Pangarap ni Royce Cabrera na makagawa ng isang proyektong pang-international.
Saad ng Kapuso actor: "Ako talaga, sabi ko, kung papalarin man ay siyempre makakatawid din ng ibang bansa, makagawa.
"Like Hollywood, or international filmfest na talagang magiging privilege para sa bansa natin. Yun ang gusto kong ma-achieve."
Pero sa ngayon, pinagbubutihan muna niya ang kanyang role sa upcoming Kapuso primetime series na Slay, bilang si investigator Juro, na susubuking lutasin ang murder ni Coach Zach played by Derrick Monasterio.
Malaki ang pasasalamat ni Royce sa GMA Network at Sparkle na binigyan siya ng napakagandang role pagkatapos niyang maging bahagi ng Widows' War.
Sabi ni Royce: "Sa totoo lang, sobrang grateful ako, e. Kasi siyempre, from Widows' to Slay na parehong murder-mystery.
"Pero galing sa pagiging mastermind dun [Widows' War]. Ngayon naman tagahanap ng mastermind.
"So mixed emotions.
"So, isa lang ang masasabi ko: sobrang-sobrang pasasalamat ko sa Sparkle, sa network, at sa tiwalang muli nilang ibinigay sa akin."
Bukod kina Royce at Derrick, kasama rin sa star-studded cast ng upcoming GMA Prime series na Slay sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, at Julie Anne San Jose.
Umiikot ang kuwento nito sa misteryosong pagkamatay ni Coach Zach habang gumagawa ng workout video.
Apat na babae ang magiging main suspects: sina Mikee bilang Sugar, Gabbi as Amelie, Ysabel as Yana, at Julie Anne bilang si Liv.
Mapapanood na ito sa GMA Prime sa darating na March 24.

Read: Derrick Monasterio nagulat sa nalaman kay Royce Cabrera
ROYCE CABRERA ON FRONTAL NUDITY
Isa sa mga tumatak sa publiko kapag nababanggit ang pangalan ni Royce ay ang frontal nudity niya sa 2019 Cinemalaya movie na Fuccbois.
Ano ang take niya rito?
Saad ni Royce: "Sa totoo naman nagawa ko na before, e, sa Fuccbois sa Cinemalaya.
"Kapag tinatanong ako ng ganun, lagi ko sinasabi na, 'Okay lang naman.'
"Pero ngayon na under na ako ng Sparkle, GMA, so lahat po kailangan ng ilatag sa mesa.
"At the same time, kung maganda po ang offer or opportunity na papasok, why not?"
Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare
