Nananating tikom ang bibig ng aktres na si Julia Barretto tungkol sa hiwalayan nila ng aktor na si Gerald Anderson.
Noong September 18, 2025, kinumpirma ng kinabibilangang talent management agencies—Star Magic kay Gerald at Viva Artists Agency kay Julia—ang kinahantungan ng halos limang taon nilang relasyon.
Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed
Ayon sa dalawang talent management, maayos at sa magandang paraan nagwakas ang relasyon nina Julia at Gerald, kalakip ang kanilang pakiusap na huwag agad maniwala sa mga naglalabasang balita tungkol sa dahilan ng breakup ng dalawa.
Mas maigi raw maghintay ng pahayag mula mismo kina Gerald at Julia dahil sila lang ang nakakaalam ng katotohanan.
Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline
Walang narinig ni-isang komento at reaksiyon sa dalawa.
Julia breaks silence with corruption protest post
Hanggang nitong Sabado, September 20 ay nag-post si Julia sa kanyang Instagram Stories—ngunit hindi tungkol sa kanilang breakup, kundi patungkol sa laganap na korapsyon sa bansa.
Read: Alex Calleja "scolds" Julia, Gerald over split amid flood issue
Dalawang magkahiwalay na art card na may kinalaman sa malawakang kilos-protesta na magaganap sa Rizal Park (Luneta) sa Maynila at EDSA Shrine sa Quezon City, sa Linggo, September 21, 2025, ang ini-repost ni Julia.
Walang nilagay na caption si Julia sa kanyang repost.


Ang mangyayaring protesta ay kaugnay sa talamak na korapsyon na umiiral sa pamahalaan na na-highlight pa lalo dahil sa pagkakabunyag ng mga maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng mga contractor at tiwaling opisyal ng gobyerno at congressmen.
Bukod kay Julia, ilang celebrities na rin ang nagpahayag ng kanilang suporta at pakikiisa sa malawakang kilos-protesta para wakasan ang talamak na korapsyon sa gobyerno.
Read: Anne Curtis, dadalo sa kilos-protesta laban sa korapsyon
Ang celebrities na ito ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Tuesday Vargas, Agot Isidro, Isabelle Daza, David Licauco, Ogie Alcasid, at Cesar Montano.
Read:
