PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vico Sotto names Robredo, Gatchalian as his leadership influences

Vico Sotto: "...kailangan matuto tayo mula sa nauna sa atin."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 2 hours ago
Vico Sotto names Jesse Robredo, Win Gatchalian as leadership influences
Pasig City Mayor Vico Sotto (left) names the late DILG Secretary Jesse Robredo (center) and Senator Win Gatchalian (right) among the public servants who shaped his leadership style. "I could name others, pero ang point ko is kailangan matuto tayo mula sa nauna sa atin."
PHOTO/S: Bernadette Sembrano on YouTube/Win Gatchalian/ The Guidonon Facebook/

Sa gitna ng mga pagkilala at parangal na natatanggap ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa kanyang mahusay na pamumuno, inamin niyang malaki ang naging impluwensiya ng ilang lider sa paghubog ng kanyang isariling stilo ng pamamahala.

Sa panayam ni Vico sa YouTube vlog ni Bernadette Sembrano noong June 11, 2026, tinanong siya kung saan niya nakuha ang pagiging consultative o ang ugali ng pakikinig at pakikipagkonsulta sa iba bago gumawa ng mahahalagang desisyon para sa kanyang nasasakupan.

Read: Vico Sotto hopes Discaya arrest leads to more imprisonments

Ayon sa alkalde, bukod sa likas siyang mausisa sa mga bagay, malaking parte rin ng kanyang pamamahala ngayon sa Pasig City ang mga natutunan niya sa pamamahala ni yumaong Naga City Mayor Jesse Robredo at ngayo'y senador na si Win Gatchalian.

Pahayag ni Vico, "Well, maybe there's also an element of just being curious naturally.

"But, beyond that, it's really from what I've seen with other successful leaders."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Bernadette, "Successful leaders in the Philippines, o ang peg ba natin sa ibang bansa?"

Mabilis na sagot ni Vico, "Dito sa atin."

Read: Vico Sotto warns "dishonest" Pasig City barangay officials

Sundot ni Bernadette, "Ito, prangkang usapan, dito sa atin kapag politiko iniiisip, magnanakaw. "

Sumang-ayon dito si Vico. Pero may pinanggagalingan daw ang ganitong pananaw ng publiko.

"Yes, not all the time, but maybe the impression or the stereotype, it came from somewhere.

"Hindi naman siya inimbento ng tao. Hindi natin nilalahat, pero may pinanggalingan yon," saad niya.

Read: Mayor Vico Sotto highlights new PHP9-B city hall project

Sa puntong ito ay muli siyang tinanong kung sinu-sino ang "successful leaders" na tumulong sa kanyang mamulat sa pagiging isang huwaran at maayos na lingkod-bayan.

Dito na binanggit ni Vico ang pangalan ni Jesse Robredo, yumaong mister ni dating Vice-President at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo.

Aniya, bagamat hindi niya personal na kilala si Jesse, marami raw siyang nakausap na malapit dito at doon niya natutunan ang ilan sa mga prinsipyo ng mahusay na pamumuno nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: "Looking at examples like, you know, Mayor Jesse Robredo before. Kung paano siya makipag-relate sa mga tao.

"I’ve never met him personally, but I’ve talked to a lot of people who knew him personally.

"Ang point ko lang naman, sinusubukan kong matuto mula sa mga nauna sa akin."

Read: Robredo sisters praised by netizens amid lavish lifestyle issue

Mula 1988 hanggang 1998, nagsilbi siyang alkalde ng Naga City.

Pagkatapos nito ay itinalaga siya bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Pumanaw si Jesse Robredo dahil sa malagim na plane crash noong August 18, 2012.

VICO ON SENATOR WIN GATCHALIAN

Bukod kay Robredo, binanggit din ni Vico ang kasalukuyang Senate Pro Tempore na si Win Gatchalian bilang isa sa mga lider na kanyang nilapitan noon para hingan ng payo.

Kuwento niya, marami silang pagkakatulad ng senador noong nagsisimula pa lamang siya bilang alkalde ng Pasig City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Vico: "So, halimbawa, si now Senator Win Gatchalian, naging Mayor siya 29 years old. I became mayor at 29 years old.

"Pinalitan niya matagal sa puwesto na mayor, ganon din ako di ba, 27 years [namuno] yung pinalitan kong pamilya.

"Noong pumasok siya sa city hall, lahat appointee ng kalaban niya.

"Noong pumasok ako sa city hall, ganun din."

Read: Vico Sotto: 10 things you need to know about Pasig City's "ViVico"

Humingi raw siya ng payo kay Gatchalian kung paano pakitunguhan ang mga empleyado at opisyal na nanatiling loyal sa nakalaban at natalo niya sa pagka-mayor.

"So I sought him out and asked him for advice, even political advice.

"Like, 'How did you deal with these people na loyal sa kalaban mo? Ano ang ginawa mo? Nagtanggal ka ba? Kinausap mo ba? Paano mo kinausap?'"

Ayon kay Vico, naging bukas at mapagbigay si Gatchalian sa pagbabahagi ng mga karanasan nito na nagamit daw niya sa unang termino ng kanyang pamamahala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makasaysayan ang pagkapanalo ni Vico noong 2019 dahil siya ang tumibag sa 27-taong pamumuno ng pamilya Eusebio sa Pasig.

Nakalaban niya sa pagka-mayor ang noo'y re-electionist na si Bobby Eusebio.

Read: Vico Sotto firmly against nepotism, political dynasty

Maliban kina Robredo at Gatchalian, marami pa umanong lider ang kanyang nilapitan at pinagkunan ng aral sa pamamahala.

Noon pa man daw kasi ay ugali na niyang makinig, mag-obserba, at humugot ng kaalaman mula sa mga nauna sa posisyon.

Ito raw ang naging kasangga niya para alamin kung ano ang dapat at nararapat para sa kanyang mga kababayan.

Diin ni Vico, "I could name others, pero ang point ko is kailangan matuto tayo mula sa nauna sa atin—[in terms of] best practices and mistakes."

Nasa ikatlo at huling termino na si Vico bilang alkalde ng Pasig.

VICO'S LEADERSHIP AWARDS

Dahil sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko, umani si Vico ng paghanga at pagkilala sa loob at labas ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
mayor vico sotto soca
Photo/s: Pasig City Public Information Office

Kinilala siya ng TIME magazine bilang isa sa prestihiyosong TIME100 Next 2025: Most Influential Rising Stars.

At noon lamang Mayo, kabilang siya sa 24 global winners ng Bloomberg Philanthropies Mayors Challenge 2025-2026.

Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge

Isa itong patimpalak na layuning lumikha ng “bold and innovative solutions” upang mapabuti ang kalagayan ng buhay ng mga residente ng iba-ibang siyudad sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang bahagi ng pagkilala, nakatanggap ang Pasig City ng $1 million grant para sa pagpapatupad ng kanilang napiling proyekto, ang floating parks.

Ipagdiriwang ni Vico ang kanyang ika-37 kaarawan sa June 17.

Read: Vico Sotto gives a glimpse of plans after his term ends in 2028

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto (left) names the late DILG Secretary Jesse Robredo (center) and Senator Win Gatchalian (right) among the public servants who shaped his leadership style. "I could name others, pero ang point ko is kailangan matuto tayo mula sa nauna sa atin."
PHOTO/S: Bernadette Sembrano on YouTube/Win Gatchalian/ The Guidonon Facebook/
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results