PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta reacts to Kathryn-Alden rumored romance

Sharon on KathDen: "...parehong super mabait na mga tao."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 4, 2024
Sharon Cuneta admits shipping Kathryn and Alden loveteam
Sharon Cuneta (rightmost) on possible real-life romance of Kathryn Bernardo and Alden Richards: "Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa't isa, talaga naman."
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram/ABS-CBN

Katulad ng ilang fans, umaasa rin si Megastar Sharon Cuneta sa posibilidad na magkatuluyan sa totoong buhay ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si Alden Richards.

Si Sharon ay kilalang malapit sa dalawa.

Parehas niyang nakasama sina Kathryn at Alden sa magkahiwalay na proyekto, kunsaan siya gumanap na nanay ng mga ito.

Si Kathryn sa pelikulang Three Words To Forever noong 2018, at si Alden naman sa Family of Two noong 2023.

Sa panayam ni Sharon sa ABS-CBN On Cue nitong July 3, 2024, nausisa siya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe kung naniniwala siyang may espesyal na relasyon sina Kathryn at Alden.

Sharon Cuneta makes teleserye comeback with ABS-CBN
Photo/s: Screengrab @ABS-CBN News YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit na sagot ni Sharon, "Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya.

"Nahihiya [kasi] akong magsabi ng 'Anak, kayo na ba?'

"Pero nag-message ako sa kaniya, [sabi ko] 'Anak, kung totoo yan napakasaya ko.'"

Read: Pamilya ni Kathryn Bernardo, mas boto kay Alden Richards sa mga manliligaw ng aktres?

SHARON PRAISES KATHRYN AND ALDEN

Anuman daw ang kahantungan ngayon ng kanilang samahan ay naniniwala raw si Megastar na deserve nilang maging masaya.

Read: Sharon Cuneta sinabing ideal son-in-law si Alden Richards

Kilala raw kasi niyang mababait at mapagmahal sina Kathryn at Alden kaya naman anuman ang mangyari ay susuportahan daw niya ang mga ito.

Saad ni Sharon: "Nakatrabaho ko na silang dalawa at parehong super mabait na mga tao.

"Kathryn was my daugther in Three Words To Forever ni Goma [Richard Gomez], siya yung anak namin.

"Totoo yung sinasabi ng Star Cinema na napakabait ni Kathryn, totoo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She's so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, because she's one of the best people I've ever met."

Dagdag pa niya, "And then Alden, the same. The very same words. So, I cannot contain my excitement."

Read: Sharon Cuneta grateful to Alden Richards for constantly checking up on her

Boto naman ba si Sharon sa posibilidad na relasyon nina Kathryn at Alden?

Sagot niya, "Oo naman [boto ako]. Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa't isa, talaga naman.

"Alam mo naman si Mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin."

KATHRYN AND ALDEN RUMORED ROMANCE

"KathDen" ang tawag sa nabuong tambalan nina Kathryn at Alden matapos nilang pagbidahan ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 na ngayon ay magkakaroon na ng sequel—ang Hello, Love, Again.

Read:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Simula nang mapalabas ang Hello, Love, Goodbye, sini-ship na sila ng kanilang mga tagahanga lalo na ngayong parehas silang single matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend niyang si Daniel Padilla noong November 30, 2023.

Read:

Nagpadagdag pa sa kilig ng fans ang madalas nilang pagsasama sa private events at ang napapabalitang panliligaw ni Alden kay Kathryn.

Read:

Kagaya na lamang ng pagsasama nila sa private events noong 28th birthday at house warning party ni Kathryn.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palaisipan din ang naging sagot ni Alden kay Nelson Canlas sa 24 Oras noong April 10 nang siyasatin siya sa tunay na relasyon nila ni Kathryn.

"What you see is what you get," tipid na pahayag ng aktor.

Ang tanging masasabi raw ni Alden ay masaya siyang makitang masaya si Kathryn.

Read: Alden Richards on real score with Kathryn Bernardo: "What you see is what you get."

Noong May 12 muling nasilayan ng publiko na magkasama sina Alden at Kathryn nang parehas silang dumalo sa 52nd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Pinarangalan sila bilang Box Office King and Queen.

Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo: Box Office King and Queen

Napapabalita ring nililigawan ni Alden, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa niya kinukumpirma sa publiko.

Ngunit base sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lagpas friendship level na umano ang pagkakamabutihan nina Alden at Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isang source ng PEP.ph, walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa't isa.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?

ALDEN TALKS ABOUT CLOSENESS TO KATHRYN

Sa panayam ni Alden sa Preview nitong May 2024, naging bukas siyang pag-usapan ang nabuong relasyon nila ni Kathryn.

Ayon sa aktor, matapos nilang gawin ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 ay nagtuluy-tuloy lamang ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.

Read: Alden Richards talks about closeness to Kathryn Bernardo

Dagdag pa niya, ano man daw ang mayroon sa kanila ay nais niya itong gawing pribado at personal.

Read: Dominic Roque denies courting Kathryn Bernardo

Lahad niya sa Preview, "The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat [when we were filming].

"And right now, I'm just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano, Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo's IG

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (rightmost) on possible real-life romance of Kathryn Bernardo and Alden Richards: "Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa't isa, talaga naman."
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram/ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results