Nagsama-sama ang ilang housemates ng Pinoy Big Brother upang magpaalam sa iconic PBB house na matatagpuan sa Eugenio Lopez Drive, Diliman, Quezon City.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Laurenti Dyogi, head of TV Production at Star Magic, sa panayam ng ABS-CBN News noong March 24, 2026, ang paglipat ng PBB house sa panibago nitong lokasyon matapos ang mahigit 21 taon.
Read: Production designer Nancy Arcega on fond memories of PBB house
Kasunod ng anunsiyo, nagtipun-tipon ang mga dating PBB housemate mula sa iba’t ibang henerasyon at season upang personal na magpaalam sa hit reality house.

Kabilang sa mga nagpunta para masilayan sa huling pagkakataon ang Bahay ni Kuya ay sina Sam Milby and Chx Alcala (PBB Season 1); Kyle Echarri, Jordan Andrews, and Shanaia Gomez (PBB: Kumunity Season 10); Lou Yanong and Josh Worsley (PBB Otso); Gail Banawis (PBB: Connect); Kollette Madelo, JP Cabrera, Dingdong Bahan, and Jan Silva (PBB: Gen 11).
Naroon din sina Ralph de Leon, River Joseph, Emilio Daez, Kira Balinger, Josh Ford, AC Bonifacio, Bianca de Vera, at Will Ashley (PBB: Celebrity Collab).
Maging ang PBB Big Winners na sina Nene Tamayo (PBB Season 1); Ejay Falcon (PBB: Teen Edition Plus); Mrytle Sarrosa (PBB: Teen Edition 4); Mika Salamanca and Brent Manalo (PBB: Celebrity Collab); at Lella Ford and Caprice Cayetano (PBB: Celebrity Collab 2.0).
Read: Ejay Falcon, nag-emote sa pagsasara ng Pinoy Big Brother house
Former Housemates Reminisce About Their Time Inside PBB House
Sa Instagram Reels na inilabas ng Star Magic nitong Huwebes, March 26, binalikan ng mga dating housemate ang kanilang unforgettable moments at paboritong spot sa Bahay ni Kuya.
SAM MILBY
Ani Sam Milby: "This has been 20 years. I was part of the, the OG season, Season 1.
"Siyempre, it was an experience I'll never forget. It started my whole career, so malaking pasasalamat sa Bahay ni Kuya just for, for everything.
"So I thought na wala na ang PBB, but at least tuloy pa rin, it'll just lilipat lang. But this is just the iconic house.
"I'll always gonna be thankful for this house."

Read: Sam Milby surprised by Catriona's interview about their breakup
KYLE ECHARRI
Unforgettable naman daw sa ex-housemate na si Kyle Echarri ang mga panahong gumagawa sila ng kanta ni KD Estrada sa garden area ng Bahay ni Kuya.
"Yung gumagawa kami ng kanta. Lahat ng nagawa namin ni KD na kanta.
"Sa totoo lang, ang daming nagpa-flashback sa akin. Nanginginig yung balahibo ko.
"Thank you, Kuya, for the memories... I can't wait to see the next house."

Read: Kyle Echarri addresses rumors linking him to Piolo Pascual
LOU YANONG
Gaya ni Kyle, malaki rin ang pasasalamat ni Lou Yanong sa mga aral at alaala niya sa PBB house.
Pahayag niya: "I miss the place definitely, but what made the memories were people around me, and I, and I'll definitely look back and probably message them again after this.
"Thank you for the memories and thank you for making me stronger.
"You didn't know how much you made me stronger. Salamat po, Kuya."

Read: Kirk Bondad confirms rekindled love story with Lou Yanong
JOSH WORSLEY
Sa kabilang banda, naniniwala si Josh Worsley na lumipat man ng lokasyon ang Bahay ni Kuya ay mananatili ang misyon nitong magbukas ng oportunidad sa mga nangangarap na kabataang Pinoy, kagaya niya.
Saad niya: "It's quite sad, pero it's, it's part of the adventure.
"I had so many memories here, especially when I was inside.
"It's sad to see it go, pero it's a start of a new journey."

Read: Marco Masa thinks first PBB eviction was a blessing in disguise
JORDAN ANDREWS
Dagdag naman ni Jordan Andrews: "I'm excited to see the new house.
"You know, PBB, after all these years, hindi siya nagpe-fade, e. Mas nag-e-evolve siya nang nag-e-evolve.
"Pero from one victory to another, to another, level up lang talaga. So, exciting."

DINGDONG BAHAN
Maging si Dingdong Bahan na sinabing hindi makakalimutan ninuman ang unang lokasyon ng PBB house, ilipat man ito ng lugar.
Sabi niya: "Iconic na tong area na ito e. Parang pinupuntahan ito regardless may season man or wala.
"The people love this house so much, and iba yung investment of emotions dito, not just voting period, pero mahal to ng mga Pilipino.
"Part na ito ng kultura ng bansa natin, so sad but also grateful."

Read: Regine Velasquez announces last big concert before retirement
KOLLETTE MADELO
Hindi naman napigilang maging emosyunal ni Kollette Madelo nang muli niyang masilayan ang PBB house na siya raw naging daan para marating niya ang mga bagay na mayroon siya ngayon.
Lahad niya: "Sobrang dami ng memories ko dito sa loob ng Bahay ni Kuya. Pero hindi ko alam, yung pagpasok ko dito talaga sa loob ng Bahay ni Kuya, talagang naging emotional ako.
"Tapos ngayon, gusto ko lang na dito sa labas because marami din kaming memories na nangyari dito.
"Mami-miss ko itong bahay."

NENE TAMAYO AND CHX ALCALA SAY PBB CHANGED THEIR LIVES
NENE TAMAYO
Hindi rin pinalampas ng kauna-unahang PBB Big Winner na si Nene Tamayo ang pagkakataong pasalamatan ang Bahay Ni Kuya at mga taong nasa likod ng hit reality show na bumago raw sa kanyang buhay.
Post niya sa Instagram, kalakip ang kanyang mga litrato habang na sa loob ng Bahay ni Kuya: "Maraming salamat, PBB, @pbbabscbntv, @direklauren, Ms. LT, housemates, at sa buong PBB Team, sa lahat ng mga alaala.
"You changed my life, and I'm forever grateful. Hanggang sa muling pagkikita."

CHX ALCALA
Sa post din sa Instagram idinaan ni Chx Alcala ang kanyang pasasalamat sa PBB.
Saad niya: "Today we say goodbye to PBB House with my PBB bestie [Nene] the 1st Big Winner!
"So many memories made inside BNK with the OG housemates back in 2005, still the best experience of my life.
"Thank You @direklauren @pbbabscbntv."
Sina Nene at Chx ay parehong produkto ng PBB Season 1.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang isinasapubliko ang PBB at ABS-CBN kunsaan lokasyon lilipat ang kilalang Bahay ni Kuya.
Read: Pinoy Big Brother season 1 housemates: Where are they now?
