PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco admits he's now "taken"

David did not reveal the identity of his partner.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 28, 2024
David Licauco admits he's now taken
David Licauco on his relationship status: "Taken."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network

Tapos na ang pagkahaba-habang pila sa Kapuso actor na si David Licauco.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay opisyal niyang ipinagtapat na siya ay "taken" o may karelasyon na.

Nangyari ang pag-amin ni David sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 25, 2024, nang sumalang siya sa segment na "Fast Talk," kunsaan tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung siya ba ay single o taken ngayon.

Sa una, mahihinuhang nag-alangan pang sumagot si David hanggang sa aminin niyang siya ay "taken" na.

David Licauco admits he's now taken
Photo/s: Screengrab @GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na pinangalanan pa ng aktor kung sino ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon, ngunit matagal nang haka-haka na ito ay hindi taga-showbiz.

Read: David Licauco, nadulas tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend?

DAVID LICAUCO'S PERSPECTIVE ON LOVE

Aminado rin si David na nagbago ang pananaw niya pagdating sa pagmamahal nang tumuntong siya ng 20s.

Noong bata-bata pa raw siya ay kuntento na siya kung makakakilala siya ng babaeng pasok sa kanyang standard. Ngunit ngayong siya ay 29 years old na ay marami na raw siyang dapat ikunsidera.

Read: How David Licauco's life has changed in the last five years

Pagbabahagi niya: "When I was younger, as long as maganda, chinita, tsaka masaya kausap... Before kasi uso nun Yahoo! messenger, kaya kapag masaya kausap, feeling mo in love ka na, lalo na noong bata ka.

"Dati, ang love, feeling ko, hindi kailangan ng work. Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So now, it's different. I think you have to empathize with your partner and, I'm sure marami kasing problema along the way, so kailangan mong lumaban.

"Kailangan mong intindihin kung saan nanggagaling yung partner mo. And hindi na siya kagaya nung dati na, 'Ah, basta maganda lang, good family background, mabait.'

"So now talaga, mas naging ano ako, e, siguro understanding. Kailangan na ng ganon."

Read: Barbie Forteza reveals what David Licauco did for love

Sundot na tanong sa kanya ni Boy, "At twenty-nine, is that the stage of your life when you also think about marriage, sumasagi na sa isipan mo?"

Sagot ni David, "Yeah, oo naman. Pero wala pa ako dun [ngayon].

"I think, I focus more on my career and businesses."

Read: Barbie Forteza on advantages, disadvantages of BarDa tandem

DAVID'S PREVIOUS RELATIONSHIP

Noong February 6, 2023, sa parehong programa na Fast Talk With Boy Abunda, unang nabunyag ang buhay pag-ibig ni David nang tanungin din siya noon ni Boy kung siya ba ay single o taken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Boy: “Are you single now?”

Mabilis na sagot ni David: “Yes, I’m single.”

Pero hirit ni Boy: “Hindi naman ako naniniwala, nagkabalikan kayo, e.”

Tanggi ni David: “Hindi, hindi kami nagkabalikan.”

Bakas sa mukha ni David ang pagkagulat na alam at kilala ni Boy kung sino ang babae.

Read: David Licauco on possible romance with Barbie Forteza: "What if?"

Ayon kay Boy, hindi niya papangalanan ang naging girlfriend ni David na "napakaganda" dahil mula ito sa isang pribadong pamilya.

Pagbubunyag pa ni Boy, “I know you're separated. Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa.

“Was that the reason, David, why you got back?”

Gulat na sagot ni David: “Wait lang, first of all, bakit alam niyo yan?

“But, yeah, I would say that was the reason behind the breakup.

“I mean, among other things, ayun yung pinaka-main reason.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: David Licauco on Barbie Forteza: "Close friends kami."

Ibinuking din ni Boy na gusto na raw noon ng ex-girlfriend ni David na mag-settle down na ngunit hindi pa handa ang aktor.

Magkahalong hiya at natatawang sagot ni David, “Yeah, I’m not ready.

“Because go-getter kasi ako and mas gusto ko yung career muna, and siya kasi nasa stage na siya ng…"

Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni David, "Wait lang, hindi ko gets kung bakit alam!

“Bakit? Parang wala naman akong sinabihan.”

Muling inusisa ni Boy kung nagkabalikan nga ba sila ng tinutukoy niyang babae .

Tugon ni David, “Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na."

Inamin ng Kapuso actor na nagselos siya sa "isang aktor" na naugnay sa kanyang ex-girlfriend, dahilan para hindi na sila magkaayos noon.

Read: David Licauco grilled about his recent relationship: "Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na."

DAVID LICAUCO ON BREAKUP WITH AN ABS-CBN ACTRESS

Bukod dito, noong 2018, inamin ni David sa isang panayam na nagkaroon siya ng kasintahang taga-ABS-CBN na minabuti rin niyang hindi pangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, ang kanilang secret relationship ay tumagal ng halos isang taon, bago silla magpasyang maghiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Saad ni David, “Taga-ABS siya. So, di ko siya kaya.

"Wala, it’s hard. May loveteam.

"Siyempre, at the time, hindi pa ako artista, hindi pa marunong i-handle. Pero siguro now, okay lang."

Read: David Licauco on breakup with an ABS-CBN actress: "Sobrang iniyakan ko yun."

Iniyakan daw niya ito hanggang sa tanggapin na lamang na wala na talaga sila.

Aniya, “Sobrang umiyak ako nun. Pero siyempre, once na-accept mo naman na yung fact kung bakit wala na...

“Ganun naman yun, e. Meron akong nakitang quote, sabi, ‘It’s not about moving on, it’s about acceptance.’

"Kapag na-accept mo na, okay ka na.”

Read: Sanya Lopez laughs off JakBie breakup rumors

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco on his relationship status: "Taken."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results