Gumawa ng ingay sina Alden Richards at Maine Mendoza, na mas kilala bilang AlDub, matapos ang makasaysayang Kalyeserye episode na umere noong July 16, 2015, exactly eight years ago.
Nagsimula ang kanilang tambalan sa isang Eat Bulaga! segment, ang Juan for All, All for Juan, kunsaan bumibisita ang mga Dabarkads sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas upang magpalaro at ma-meet ang mga residente.
Nagmistulang mini-skit ang Kalyeserye na itinatampok ang pagliligawan nina Alden at Yaya Dub (Maine). Bagamat nagliligawan at ipinapakita ng segment ang kahalagahan ng respeto sa mga nakatatanda at paghihintay na ang mga bagay na magkakaroon ng "tamang panahon."
Before we know it, the loveteam clicked and made history in a span of a few months. Here are eight facts about the supercouple that can make us go on a trip down memory lane.
AlDub 8th anniversary fun facts
Alden and Maine met long before AlDub was a thing.
Nabigla si Alden Richards nang kumalat sa social media ang isang lumang litrato niya kasama si Maine. Na-share niyo ito sa kanyang panayam with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2015. At that time, wala pa siya sa showbiz nang sumali siya sa annual Candy Fair ng Summit Media noong 2010.
“May mangilan-ngilan pong nagpa-picture, pero I really didn’t remember.
“So, nagulat ako na may ganun palang photo,” pag-amin niya.
Dagdag pa niya, “Just to clarify things talaga with everyone, hindi scripted yung hindi namin pagkikita."
That was the time na hindi pa sila nagkikita face-to-face ni Maine sa Kalyeserye.
“Talagang we’ve never met each other. We’re not texting, we’re not calling each other," kuwento pa niya sa September 2015 episode ng PEPTalk.
"And yung sagutan lang namin sa social media is pakiramdaman lang.”
The loveteam started by accident.
It wasn’t scripted at all. Sa panayam ng PEP.ph with Direk Mike Tuviera noong August 2015, kuwento niya, “On our side, in-terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful.
"Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing.
“Kasi it was not planned. It was not planned at all.
“It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.
“As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga ako. You can see it in YouTube the first time it happened.
“Yaya already appeared, a few episodes already, so I asked, ano ba talaga ang nangyari behind the scene, they found out accidentally that Yaya in real life has a crush on Alden.
“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa 'Juan For All [All for One]' na.
“Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, 'Sige po, sige po.' Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, 'Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.'
“Si Alden, yun na, nag-wave na siya. Nung in-insert na, tingnan nga natin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident.”
The plywood that hit the headlines and made everyone oh so frustrated
At sino naman ang makakalimot noong September 5, 2015?
The usual split screen was brought up, at may hints na pareho silang nasa Broadway Studio. Naghanapan ang dalawa with Alden even mouthing to the audience, “Nasaan [si Yaya Dub]?”
After a few moments ng hiyawan at kilig, nagkita na ang AlDub for the first time in person. Siya namang baba ng isang malaking piraso ng plywood na humarang sa kanilang dalawa.
Sabay pasok ni Lola Nidora (Wally Bayola) na bakas sa mukha ang matinding pagkadismaya.
Litanya nito, "Magaling, magaling, magaling. Ano, Alden, Yaya Dub? May pa-pinky pinky swear pa kayo? Pa-mano mano pa kayo? Susuwayin niyo lang pala ako.
“Ang pagtupad ng pangako ay ang pagsunod ng totoo. Ang binitawang salita ay hindi dapat isawalang bahala. Dapat ang katumbas nito ay ang pagtitiwala ko sa inyo.
“Paano pa ako magtitiwala sa inyo kung sa simpleng pangako ay hindi niyo kayang matupad?"
Nagsimulang umiyak ang dalawa sa kalagitnaan ng sermon.
"Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi kayo magkapiling, nararamdaman. Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi [kayo] nagkikita, pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa. Iniisip ang kabutihan, at hinihintay ang tamang panahon! Sinira niyo ang tiwala ko," dagdag na sermon pa ni Lola Nidora.

Even international stars like Barbie Hsu got curious about the couple.
The Meteor Garden star even resorted to Twitter to ask, “What is AlDub it’s trending everyday?”
Ilan sa mga local stars who also confessed to following AlDub and the Kalyeserye include Regine Velasquez and Nate (her son), Georgina Wilson, Lani Mercado, Carla Abellana, Sheena Halili, BB Gandanghari, and Megan Young.
The loveteam worked even without a dialogue.
Instead of the dialogues usually heard in skits, the cast used DubSmash and gestures as ways to communicate with each other. Dubsmash is an app that lets you do your dubs for songs, quotes, and other materials na may audio. In other words, it allows you to do lip syncing.
The supercouple popularized the Pabebe wave and other trends.
Aside from the Pabebe wave, ang phrases na “__ pa more” at ang kanilang playlist na maririnig during the Kalyeserye skits ang ilan pa sa mga naging sikat since 2015.

Guinness World Records noted the hashtag #AlDubEBTamangPanahon.
Na-cite ng Guinness World Records ang hashtag na #AlDubEBTamangPanahon as the “Most used hashtag in 24 hours” sa Twitter. The hashtag was used noong concert ng AlDub sa Philippine Arena noong October 2015. Na-tweet ang hashtag ng 40,706,392 users noong October 24-25, 2015.
“AlDub” is the most searched term in Google Philippines for 2015.
Ayon ito sa report ng Google noong 2015. Maine Mendoza is the most searched female personality, habang second naman si Alden Richards sa male personalities at the time. Pope Francis led the male personalities for the number of Philippine-related searches that year.