"Masasabi ko na parang safe space ko si Miks."
Ito ang diretsahang deklarasyon ng actor-singer na si Will Ashley nang kumustahin siya tungkol sa relasyon nila ngayon ng kapwa Kapuso star na si Mika Salamanca.
Nakapanayam ni Ganiel Krishnan si Will sa YouTube podcast na Oh My Gan! nitong Miyerkules, September 16, 2026, kung saan natanong siya tungkol sa nababalitang espesyal na relasyon nila ni Mika.

Ayon kay Will, maayos at masaya ngayon ang relasyon nila ni Mika dahil mas nagkakakilala pa sila matapos nilang lumabas sa Pinoy Big Brother house.
Parehong naging housemates ng PBB: Celebrity Collab Edition sina Will at Mika noong 2025.
Si Mika ang naging Kapuso celebrity Big Winner, kasama ang ka-duo nitong si Brent Manalo.
Read: Mika Salamanca apologizes, unfollows Kitty Duterte on Instagram
Habang si Will naman ang hinirang na Second Big Placer, kasama ang ka-duo niyang si Ralph de Leon.
Sabi ni Will tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ng rumored girlfriend na si Mika: "Happy. We’re very happy.
"Sa dami ng nangyari, ayun yung naging way para mas maging close kami.
"Kasi before pa naman, naiintindihan na talaga namin yung isa’t isa, but this year, mas lalong lumalim yung understanding namin sa isa’t isa.
"Yung relationship namin, kumbaga, one call away talaga, e. One call away."
Diin pa niya, "Masasabi ko na parang safe space ko si Miks."
WILL RECALLS FRIENDSHIP WITH MIKA BEFORE AND AFTER PBB
Dahil pareho silang nasa bakuran ng GMA-7, nausisa ni Ganiel si Will kung magkakilala na talaga sila ni Mika bago pa man sila pumasok sa PBB house.

Sagot ng binata, "Oo, nagkakilala kami siguro noong 2023.
"Pero nagkakilala lang kami sa isang meeting. After that, wala. Hindi naman kami nagkausap doon o nagka-follow-an."
Read: Will-Mika, Dustin-Bianca, other kilig moments at Bida sa Arena
Nagkataon lang din daw na mayroon silang common friends ni Mika kaya paminsan-minsan silang nagkikita bago pa man sila pumasok sa Bahay ni Kuya.
Pahayag ni Will: "Before PBB, doon na kami nagkausap na dalawa kasi madalas na kami nakakapagkita with friends sa labas na hindi naman sinasadya.
"Then, ayun, simula noong pumasok sa PBB, nagkakausap kami mga first few weeks.
"Tapos hanggang sa naging magkaibigan kami sa loob ng bahay, hanggang sa paglabas.
"Pero ngayon, masasabi ko na sobrang deep na talaga yung connection namin ni Mika, yung relationship namin."
Read: Will Ashley, Mika Salamanca spotted exploring Thailand together
Mika on real score with Will
Bukod kay Will, hayagan na ring ibinabahagi ni Mika ang tungkol sa espesyal nilang ugnayan ng aktor.
Read: Will on Mika romance rumors: “Super chill po. Super happy.”
Sa isang panayam kay Mika noong July 18, 2026, natanong din siya tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Will matapos silang makitang magkasama sa ilang out-of-town trips.
Read: Will Ashley, Mika Salamanca deny rumors of “hard launch” Thailand
Ani Mika: "Real score? High score...Actually, yung relationship po namin ni Will, parang mas nagiging deep po. Mas nakikilala ko pa siya.
"Kasi si Will is someone na consistent sa akin after my PBB.
"And hanggang ngayon, sobrang consistent pa po sa akin na pag-pursue.
"So, inaano ko na po, parang hinihilot na. Pero, yeah, nagpe-pursue po."
Read: Mika Salamanca on real score with Will Ashley: "High score!"
