PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kobe Paras deactivates Instagram acount

Netizen: "LET THEM ENJOY WHAT THEY HAVE GENUINELY."
by Arniel C. Serato
Published Aug 15, 2024
Kobe Paras deactivates IG account; fans give advice to Kyline Alcantara
Fans are still guessing why Kobe Paras deactivated his Instagram account weeks after being spotted with rumored girlfriend Kyline Alcantara.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Nag-panic ang fans ng basketball player na si Kobe Paras dahil hindi na nila mahanap ang Instagram account nito.

Kobe Paras Instagram not found

Dahil dito, dinumog ng fans ang account ni Kyline Alcantara, ang itinuturong girlfriend ngayon ni Kobe, para magsumbong at makakuha ng impormasyon.

Sa post ng isang magazine kung saan si Kyline ang kanilang cover photo, nag-comment ang isang netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon dito, "Bakit Hindi nka follow si kobe paras"

Sagot ng isang netizen, "inaayos Po ni Kobe accnt nya may pa surprised yata"

Netizens on Kobe Paras, Kyline Alcantara

May mahabang payo naman ang isang fan ng rumored couple na sina Kobe at Kyline.

Sabi niya, "deactivated ata ig ni kobe. hindi natin alam kung bakit. pero pls, tigilan niyo na kasi kakamention sa kaniya sa mga ig posts ni kyline. pinepressure nyo nang mag-like, comment, story, or what eh. while its true that their chemistry is something and it’s making u all happy, let’s stop making it looks like they are responsible to keep that “kilig” para sa inyo. kaya nga lowkey kasi hindi yan loveteam na gagawa ng teleserye or series. LET THEM ENJOY WHAT THEY HAVE GENUINELY."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumang-ayon naman sa kanya ang ilang fans.

Netizens on Kobe Paras, Kyline Alcantara

Read: Kyline Alcantara gives safe answers when asked about Kobe Paras

KYLINE ALCANTARA SPOTTED WITH KOBE PARAS AND FAMILY

Nitong mga nakaraang linggo, mukhang unti-unti nang nagiging bukas sa publiko sina Kobe at Kyline sa kanilang espesyal na relasyon.

Noong July 26, 2024, spotted silang magkasamang magka-holding hands habang naglalakad papasok sa isang establishment.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kobe Paras, Kyline Alcantara holding hands
Photo/s: Screengrab from TikTok

Kasunod ng dalawa ang ama ni Kobe na si Benjie Paras at ang nakatatanda nitong kapatid na si Andre Paras, kasama ang non-showbiz girlfriend nito, ang swimmer na si Honey Escarez.

Hindi matiyak kung saan kuha mismo ang video at kung bakit magkakasama ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang ipinakilala na ni Kobe sa kanyang pamilya si Kyline na labis namang ikinatuwa ng netizens.

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras spotted together at GMA Gala 2024

Bago pa nito, masaya rin ang fans ng dalawa nang makita silang magkasama sa GMA Gala 2024 sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City, noong Hulyo 20, 2024.

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras spotted together at GMA Gala 2024

Noong Mayo 2014 pa natunugan ng showbiz fans ang closeness ng Kapuso actress at ng basketball player, kaya naman marami ang nag-aabang sa totoong relationship status nila.

Read: Kobe Paras reposts Kyline Alcantara's Instagram photo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans are still guessing why Kobe Paras deactivated his Instagram account weeks after being spotted with rumored girlfriend Kyline Alcantara.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results