PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna recalls ex calling her "losyang"

Ellen: "Losyang na raw ako. Wala na raw papatol sa akin..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 11 hours ago
Ellen Adarna recalls being called "losyang"
Ellen Adarna opens up about being body-shamed by a former partner: "Nasabihan na akong losyang. Losyang na raw ako. Wala na raw papatol sa akin kasi lawlaw na raw yung ano ko."
PHOTO/S: Ellen Adarna on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang tinutukoy ni Ellen Adarna na dating karelasyon na tumawag sa kanya ng "losyang."

Sa YouTube vlog ni Alex Gonzaga noong July 5, 2026, nakasama niya sina Ellen at Arci Muñoz.

Ellen Adarna recalls being called
Ellen Adarna, Alex Gonzaga, and Arci Munoz (left to right).
Photo/s: Alex Gonzaga on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nagluto sila ng adobong baboy at manok, habang nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan sa pag-ibig at buhay bilang mga "trentahin."

Ang "trentahin" ay isang kolokyal na tawag sa mga taong nasa edad 30 pataas.

Madalas itong gamitin sa social media sa mga usapan tungkol sa adulthood, career, at personal growth.

Sa kaso ng tatlo ay parehas na 38 ang edad nina Alex at Ellen, habang 37 naman si Arci.

Read: Arci Muñoz admits fear of dying alone, not having kids

Kabilang sa mga napag-usapan nila ang pagiging mapusok noon sa pag-ibig at kung paano sila nagmu-move on matapos ang isang relasyon.

Inamin ni Alex na bago niya nakilala ang asawang si Mikee Morado, hirap siyang maka-move on sa tuwing naghihiwalay sila ng kanyang mga naging nobyo.

Read: Alex Gonzaga announces pregnancy after third miscarriage

Kabaliktaran naman nito ang karanasan ni Ellen.

Nang tanungin ni Alex kung mabilis ba siyang maka-move on, sagot ni Ellen, "Ako, I can say yes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Arci, "Ako, depende how deep the relationship is with the person."

Pero nabago naman daw ang pananaw ni Alex sa pag-ibig nang makilala niya si Mikee. Dito raw niya naranasan ang pagmamahal na hindi na niya kailangang pagdudahan o pag-isipan ng kung anu-ano.

Reaksiyon dito ni Ellen: "Parang ang bait-bait naman kasi ni Mikee, e.

"Parang si Mikee yung makakapagbigay ng happy wife, happy life.

"Parang sa lahat ng friends kong married, I can say na that they’re blissfully happily married; I can only count as in tatlo lang… pang-apat ka.

"Pero yung mga lalaki, dapat hinahayaan lang nila yung mga asawa nila to be themselves.

"Walang daming [kuda]. Tapos yung ego nila, dapat wala.

"Hindi nila kailangang i-prove na ako yung macho, yung mga ganun."

Read: Alex Gonzaga's first time to greet Mikee Morada on Father's Day

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Ellen si Mikee.

Aniya, "Hoy, Mikee ha, kapag nanganak si Alex, huwag mong sabihang losyang na siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi ako, nasabihan na akong losyang."

Gulat na reaksiyon ni Alex, "No way! Bakit ka naman nasabihan ng losyang, ano bang hitsura mo?"

Read: Pregnant Alex Gonzaga embraces changes in her body

Pagbabalik-tanaw ni Ellen: "Losyang na raw ako. Wala na raw papatol sa akin kasi lawlaw na raw yung ano [boobs] ko.

"Losyang na raw ako."

Komento ni Arci, "Ganun ang mga narcissist, ida-down ka nila."

Gayunman, hindi pinangalanan ni Ellen kung sino ang taong nag-body shame sa kanya.

Read: Derek Ramsay, hindi raw papatulan ang mga pasabog ni Ellen Adarna

Ellen on being a single mom

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dalawa na ang anak ni Ellen, sina Elias at Lili.

Si Elias ay anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz, habang si Lili ay anak niya sa estranged husband na si Derek Ramsay.

Read: Ellen Adarna spills on child support from Derek Ramsay vs. John Lloyd Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naturang vlog, ibinahagi ni Ellen na kuntento at masaya siya ngayon kasama ang dalawang anak kahit wala siyang boyfriend, matapos niyang mahiwalay kay Derek.

Read: Derek Ramsay, "lubog na lubog" dahil sa hiwalayan nila ni Ellen

Aniya, "Give up na ako [sa paghahanap ng lalaki].

"Nag-vow na nga ako, five years of celibacy. Celibate na ako."

Ang celibacy ay ang kusang desisyon ng isang tao na umiwas sa pakikipagtalik.

Maaari itong gawin dahil sa relihiyosong paniniwala, personal na paninindigan, o iba pang indibidwal na dahilan.

Sa ilang pagkakataon, kabilang din sa celibacy ang hindi pag-aasawa o hindi pakikipagrelasyon.

Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."

Sundot na tanong ni Alex, "Walang nanliligaw sa yo ngayon?"

Mabilis na sagot ni Ellen, "Mayroong nagpapapansin. Mayroong mga nagte-text.

"Pero parang hindi talaga ako interested. It's close."

Read: Ellen fires back after fans question her Vanness backstage access

Giit ni Ellen, napagtanto raw niitong kaya niyang mabuhay nang walang lalaki, lalo na kung hindi rin naman ito makapagbibigay ng positibong ambag sa kanyang buhay at pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Tapos, kung hindi ka pa provider [na lalaki], anong silbi mo?

"Nagbibigay ka pa ng problema, satsat ka pa nang satsat, who you?

"Hindi kita kailangan."

Read: Ellen Adarna debunks report that Derek Ramsay is a "good provider"

Naitanong din kay Ellen kung minsan ba siyang naghabol sa isang lalaki.

Natatawa niyang sagot: "Yung first boyfriend ko lang talaga, promise!

"Thirteen years old ako noon, yung talagang alam mong pagkakamatayan ko na parang, 'Magpapakamatay ako kapag iniwan ako nito.'

"Tapos parang one day, nagising na lang ako na parang, 'Ha, bakit? Hindi ka naman ganoon kaguwapo.'

"Kaya wala akong long-term… Ako ang unang umaayaw. Kasi kapag nakita ko nang parang, 'I don't see a future,' no na ako. Pack up na tayo, guys."

Ayon kay Ellen, ang pagiging matapang at matatag niya pagdating sa relasyon ay natutunan niya sa kanyang ama.

Read: Ellen Adarna reacts to Angelica Panganiban calling her “matapang”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Parents ko liberated, e. Eighteen [years old] pa lang ako pinag-live in na nila ako para alam mo yung gusto mo, ganyan.

"Eighteen ako, kinick out ako ng papa ko… Parang ang sabi niya, 'Mag-live in ka na.'

"So, parang noong pinaalis na niya ako sa bahay, doon na ako nag-live in."

Read: Ellen Adarna praises Isabel Santos for being the "best stepmom"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna opens up about being body-shamed by a former partner: "Nasabihan na akong losyang. Losyang na raw ako. Wala na raw papatol sa akin kasi lawlaw na raw yung ano ko."
PHOTO/S: Ellen Adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results