PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million

Anjo to TVJ: "Sana mapatawad niyo ako. Patawad. Patawad po."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 1 Hour ago
Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
Anjo Ylanna (left) expresses hope for reconciliation with Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon: "Sana maintindihan ni Tito, Vic, and Joey na mahal ko kayo. Noong araw, minahal niyo rin naman ako. Sana humupa na yung galit niyo sa akin, kung mayroon kayong suklam. Kasi ako, hanggang ngayon mahal ko kayo, nirerespeto ko kayo..."
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube/Eat Bulaga on Facebook

Nalalakihan si Anjo Yllana sa halagang ipinababayad sa kanya bilang danyos sa kasong isinampa ng TVJ Productions, Inc.

Dahil dito, plano niyang maghain ng apela sa desisyon ng korte na nag-uutos sa kanyang magbayad ng PHP3.5 million sa TVJ Productions.

Ito ay matapos siyang matalo sa kasong permanent injunction na isinampa ng produksiyon na pinamamahalaan ng Eat Bulaga! pioneer hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ).

CA denies TAPE motion for reconsideration
Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (left to right).
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinampahan ng TVJ si Anjo, dahil sa anila'y mapanirang-puring mga pahayag nito laban sa Eat Bulaga! at sa mga host nito sa pamamagitan ng pagla-Live at pagpo-post niya sa TikTok.

Noong June 29, 2026, inilabas ni Presiding Judge Gloria Monica S. Lopez ng Branch 279 ng Regional Trial Court ng Mandaluyong City ang desisyon sa kaso.

Dito ay pinanigan nila ang TVJ Productions sa isinampa nitong kasong permanent injunction at damages laban kay Anjo.

Read: Court orders Anjo Yllana to pay TVJ Productions PHP3.5M

Ibig sabihin, permanente nang pinagbabawalan si Anjo—kasama ang kanyang mga kinatawan at sinumang kumikilos para sa kanya—na mag-post, magbahagi, mag-reupload, o magpalaganap sa TikTok, TikTok LIVE, at iba pang social media at digital platforms ng mga pahayag na maaaring makasira sa reputasyon, goodwill, at brand ng TVJ Productions at ng Eat Bulaga!.

Bukod sa injunction, inutusan din ng korte si Anjo na bayaran ang TVJ Productions ng kabuuang PHP3.5 million: PHP1 million bilang temperate damages; PHP1 million bilang moral damages; PHP1 million bilang exemplary damages; at PHP500,000 bilang attorney's fees at litigation costs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa ruling, papatawan ng 6 percent legal interest kada taon ang lahat ng monetary awards mula sa oras na maging pinal ang desisyon hanggang sa tuluyan itong mabayaran.

Anjo questions PHP3.5 million damages ruling in favor of TVJ

Sa panayam ni Anjo sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong Lunes, July 6, kinuwestiyon niya ang laki ng danyos na ipinababayad sa kanya.

"Sa ngayon, wala akong PHP3.5 million na cash, hindi ko lang alam kung yung mga lolo ko, e, may naiwang mga pamana, mga lupain sa Bicol," pabirong bungad na sagot ni Anjo nang tanungin kung mayroon na ba siyang pambayad sa danyos na hinihingi sa kanya ng korte.

Seryosong pagpapatuloy niya: "Para sa akin kasi, very harsh o mabigat yung parusa sa akin na PHP3.5 million.

"Number one, sabi ko nga, hindi naman ako pumatay.

"Kasi, di ba, usually kapag pumatay ka, babayaran mo yung pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi rin naman ako nagnakaw. Wala akong ninakaw.

"Hindi ako nagmura.

"Kaya yung PHP3.5 million, I can't answer that now because magpa-file kasi ako sa upper court. Mag-a-appeal ako."

Read: Jaime Yllana reacts to dad Anjo's court loss to TVJ Productions

Bagamat inamin ni Anjo na nagkamali siya nang magpadala sa emosyon sa isang TikTok Live, na nagbunsod sa kanya upang magbitiw ng mabibigat na akusasyon laban sa Eat Bulaga! at kay Senator Tito Sotto, sinabi niyang hindi katanggap-tanggap ang halaga ng danyos na ipinababayad sa kanya.

Pahayag niya: "Nagsimula kasi yan noong nagla-Live ako sa TikTok, tapos masyado akong nakatutok sa Blue Ribbon Committee.

"Noong pinalitan si [Senator Rodante] Marcoleta, medyo nagalit ako sa kaibigan kong si Tito Sen.

"Sa galit kong yon, kung anu-ano na nasabi ko doon sa nangyari.

"Until yung mga bashers, iisip ko na trolls sila, ayun na, napapasagot na ako, kung anu-ano na ang nasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang pakiramdam ko, parang yung PHP3.5 million ay masyado namang mabigat.

"Kaya nga mag-a-appeal ako sa desisyon ng court — the verdict.

"Kasi pakiramdam ko, parang may pinatay ba ako, mayroon ba akong ninakaw, mayroon ba akong nilapastangan?

"Mayroon ba akong binugbog, sinaktan na pisikal? Hindi nga ako nagmura, e, naglabas lang ako ng emotion.

"So, baka nga ito harsh kasi mabigat yung parusa sa akin. Biruin mo, PHP3.5 million.

"Kapag wala akong PHP3.5 million, may 6 percent na patong every year. Ang bigat.

"Pakiramdam ko, ano bang kasalanan ko, ano bang nagawa ko? Although, sabi nga, damages sa kumpanya.

"Ibig sabihin, nalugi yung kumpanya, e hindi naman nalulugi ang TVJ, ang daming kita ng mga yan.

"So, may mga technicalities na gusto kong iklaro sa upper court."

Read: Did Vice Ganda make a sly dig at Marcoleta, Defensor?

Nilinaw rin ni Anjo na hindi niya pinlanong siraan ang Eat Bulaga! nang magsalita siya tungkol kay Tito at iba pang co-hosts ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais lang daw niya noong ikuwento sa publiko ang ilang nalalaman at karanasan niya sa programa.

Read: Anjo Yllana, may mga "pasabog" kina Jose Manalo at Allan K

Hindi daw niya inasahang hahantong ito sa demanda.

Saad niya: "I never intended to destroy yung image nila. Remember, yung akin noon, nailabas ko yung aking hinanakit noong nandoon pa ako.

"Naikuwento ko yung mga hinanakit ko noon. Ngayon, na-realize ko na mas mali pala na naglalabas ka ng sama ng loob.

"Mas better pala na manahimik ka na lang. Huwag mo nang ilabas.

"Kaya lang nalilito ako, kasi marami akong napapanood na nilalabas nila yung mga kuwento nila nung araw, yung mga hinanakit nila.

"So, akala ko normal. Parang, bakit ako bawal? Yung ibang tao, puwede?

"Mabigat yung nakabangga ko and siguro sensitive sila doon sa mga issues. They are powerful; they can sue anytime. Ganoon ang nangyari sa akin.

"Pero sabi ko nga, noong nagawa ko noon, e, humingi na ako ng paumanhin sa TVJ Productions, sa TVJ, sa mga nasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya lang, parang papunta talaga tayo sa end of the road. Ibig sabihin, yung talagang kung ano ang sasabihin ng final court or the highest court.

"Kasi ako naman, pakiramdam ko, kung ako'y happy na doon sa decision at kung talagang deserve ko yung PHP3.5 million na ibabayad ko, o, e, di sige, suko na ako.

"Pero pakiramdam ko, sobrang laki. Sa salita, magbabayad ka ng PHP3.5 million?"

Read: Jaime Yllana, nag-apologize sa mga birada ng amang si Anjo

Binalikan din ni Anjo ang araw kung saan niya nalaman ang desisyon ng korte, kaugnay sa kasong kanyang kinakaharap.

Lahad niya: "Noong unang mga araw, tulala ako, kasi sabi ko, 'Ang laki, PHP3.5 million.'

"Siyempre, tinatanong ko rin ang sarili ko kung deserve ko ba to na PHP3.5 million magbabayad ako dahil sa nasabi ko.

"E, wala naman akong inimbentong mga kuwento. Tapos sabi ko nga, nagsimula naman ito noong nagalit ako kay Tito Sen kasi tinanggal nila si Marcoleta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa nangyari sa kanya, nangangamba raw ngayon si Anjo na baka magkaroon ito ng epekto sa paggamit ng freedom of speech ng iba.

Aniya: "Kaya iniisip ko nga minsan, paano na lang kapag may taong maliit na magsabi ng masama sa isang korporasyon, ito na ba yung standard natin?

"Magbabayad na lang tayo ng PHP3.5 million or higher? Parang naapektuhan na yung ating freedom of speech.

"Naiintindihan ko yung freedom of speech kung nakakasakit ka na. Pero yung parusa, parang mabigat kasi this will be a precedent.

"I think, wala pa akong naririnig na ganito na kapag nagsalita ka, e, magbabayad ka ng PHP3.5 million."

Anjo says TVJ case cost him work

Pagbubunyag pa ni Anjo, bago pa man ang napipintong pagsasampa ng kaso sa kanya ay nakipag-usap na siya sa TVJ para sana'y makipag-areglo.

anjo yllana court ruling
Anjo Ylanna.
Photo/s: Aiko Melendez YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kasamaang palad, mas nanaig daw sa mga ito ang galit dahil sa pagsasalita laban sa kanila.

Lahad ni Anjo: "Nakiusap na ako dati. Pakiramdam ko kasi sa TVJ, masyado silang nasaktan. Kasi siguro hindi na ako iba sa kanila, parang kapatid na nila ako.

"Mas masakit yon, e. Yung kapatid mo ang bumira sa yo. E, matagal na kaming hindi nagkikita at nag-uusap.

"Sabi ko nga, nagsimula ito noong ako'y nakabantay sa nakawan sa flood control, yung investigation.

"Alam naman natin yung kaibigan ko, Senate President, si Tito Sen… Ako ay taong apektado noong nangyaring nakawan.

"E, may live ako. Mayroon akong thousands of followers, kaya nagsasalita ako na dapat ikulong yung mga yan.

"Tuwang-tuwa kasi ako kay Marcoleta noon tapos tinanggal siya, kaya nagalit ako kay Tito Sen. Kasi parang tinanggal nila si Marcoleta.

"Nakalimutan ko na, kaibigan ko nga pala ito.

"Siyempre, kapag sa kaibigan o kapatid nanggaling, talagang masakit yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hanggang sa umabot na sa TVJ Productions."

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Mula raw noon ay nagkaroon ng pagkakataon si Anjo na magnilay-nilay sa mga sinabi niya tungkol sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga!.

"Siguro mga December to, sabi ko, 'Ano bang nangyari? Parang na-trap ako dito. Dapat hindi na ako pumasok sa ganyang politika, nagsasalita.'

"Pero wala e, nangyari na."

Pag-amin pa ng aktor, mayroon siyang paghihinayang sa pagsasalita laban sa TVJ.

Dahil daw rito ay naudlot ang ilan niyang proyekto sa ilalim ng kinabibilangang talent management, ang Viva Entertainment.

"Isang taon na akong walang trabaho. So, if you're gonna ask me kung kumusta yung financial status ko, of course, it is not normal.

"I'm trying to live by the day with what I have, with what I've earned.

"Kung ano man ang meron, tipid-tipid.

"Wala akong movies and TV guestings. Although may maka-schedule ako na mga ilang tapings, kaya lang nasabihan din ako ng Viva na, 'O, lie-low ka muna kasi mainit ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakaapekto rin sa trabaho ko yon. Hindi ko naman sila masisisi.

"Kaya ayun, hinihintay ko lang na kumalma lahat tapos, hopefully, mabait naman sa akin ang Viva...

"Pero ayun, mahigit isang taon na akong walang work."

Anjo's message FOR TVJ

Sa huli, muling iginiit ni Anjo na hindi niya kailanman binalak na sirain ang reputasyon ng TVJ sa kabila ng mabibigat na akusasyong ibinato niya laban sa mga ito.

Mahal at nirerespeto raw niya sina Tito, Vic, at Joey.

Diin niya: "I have no intention of destroying their images. Mahal ko tong mga ito. Mahal ko si Tito, Vic, and Joey.

"Mahal ko yung mga kasamahan ko [dati].

"Kasi kung maninira ako, gagawa na ako ng mga kuwento na below-the-belt.

"Naglabas lang ako noon ng emotion...Pero ang sinasabi ko ngayon, mahal ko yang sila Tito, Vic, and Joey."

Masakit daw para kay Anjo ang nangyayari na umabot ang lahat sa demandahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin, hindi raw kaso ang higit niyang ikinababahala kundi ang nasirang samahan nila nina Tito, Vic, at Joey.

"Masakit sa akin na galit sila sa akin ngayon kasi ang dami naming pinagsamahan, ngayon magkakaaway kami. Nagdedemandahan.

"Masakit na nasasaktan sila, masakit din na nagagalit sila sa akin. Kasi kung tutuusin, ang pangit ng pinanggalingan nito, e.

"It is not intentional. Wala akong balak na masama sa kanila.

"Yung wini-wish ko, dahil I already made my apology seven months ago at naiintindihan ko naman kung bakit galit sila sa akin.

"Pero sana humupa na yung galit nila sa akin, kahit huwag nilang iatras yung kaso kung pakiramdam nila, e, damages talaga.

"Pero yung galit, kasi ramdam na ramdam ko yung galit."

Pagpapatuloy ni Anjo: "Sana maintindihan ni Tito, Vic, and Joey na mahal ko kayo. Noong araw, minahal niyo rin naman ako.

"Sana humupa na yung galit niyo sa akin, kung mayroon kayong suklam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ako, hanggang ngayon mahal ko kayo, nirerespeto ko kayo at lahat ng magagandang bagay ay wini-wish ko para sa inyo."

Muli ring humingi ng tawad si Anjo sa lahat ng kanyang nasaktan, lalo't higit sa TVJ na itinuring daw niyang mga kapatid.

Mensahe niya: "Pasensya na doon sa mga nangyari. At kung hindi niyo narinig dati, nag-sorry na ako. Pero ngayon magso-sorry ulit ako.

"Sana humupa na yung galit. Ayun naman yung concern ko, hindi naman yung kaso.

Gayunman, nilinaw ni Anjo na hindi niya minamaliit ang kaso, kundi nais lamang daw niyang ipabatid na mas mahalaga sa kanya ang nawalang samahan nila ng TVJ.

"Yang kaso, pera lang yan. Mas mahalaga pa rin sa akin yung pinagsamahan naming pagmamahalan dati, na para kaming magkakapatid."

Diin pa ni Anjo: "Sana mapatawad niyo ako. Patawad. Patawad po."

ANJO YLLANA'S TIRADES AGAINST EAT BULAGA! HOSTS

Noong Nobyembre 2025 ay nagpakawala ng mabibigat na alegasyon si Anjo laban sa dati niyang co-hosts sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang livestream sa TikTok noong Nobyembre 3, 2025, direkta niyang binanatan ang veteran TV host at politician na si Senator Tito Sotto.

Bahagi ng pahayag ni Anjo: “Tito Sen, ang dami mo na naman pinalabas. Yung mga bayaran mo sa mga vloggers.

"Tito Sen, gusto mo talagang laglagan? Gusto mo i-reveal ko na mula 2013 kung sino po yung kabit ninyo, Tito Sen?

"Okay ba sa 'yo yun, Tito Sen? Gusto mo sabihin ko na kung sino yung kabit mo mula 2013 na pinalakad mo sa akin?

“Sabihin mo lang, Tito Sen, at iaano ko na, iba-box reveal ko na. Sasabihin ko na sa taumbayan kung sino ang kabit mo mula 2013.

"Sige lang, banatan niyo lang ako at marami pa akong ilalabas."

Maliban dito ay may iba pang mga alegasyon si Anjo tungkol umano sa "sindikato" sa loob ng Eat Bulaga! at iba pang maseselang isyu.

May mga eksplosibong rebelasyon din si Anjo tungkol umano kina Jose Manalo at Allan K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagpipistahan at pinag-uusapan ang mga pagbubulgar ni Anjo sa ugali umano ni Jose at sa dating EB Babes dancer na kapwa raw nila nakarelasyon.

Hindi rin nakaligtas sa pagbubulgar ni Anjo ang kuwento umano tungkol kay Allan at sa dating PBA player at incumbent San Juan City councilor James Yap.

Inamin ni Anjo na may kinalaman sa pulitika ang mga banat niya kay Tito Sotto, na "kaalyado" ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto

Sa isa niyang livestream ay idineklara ni Anjo ang sarili bilang "DDS" at tagasuporta ni Vice-President Sara Duterte.

Inatake raw siya ng "bashers" — na paniniwala niya'y mula sa kampo ng Eat Bulaga! at ni Tito Sotto — dahil sa mga patama niya laban sa gobyerno.

Lahad ni Anjo: “Kahapon [Nobyembre 3], paggising ko, yung mga basher ng Eat Bulaga!, bina-bash ako.

"Yung vlog ko kasi, nagpapatama ako sa gobyerno mula noong nagkaroon ng nakawan sa flood control projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Active ako kasi nga hindi naman ako naninira. Nagbibigay lang ako ng opinyon saka advice.

"Para sa akin, ayusin naman ng gobyerno yung pamamalakad ninyo.

“E, siyempre si Tito Sen kaalyado ng present government, so yung trolls ng Eat Bulaga!, inaaway ako.

“Two weeks ago kasi, yung followers ko, tinanong ako kung puwede kong tanungin si Tito Sen tungkol sa ipinangako niya na yung sahod niya, ibibigay niya sa mga estudyante.

“So, nanawagan ako. Kumbaga, yung trolls at followers ni Tito Sen, medyo nagagalit sa akin."

Pagdidiin ni Anjo: “Hindi ako naninira. Hindi ako nagmumura.

"Ang sa akin lang naman, kung ano ang puwede kong ipakiusap.

“Nagbunga naman dahil after two weeks, inilabas ni Tito Sen yung resibo na ibinigay na niya yung sahod niya."

Base sa mga sumunod na pahayag ni Anjo, "nabuwisit" siya sa trolls ni Tito Sotto kaya nagpakawala siya ng mga pasabog ukol sa TV host-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Anyway, kahapon, binabanatan ako, e, alam kong trolls iyon ni Tito Sen, yung bashers ng Eat Bulaga!.

“E, ang aga-aga, wala pa akong tulog. Medyo nabuwisit ako.

"Binluff ko si Tito Sen, sabi ko, 'Tito Sen, ayusin mo naman yung trolls mo. Kapag hindi tumigil yan, iaano ko yung mga chicks mo.’

“Nangba-bluff lang naman ako. Hindi ko naman akalain na buong Pilipinas, buong mundo, e, magkakagulo!” natatawang sabi ni Anjo.

Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Ylanna (left) expresses hope for reconciliation with Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon: "Sana maintindihan ni Tito, Vic, and Joey na mahal ko kayo. Noong araw, minahal niyo rin naman ako. Sana humupa na yung galit niyo sa akin, kung mayroon kayong suklam. Kasi ako, hanggang ngayon mahal ko kayo, nirerespeto ko kayo..."
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube/Eat Bulaga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results