Hindi na bago sa mga aktres na sina Sue Ramirez, Charlie Dizon, Janella Salvador, at Kaila Estrada na maging tampulan ng mga maling balita online.
Bilang mga celebrity na tila open book ang kanilang buhay sa publiko, sanay na raw silang makabasa ng fake news patungkol sa kanila.
Read: Lella Ford grateful to Kaila Estrada for making Daniel "happy"
Bagamat minsan ay hindi raw nila naiiwasang patulan ang ilan sa mga ito, mas madalas pa ring pinipili nilang magsawalang-kibo na lang.
Sa finale presscon ng ABS-CBN primetime series na What Lies Beneath noong March 10, 2026, ay natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang apat kung paano nila hinaharap ang mga ganitong sitwasyon.
SUE RAMIREZ: "Dapat kilala talaga natin yung sarili natin."
Para kay Sue, halos araw-araw ay tila hindi siya pinapalampas na gawan ng kung anu-anong maling kuwento—mula pa noong siya ay bata hanggang sa kasalukuyan.
Read: Joao Constancia happy for ex Sue Ramirez and Dominic Roque
Sinubukan na rin daw niyang sagutin ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya, ngunit hindi naman daw sila nawawala.
Dito na raw siya nagdesisyong pabayaan na lamang ang mga ito, lalo’t alam naman niya kung ano ang katotohanan.
Pahayag ni Sue: "At the end of the day, we know ourselves. I started very young in the industry, I was 13. And I was bashed online.
"Ang daming iba’t iba, kung anu-ano literal [na sinasabi sa akin].
"Wala namang problema, di ba, kung sinabi nilang buntis ako, e, hindi ako buntis, pero sinabi nila.
"Yung parang mga ganoon. Kahit yung mga ganoong kababaw na lies, na parang after nine months sasabog ito sa mukha mo na hindi naman totoo, pero sinasabi pa rin nila. Para saan, for entertainment?
"Pero yun nga, at the end of the day, wala ka nang magagawa kung ganoon mag-isip ang ibang tao.
"And try to change how they are, but that’s really not going to happen.
"The best thing is kailangan kilala mo talaga yung sarili mo saka malakas dapat yung paniniwala mo.
"I think it’s a very, very strong foundation."
Read: Sue Ramirez and Dominic Roque celebrate their birthdays together

Pasalamat na lang daw ni Sue na mayroon siyang pamilyang nakakaintindi at lubos siyang kilala.
Dito raw siya humuhugot ng lakas ng loob upang magpatuloy at hindi magpaapekto sa mga sabi-sabi online.
Saad niya: "Ako kasi malakas yung foundation ko kasi sa pamilya ko, mahal ako, e.
"Pag-uwi ko, mahal ako ng mga tao doon. Hindi ko kailangang mag-prove ng kahit ano sa kahit kanino.
"Kumbaga, okay kung iyan ang katotohanan na alam mo tungkol sa akin, problema mo na iyon. Hindi ko na siya problema.
"Kumbaga, alam ko kung sino ako and that’s so very important that we really know who we are.
"Like, minsan, sinabihan ka ng pangit, pero ang alam ko maganda ako, so bakit ako maniniwala sa iyo?
"Yung ganon, kahit sa ganon na lang kasimple na bagay. So ayon, dapat kilala talaga natin yung sarili natin."
Read: Sue Ramirez in need of blood donors for mom’s open heart surgery
Charlie Dizon: "Hindi namin kailangan pang i-defend yung sarili namin."
Gaya ni Sue, hindi rin nagpapaapekto si Charlie sa mga maling paratang o balitang lumalabas sa kanya sa social media.

Naniniwala rin siya na hindi na niya kailangang depensahan ang sarili sa mga ito, dahil alam naman niya kung ano ang totoo.
Read: Carlo Aquino reveals how he realized Charlie Dizon was "the one"
Saad niya: "Same sentiment—parang kilala naman namin yung sarili namin, yung people around us na kilala talaga kami at alam yung tunay na nangyayari, so hindi namin kailangan pang i-defend yung sarili namin.
"Kasi sa totoo lang, lalabas at lalabas din naman yung totoo, di ba?
"Yun lang, kasi ang dami pa ring nagsasabi na kailangan mong i-defend yung sarili mo, kahit alam mo na sobrang lie naman yung sinasabi.
"Tama yung sinabi ni Sue, na as long as maganda yung foundation mo, alam mo kung sino yung tunay na nagma-matter at nagmamahal sa yo, okay na iyon."
Read: Carlo Aquino denies wife Charlie Dizon is pregnant
JANELLA SALVADOR: "People like to ruin things that they don’t understand."
Iginiit ni Janella na hindi niya pinapansin ang mga intriga at negatibong komento, lalo na kung kulang sa konteksto.
Ayon sa kanya, likas sa ilang tao ang magbigay ng opinyon kahit hindi lubos na nauunawaan ang sitwasyon.

Read: Janella Salvador, Klea Pineda spotted HHWW at Cebu airport
Paniniwala niya, sayang lamang sa oras kung isa-isa niyang papatulan ang mga ito.
Sabi niya: "It’s just noise. At the end of the day parang, ‘Bakit?’
"People like to talk about things. People like to speculate, and people like to ruin things that they don’t understand.
"The more they don’t understand things, the more they have a lot to say.
"And people really like to throw around their opinions even when there's lack of context.
"So, wala na tayong magagawa doin. Kasi when we try to explain ourselves to every single person who throws something at us, that would just be wasting out time."
Diin pa niya: "So I think, wala, deadma.
"As long as you know yourself nga, you know your heart, people around you know exactly who you are and what your intentions are, that’s important."
Read: Janella, Klea, Jasmine intimate photos cause stir on social media
KAILA ESTRADA: "It’s our responsibility also to be more discerning and to validate our sources."
Kaugnay ng mga pahayag nina Sue, Charlie, at Janella, nanawagan si Kaila sa publiko na maging mas mapanuri sa mga impormasyong nakikita nila online.
Ayon kay Kaila, mahalagang magkaroon ng "discernment" o kakayahang magsuri, lalo na’t karamihan sa mga tao ay palaging nakababad sa social media at iba pang online platforms.
Read: Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
"I feel like as consumers din and being online all the time, I think we also have to practice discernment.
"Kasi, you know, theres a lot of fake news out there, I think it’s our responsibility also to be more discerning and to validate our sources whatever it is out there, that you see in the media or online."

Dagdag pa ni Kaila, mahalagang iwasan ang agarang paghuhusga batay lamang sa sabi-sabi, nakikita, at nababasa online.
Saad niya, "I think, that’s important—not to jump to conclusions or judge to quickly without verifying information."
Read: Kaila Estrada's beauty lesson: "Comparison is a thief of joy."
