Kinilig ang maraming netizens sa tila panghaharana ni James Reid kay Kathryn Bernardo.
Nangyari ito sa exclusive fan hangout para sa upcoming series nilang Someone, Someday nitong Linggo, July 12, 2026.
Read: James Reid, ano ang mga nadiskubre kay Kathryn Bernardo?
Sa mga video na kumakalat online, makikitang kinakanta ni James ang kanyang hit song na "Randomantic" habang nasa likuran niya ang co-stars na sina Kathryn, Maja Salvador, at Dimples Romana.
Read: Vico Sotto "hopeless" at times amid fight for good governance
Sa kalagitnaan ng kanyang performance, bigla niyang tinawag ang pangalan ng karakter ni Kathryn na si Billy sa pinagsasamahan nilang serye.
Lumapit siya kay Kathryn at inanyayahan itong samahan siya sa harapan.

Pinaunlakan naman ng aktres ang paanyaya ni James.
Ngunit sa kanyang mukha at reaksiyon, makikita ang hiya dahil saglit pa lang siyang nasa harapan ay tinangka na niyang bumalik sa likuran, kung saan siya nakapuwesto.
Hindi naman siya hinayaang umalis ni James. Pinigilan at marahan niya itong hinila pabalik sa harapan.

Sakto namang pa-chorus na noon ang viral hit niyang "Randomantic," dahilan para lalo pang kiligin at mapasigaw sa tuwa ang mga manonood.
May pagkakataon pang sinubukan ni James na pakantahin si Kathryn, ngunit nanaig ang hiya ng aktres.

NETIZENS' REACTION TO JAMES AND KATHRYN'S INTERACTION
Kinilig ang maraming netizens sa naging interaksiyon nina James at Kathryn.
Saad ng isa, "Ilang ulit kong pinanood. Ang cute, inferness bagay sila."
"Nag-away-away pa tayo dati. Puwede pala yung ganito na pagsamahin ang dalawang dating may hiwalay na love team," komento ng isa.
Tila tinutukoy ng netizen ang magkaibang loveteams na pinanggalingan ng dalawa sa ABS-CBN.
Read: Liza Soberano 2023 loveteam statement resurfaces amid WilCa issue
Si James ay pitong taong nakatambal si Nadine Lustre, at apat na taon silang naging magkasintahan.
Read: Sweet moments of JaDine make fans want to turn back the clock
Habang si Kathryn ay 12 years nakatambal si Daniel Padilla, at 11 years silang naging magkasintahan sa tunay na buhay.
Read: James Reid name-drops Kathryn Bernardo; Daniel Padilla reacts
Sabi pa ng isa, "Ako lang ba, may hawig si Kathryn kay Nadine. Tapos ang kinanta pa siya ni James e, "Randomantic," na para bang balik JaDine tayo.
Inilabas ni James ang kantang "Randomantic" noong 2015.
Noong panahong iyon, magka-loveteam pa sila ni Nadine at kasalukuyan nilang ginagawa ang hit series na On the Wings of Love.
Read: James Reid, hindi pa open sa reunion project with Nadine Lustre
Sa kasalukuyan, may kanya-kanya nang karelasyon sina James at Nadine.
Kasintahan ni James si Issa Pressman, habang karelasyon naman ni Nadine ang Filipino-French businessman na si Christophe Bariou.
Read:
- Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”
- James Reid says love for Issa Pressman is his "strongest emotion"
Samantala, masaya na rin sa kani-kanilang buhay sina Kathryn at Daniel.
Si Daniel ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa former Incognito co-star na si Kaila Estrada; habang si Kathryn ay kasintahan ni Lucena Mayor Mark Alcala.
Read:
