of ABS-CBN 1990s Teen Queens: Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Jolina Magdangal

JOLINA ON WORKING WITH JODI, JERICHO, JANINE

Bukod sa pagbabalik-teleserye, ikinae-excite din daw ni Jolina ang mga makakasama niya sa Lavander Fields.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karamihan daw kasi sa mga ito ay first time niyang makakatrabaho at makakasama sa isang proyekto, at noo'y hinahangaan lang niya.

Ano ang naramdaman niya nang malamang makakatrabaho niya si Jodi?

Saad ni Jolina, "Sobra ako na-excite din. Kasi naka-work ko si Jodi bata pa kami.

"And hindi ko pa siya naka-work na talagang sa aktingan, e, sobra ko siyang pinapanood.

"Tsaka sobrang nagagalingan ako sa kanya, nabibilib ako sa kanya mula nung nakilala ko siya. Yung mga soap niya, fan na fan kami ng nanay ko."

Read: Jolina Magdangal draws flak over Carlo-Charlie wedding post

Bagamat madalas magkasama sa iba't ibang shows abroad, first time daw makakasama ni Jolina si Jericho sa isang teleserye.

Rebelasyon niya, "Si Echo, hindi ko masyado nakasama talaga sa soap.

"Nakakasama ko si Echo kapag sa mga shows naman sa abroad, TFC, ganun.

"So, hindi ko pa siya nakasama talaga ng aktingan."

Ganito rin daw ang naramdaman ni Jolina nang malamang makakatrabaho niya si Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama sina Jolina at Janine sa bakuran ng GMA-7, pero hindi sila nagkaroon ng teleserye together.

Read: IT'S OFFICIAL: Janine Gutierrez now with ABS-CBN after 10 years with GMA-7

Saad ni Jolina, "Si Janine, nakasama ko siya sa kabilang network, but hosting yun. And kakapasok niya lang nun, ako naman pa-goodbye na ako nun.

"So, hindi talaga kami nagka-work. Nae-excite ako for her dahil napanood ko rin ang mga soap niya, di ba?

"Na-excite din ako na makakasama ko siya rito kasi fresh at saka, alam mo yun, parang bata naman."

Ang ABS-CBN drama series na FlordeLiza noong 2015 ang huling teleseryeng tinampukan ni Jolina, kasama ang former loveteam partner niyang si Marvin Agustin.

Read: Netizens clamor for Jolina Magdangal-Marvin Agustin reunion

Bumida rin si Jolina sa mga pelikula gaya ng Labs Kita… Okey Ka Lang? at Puso Ng Pasko (1998), at Labs Ko si Babe (1999).

Sa ngayon, si Jolina ang isa sa mga host ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, kasama sina Regine Velasquez at Melai Cantiveros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Regine Velasquez, ipinakilala na bilang regular co-host ng Magandang Buhay

Kaya naman sa pagbabalik-teleserye ngayon ni Jolina, may isa raw siyang maipapangako sa kanyang mga tagahanga.

Sabi niya, "Iba yung si Momshie Jolina, iba si Jolina dito. Parang hindi ito chuvachuchu, e.

"Dito niyo makikita siguro yung Jolina na iba. Kung na-excite kayo, mas grabe yung sa akin, kaya abangan niyo."

Read: Jolina Magdangal fulfills dream of watching husband Mark Escueta at Rivermaya reunion concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal (in photo) joins Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, and Janine Gutierrez in her first teleserye, Lavender Fields, after almost ten years.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results