PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio encourages victims of sexual abuse to speak up

Netizens dig up Arnold Clavio's past controversy.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 1, 2024
Arnold Clavio encourages victims of sexual abuse to speak up
Arnold Clavio on sexual-harassment incidents in the entertainment industry: "Kailangan na ang isang malaganap na kampanya para sa kamalayan laban sa sexual abuse , sexual harassment at maging sa kultura ng panggagahasa ...Kung ang lahat ng biktima ay magkakaisa tiyak na kikilos ang buong industriya para ito ay wakasan:"
PHOTO/S: Screengrab @ArnoldClavio Instagram

"#NoToSexualHarrassment."

Ito ang panawagan ng GMA Integrated News anchor na si Arnold Clavio sa gitna ng isyu ng pang-aabuso umano kay Sandro Muhlach, anak ng former Child Wonder na si Niño Muhlach, ng dalawang "independent contractors" ng Kapuso network.

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs

Nitong Miyerkules, July 31, 2024, nag-post sa Instagram si Arnold para ihayag ang kanyang obserbasyon at magbigay-payo sa mga biktima ng sexual abuse at harassment na talamak daw sa entertainment industry.

Arnold Clavio encourages  victims of sexual abuse to speak up
Photo/s: Screengrab @ArnoldClavio Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tinagal-tagal ni Arnold sa industriya, may obserbasyon daw siya na kalimitang naaabuso ang mga nagnanais pa lang mag-artista o baguhang artista ng mga mas nakatataas sa kanila.

Kahit labag sa kanilang kalooban, pikit-mata raw pumapayag ang mga biktima sa gustong gawin ng mga nakakataas, kapalit ang pangakong proyektong ibibigay sa kanila.

Mababasa sa post ni Arnold (published as is): "Sa Industriya ng Showbiz sa Pilipinas, marami na ang nababalitaan ng ‘sexual harassment’ lalo na sa mga nagnanais maging artista .

"Ang pagpayag sa pabor o gusto ng isang may kapangyarihan para sa isang baguhan ang pinakamadaling paraan na makamit ang kanyang pangarap . Kalimitan dito ay sekswal na pang-aabuso , sa babae man o sa lalaki .

"Tali ang kamay ng mga biktima na tumanggi sa paniwalang di sila magtatagumpay sa piniling career. Kaya karamihan , masakit man sa kalooban , ay maituturing na willing victim o sumasang-ayon na lang ."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pamilya ni Sandro Muhlach, dumulog na sa ahensiya ng pamahalaan

Hindi raw masisisi ni Arnold ang mga naging biktima na ayaw magsalita agad dahil sa takot nilang mahusgahan.

Ngunit hindi naman daw tamang manahimik na lang at ipagwalang-bahala ang usaping pang-aabuso.

Aniya: "Pero may isa pang problema ang tila pagtanggap sa maling kalakarang ito. Pinipili ng ilan na manahimik dahil ayaw na mapahiya , sa kanyang pamilya o sa publiko.

"Sa ganitong situwasyon , ang predator ang may koneksyon o may protektor , para hindi magtagumpay ang anumang reklamo.

"Kailangan na itong matigil!!!"

ARNOLD calls for an industry-wide campaign against sexual abuseR

Kaya naman panawagan ni Arnold, magkaroon ng malawakang kampanya tungkol sa pakikipaglaban para sugpuin ang karahasan at mapanagot ang mga taong mapang-abuso.

Saad niya: "Kailangan na ang isang malaganap na kampanya para sa kamalayan laban sa sexual abuse , sexual harassment at maging sa kultura ng panggagahasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ipakita dapat ng buong industriya ang suporta kung saan ipinapahayag ng mga biktima ang kanilang mga karanasan sa sekswal na pang-aabuso.

"Ang suportang ito ang magbibigay ng kapangyarihan sa mga nakaranas ng sekswal ba pag-atake sa pamamagitan ng pakikiramay at , pagkakaisa at makita na ito ay isang malalang problema at hindi paisa-isang kaso lamang.

"Kung ang lahat ng biktima ay magkakaisa tiyak na kikilos ang buong industriya para ito ay wakasan:"

Read: Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Arnold tells victims of sexual abuse to speak up

Bagamat mahirap, hinikayat ni Arnold ang mga naging biktima ng pang-aabuso na huwag matakot magsalita at lumantad.

Malaking tulong daw ito para matuldukan na ang panggigipit at pambabastos ng mga taong pinagsasamantalahan ang kahinaan ng kanilang mga binibiktima.

Mensahe ni Arnold: "Para sa mga naging biktima, hindi ka nag-iisa at hindi ka dapat mahiya .

"Para sa nakararanas ng ganitong mapait na situwasyon , may karapatan kang tumanggi nang pag-aalinlangan o takot sa iyong magiging kinabukasan .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At tayong lahat ay may responsabilidad para ito ay matigil na. Lumantad , lumabas, mag-ingay ang sinuman sa atin na nakasaksi o may nalalaman na naganap na sekswal na pang-aabuso o panggigipit.

"Sapat ang batas at kailangan lang ay pagkakaisa ng lahat , hindi lang sa industriya ng showbiz kundi sa lahat ng lugar ng iyong trabaho.

"Isang malakas na sigaw ng “AYOKO!” ang iparating natin sa mga hinayupak na mapagsamantala sa kahinaan ng iba ."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Sa kabila ng panawagan ni Arnold, may mga netizen ang hindi nakumbinsi sa kanyang post.

May ilan na binalikan ang isyu noon ni Sarah Balabagan, kunsaan ibinunyag niyang nagkaroon umano sila ng lihim na relasyon ni Arnold, sa kabila ng pagiging pamilyado ng beteranong GMA News broadcaster.

Ang lihim nilang relasyon ay nagbunga ng isang supling.

Sa isang Facebook Live noong August 2020, direktang pinangalanan ni Sarah na si Arnold ang ama ng kanyang panganay na anak na babae.

Read: Sarah Balabagan reveals Arnold Clavio is the biological father of her 21-year-old daughter

Si Sarah ay isang dating overseas Filipino worker sa United Arab Emirates (U.A.E.).

Noong 1994, napaslang ng 14-anyos na si Sarah ang kanyang amo dahil tinangka siyang pagsamantalahan nito.

Si Arnold, na noon ay reporter ng GMA News, ang tumutok sa kaso ni Sarah.

Batay sa kuwento ni Sarah, pagkatapos ng coverage ng kaso niya ay nagpatuloy ang ugnayan nila ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa mahulog ang loob niya rito at magkaroon sila ng lihim na relasyon at mabuntis siya nito.

Noong panahong iyon ay 17 taong gulang lamang si Sarah.

Marami ang noo'y nagtataka kung bakit sa loob ng 22 taon ay nagawang ilihim ni Sarah ang relasyon nila ni Arnold, na tila tumagal mula "1996" hanggang "1997."

Depensa naman ni Sarah, mahigpit na bilin sa kanya noon ni Arnold na huwag ipaalam sa iba ang kanilang ugnayan, at pumayag din naman siya sa ganoon sa takot dala ng kanyang kabataan.

Read: Sarah Balabagan to Arnold Clavio: “Magpakalalaki ka. Aminin mo yung ginawa mo sa akin.”

Dahil sa nakaraan ng dalawa, pumalag ngayon ang ilang netizens sa naging post ni Arnold patungkol sa sexual abuse, dahil noong panahong nabuntis daw niya si Sarah ay menor de edad ito.

Narito ang ilang komento ng netizens na mababasa sa X (dating Twitter):

Arnold Clavio encourages  victims of sexual abuse to speak up
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Arnold Clavio encourages  victims of sexual abuse to speak up
Photo/s: Screengrab @X
Arnold Clavio encourages  victims of sexual abuse to speak up
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UPDATE oN Sandro Muhlach's case

Samantala, sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Huwebes, August 1, direkta nang pinangalanan ng GMA Network ang dalawang "independent contractors" na sangkot sa pang-aabuso umano kay Sandro.

Read: GMA-7 statement on issue about artist, independent contractors

Sa inilabas nilang opisyal na pahayag, sinabi ng GMA Network na natanggap na nila ang pormal na reklamo ni Sandro laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Si Nones ay creative consultant at headwriter ng ilang progama ng GMA-7 gaya ng Mga Lihim ni Urduja, Dear Uge, Agimat ng Agila, at The First Nanny.

Habang si Cruz naman ay headwriter ng Kapuso shows na The Half Sisters, Love & Lies, at The World Between Us. Writer at creator din siya sa The Cure, Because of You, at marami pang iba.

Ngunit alinsunod sa kagustuhan ni Sandro, hindi raw ilalabas ng investigating body ang detalye ng pormal na imbestigasyon hangga't wala itong konklusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayumpanan, nangako ang pamunuan ng GMA Network na makakaasa raw ang publiko at stakeholders sa patas na imbestigasyon para mapanagot ang mga umabuso umano sa aktor.

Narito ang buong pahayag ng GMA Network:

"GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.

"Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.

"Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.

"The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality."

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio on sexual-harassment incidents in the entertainment industry: "Kailangan na ang isang malaganap na kampanya para sa kamalayan laban sa sexual abuse , sexual harassment at maging sa kultura ng panggagahasa ...Kung ang lahat ng biktima ay magkakaisa tiyak na kikilos ang buong industriya para ito ay wakasan:"
PHOTO/S: Screengrab @ArnoldClavio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results