Marami ang nagulat sa rebelasyon ng singer-actor na si Nyoy Volante tungkol sa nakaraan nila ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.
Sa panayam kay Nyoy sa Fast Talk with Boy Abunda noong September 17, 2026, napag-usapan nila ng host na si Boy Abunda ang kanyang showbiz career, mula sa pagiging singer-songwriter hanggang sa pagiging aktor.
Read: Christopher de Leon breaks silence on Lotlot-Ian feud
Kabilang din sa napag-usapan ang nakaraan niya kay Jennylyn, na minsan daw niyang naging ka-close at kaibigan.
Diretsahang tanong ni Boy, “Niligawan mo ba noon si Jennylyn Mercado?”
Bago sumagot, napatawa si Nyoy, na tila nahiya sa tanong ni Boy, dagdag pa ang kantiyaw at hiyawan ng studio audience.
Saad niya, "Tito Boy, ganito, Jennylyn and I noong mga panahon na yon— there was a point in time na naging close kami talaga.
"She was watching my shows."

Sundot na tanong ni Boy, "How close was close?"
Mabilis na sagot ng "Ipagpatawad Mo" singer, "Call it what you want, but it was close."
Read: Jennylyn Mercado reposts message about protecting one's peace
Tinanong din ni Boy si Nyoy kung may katotohanan ba ang bali-balitang pinagselosan siya umano noon ni Mark Herras.
Ani Nyoy, “Wow, grabe naman. Hindi ko na alam yon.”
Dating magka-love team sina Jennylyn at Mark matapos maging kakiligan ang kanilang tambalan sa unang season ng StarStruck, kung saan silang dalawa ang hinirang bilang Ultimate Survivors.
Noong 2005, kinumpirma nina Jennylyn at Mark ang kanilang relasyon. Kalaunan, nagkahiwalay din ang dalawa.
Read: Jennylyn Mercado on ex-boyfriend Mark Herras: "Tama na yung ninong siya ng baby ko."
Nyoy recalls a "close," but "no label" phase with Jennylyn
Muling inusisa ni Boy si Nyoy kung naging opisyal ba silang magkasintahan noon ni Jennylyn.
Sa puntong ito, hindi agad nakasagot ang singer.
Mahihinuhang saglit siyang napahinto upang isipin kung ano ang kanyang sasabihin.
Natatawa niyang sabi: "Hindi ko alam. Walang any label.
"What we had was what we had. It was there.
“I definitely was very much fond of her.
"Pero yun nga, whatever we had before, not for being safe, pero wala naman siyang ano, e, walang label or anything.
"Basta, ang alam ko, sobrang naging close lang kami."
Read: Shanaia Gomez stands firm on boundaries after male celeb post
Samantala, sa ngayon ay pareho nang masaya sa kani-kanilang pamilya sina Nyoy at Jennylyn.
Si Nyoy ay sampung taon nang kasal sa stage actress na si Mikkie Bradshaw. Biniyayaan sila ng isang anak.
Read: Nyoy Volante and Mikkie Bradshaw wedding
Samantala, si Jennylyn naman ay masaya na ngayon sa piling ng kanyang mister na si Dennis Trillo.
May tatlong anak sina Jennylyn at Dennis—sina Alex Jazz, Calyx, at Dylan.
Read: Jennylyn Mercado says Alex Jazz, 18, is her "forever baby"
Sa tatlo, isa lamang ang biological child nina Jennylyn at Dennis. Si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn sa dati niyang partner na si Patrick Garcia, habang si Calyx ay anak ni Dennis sa dati nitong partner na si Carlene Aguilar.
Read: Carlene, thankful sa support nina Dennis at Jennylyn kay Calix
