PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christopher de Leon breaks silence on Lotlot-Ian feud

Christopher: "By the grace of God, magkaroon ng reconciliation yung dalawa."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 5 hours ago
Christopher de Leon on Lotlot-Ian feud: “Ayokong makialam”
Christopher de Leon (left) hopes his children, Lotlot and Ian de Leon (right), will reconcile amid their ongoing family conflict: “Definitely, one day, magkakaayos yan. Hindi puwedeng hindi, at hindi ko rin naman papayagan na hindi magkaayos.”
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube

Nagsalita na si Christopher de Leon tungkol sa hidwaan ng kanyang mga anak na sina Lotlot de Leon at Ian de Leon kaugnay ng legasiya ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Si Lotlot ang panganay na adopted child nina Nora at Christopher. Ang tatlo pa nilang adopted children ay sina Matet, Kenneth, at Kiko.

Is this Matet’s reaction to Nora Aunor’s inheritance issue?
From left: Lotlot de Leon, Kenneth de Leon, Matet de Leon, and Kiko de Leon.
Photo/s: Matet de Leon on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang si Ian ang nag-iisang biological son ng dating mag-asawang Nora at Christopher.

Ian de Leon confirms he is in charge of the legal affairs and legacy management of late mom Nora Aunor.
Ian de Leon.
Photo/s: Ian de Leon Facebook

Hanggang ngayon ay mainit pa ring usap-usapan ang gusot sa pagitan ng magkakapatid na may kaugnayan sa mga naiwang ari-arian at legasiya ng kanilang yumaong ina.

Ito'y matapos ideklara ni Ian noong April 2025 na siya ang legal heir at naatasang mamuno at magtaguyod sa lahat ng naiwang assets, property, at legacy ng yumaong Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtatag si Ian ng One Person Corporation (OPC), na sumasaklaw sa Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation, bilang aniya'y pagbibigay-pugay sa alaala ng National Artist.

Read: Nora Aunor's children dispute: A timeline

Sa panayam ni Christopher sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong Biyernes, September 18, 2026, nahingan siya ng panig tungkol sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng kanyang mga anak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagsalita ang beteranong aktor tungkol sa isyu.

CHRISTOPHER ON LOLOT-IAN FEUD

Ayon kay Christopher, hindi siya nagsasalita tungkol sa isyu dahil ayaw niyang makialam sa gulo ng mga anak, lalo pa't may kinalaman ito sa usapin ng mga naiwang ari-arian ni Nora.

Christopher de Leon on Lotlot-Ian feud: “Ayokong makialam”
Christopher de Leon.
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang siniguro niya ay habang nangyayari raw ang hindi pagkakaintindihan ng mga anak ay magkahiwalay niyang kinausap sina Lotlot at Ian para marinig ang kani-kanilang panig.

Lahad ni Christopher: "Nakausap ko na silang dalawa, hiwalay.

"Not the same day, at ayong makialam, because ang pinag-aawayan nila is the mom, the mother.

"Ang pinag-aawayan is a sort of foundation na involves [money matters].

"Kapag ganyan, ayokong makialam kasi, for example, during the wake, the death, and the burial [of their mom], I was just quiet.

"I was just there, but I was quiet and hindi ako nakialam."

Read: Christopher de Leon, Lotlot de Leon, John Rendez sa burol ni Nora

Kung mayroon daw kasing problema, sanay si Christopher na inaayos ito nang pribado, lalo na kung tungkol sa pamilya.

Hindi rin umano niya kailangang pumili ng kakampihan dahil nasa hustong gulang na ang kanyang mga anak at alam niyang kaya na nilang harapin ang mga problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Hindi ako yung showbiz na tatay. Nandito na ako sa stage ng buhay ko na, 'Bakit ako tatalak? Bakit ako magsasalita ng mga bagay na ipapaalam ko sa lahat?'

"Kung mayroon akong gustong sabihin, sasabihin ko yan sa yo nang diretso.

"Sasabihin ko kay Lot nang diretso, sasabihin ko kay Ian nang diretso na, 'Mali ka, ikaw mali. Bahala kayo, malaki na kayo pareho, alam niyo na ang dapat niyong gawin, kung mag-aaway kayo.'

"'E, hindi,' gaganon yung isa. Anong gagawin mo doon? May edad na yon, e, may edad na yung dalawa."

Read: Lotlot de Leon says Nora Aunor's legacy "hindi tungkol sa pera"

Naniniwala si Christopher na darating ang panahon na magkakaayos din sina Lotlot at Ian sa kabila ng alitan ng mga ito.

Sa ngayon, desisyon daw niyang huwag nang makisawsaw sa gitna ng mainit na sitwasyon dahil maaari lamang itong mas lumala.

Saad ni Christopher: "Siguro one day, magkakaayos yan. Definitely, one day, magkakaayos yan. Hindi puwedeng hindi, at hindi ko rin naman papayagan na hindi magkaayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"By the grace of God, magkaroon ng reconciliation yung dalawa.

"Kasi masyadong pang-mainit ngayon, e. Kapag pumasok ka doon sa heat ng gulo, lalo lang gugulo.

"Tapos mapi-pick up na ni ganito, ni ganon. Tapos, lalaki na, lalabas na sa diyaryo, sa postings. Iba na yung sasabihin. Mami-misinterpret na kayong lahat.

"Pati ikaw, kasama ka na doon sa tsismis. E, bakit ako makikitsimis at this point in my life?"

CHRISTOPHER FEELS SAD FOR HIS CHILDREN

Aminado si Christopher na bilang ama ay labis niyang ikinagulat at ikinalungkot ang nangyari sa kanyang mga anak.

Lalo pa't sanay daw siyang makita ang mga ito na close at magkakasundo noong mga bata pa ang mga ito at nabubuhay pa si Nora.

Simula't sapul ay sina Lotlot at Ian na raw ang magkakampi noon.Christopher de Leon on Lotlot-Ian feud: “Ayokong makialam”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lotlot (left) and Ian de Leon (right).
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube

Lahad niya: "Ayon nga, yung pinagtataka ko, e. Doon ako nagugulat na bakit biglang nag-iba yung ihip ng hangin after the death of their mother.

"Iyan ang pinakaayaw natin siguro...Maraming nag-aaway sa mga naiwan, inheritance or whatever, kung mayroon man, bakit niyo pag-aawayan yung ganoon?

"But they have their own reasons why they're acting like that. So hindi mo mapapakialaman yon."

Read: Lotlot de Leon reveals mom Nora Aunor's bilin, last text message

Dagdag pa niya: "Doon nga ako nagtataka, e, kasi parang bulkan na nag-erupt na nagkahiwa-hiwalay na sila, nagkaroon sila ng kanya-kanyang factions.

"I don't know what happened na nagkaroon na ng 'I'm the sole heir' and all that thing.

"Bakit natin kailangang ilabas sa publiko na ganon, samantalang they were like very, very close.

"Kapag nagagalit sila sa akin noon o sa nanay nila, sila ang magkakakampi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nagulat talaga ako."

Read: Is this Matet’s reaction to inheritance issue with brother Ian?

Bagamat hindi pa raw niya mapag-ayos ang kanyang mga anak, lalo na sina Lotlot at Ian, patuloy daw na gagawa ng paraan si Christopher para mapagbati ang mga ito.

Siniguro rin niya na wala ni isa sa mga anak ang makakaramdam na wala ang kanyang presensya sa mga panahong kailangan siya para gumabay at magbigay ng payo.

"Hindi ako sumuko. Hanggang ngayon kausap ko sila. Mayroon nga akong ginagawang hakbang para mag-ease up muna yung isa.

"Sa akin, I'm always in touch regarding yung mga personal posting, about, you know, my love for them. Walang sablay yon.

"I mean, papadalhan ko siya ng ganito, papadalhan ko ng ganyan. Basta tuloy yung relationship namin.

"I'm not worried...Hopefully, maayos sooner, the better," sabi niya.

Christopher on adopted children using his surname

Samantala, nang matanong tungkol sa paggamit nina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth ng kanyang apelyido, sinabi ni Christopher na hindi ito naging isyu kailanman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth proud to be adopted by Nora Aunor

Simula't sapul, itinuring daw niyang tunay na mga anak ang mga ito at isa raw itong pribilehiyo para sa kanya na maging ama ng kanyang apat na adopted children.

Pahayag niya: "When they call me dad, ang sarap pakinggan.

"Minamahal nila ako, e, tinatawag nila akong dad.

"Kahit sino siguro na may mga batang ganyan, lumaki sa iyo tapos tawagin kang Dad, parang 'Ohh,' responsibilidad ko rin yon."

Kaya naman anuman ang mangyari, pangako ni Christopher na patuloy siyang magiging present para sa magkapatid at handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya

"Anuman ang mangyari, kahit konting tulong, gagawan ko ng paraan."

IAN DE LEON VS. HIS SIBLINGS

Nakumpirmang may hidwaan ang mga anak ni Nora nang sumambulat ang galit ni Lotlot kay Ian sa story conference ng pelikulang 40 Days ng LVD Productions noong June 19, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasaktan at nagalit si Lotlot sa mga pahayag ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda tungkol sa Nora Aunor Foundation na itinatag ng kanyang kapatid.

Sa nasabing panayam, sinabi ni Ian na ipinaalam niya sa kanyang mga kapatid ang pagtatayo niya ng one-man corporation kaugnay ng naiwang assets at legacy ng kanyang inang si Nora Aunor: ang Nora Aunor Enterprise (for-profit) at ang Nora Aunor Foundation (non-profit).

Bahagi ng pahayag ni Ian: "I also, you know, wanted them to be involved in the... This was still a concept during that time.

"And I wanted them to be involved in the... wala pang OPC nun with the plans that I had to continue Mom's legacy.

"And I think nung time na yun, they weren't ready, because it was still a concept, di ba?

"But I told them that I would pursue this. I'm willing for everyone to be on board."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy

Pero galit na galit na pinabulaanan ni Lotlot ang pahayag ni Ian.

Nang humarap siya sa isang presscon, pagkastigo niya kay Ian: "Hindi ko maintindihan kung bakit puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo, Ian! Bakit?'

“Sinabi niya kanina sa Fast Talk, sinabi daw niya sa akin, kay Matet, kay Kiko, kay Ken na magtatayo siya ng one-person corporation, ng enterprise.

"He never told us. He never told us. Never shared with us anything at all. Wala siyang shinare, wala siyang sinabi, wala siyang kinuwento.

“Hinahayaan na lang namin. Ako, tahimik na ako.

"But I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down, and to say all these lies ‘coz it’s not true!"

Read: Lotlot breaks down in tears over Ian feud: "He can have it all!"

Galit na galit na sabi pa ni Lotlot: “Ikakayaman ko ba ang pagsisinungaling? Ikakayaman ko ba ang pang-iisa ng kapwa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gaba [karma] ng Panginoon, dyusko, matakot tayo, sa totoo lang!

“Pero hindi na ako papayag. Enough! Enough with the lies! Enough with all of that!

“Tahimik ako, tahimik na si Matet, tahimik si Kiko, tahimik si Ken!

"Wala na kaming sinasabi, and then you go out on the TV show and then you tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true!"

Read: Lotlot de Leon initiated convo about issue with Ian de Leon

Kaagad namang nag-react si Ian sa pamamagitan ng Facebook.

Aniya: “Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?

“Kayo lang ba pwede magpa-interview? I don’t go out just like that. It’s for Father’s Day episode.

“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies, especially to my dad."

Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him

Makalipas ang ilang araw, si Matet naman ang naglabas ng saloobin sa pamamagitan din ng social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe niya kay Ian (published as is): "Para sa ’yo, 'Kuya' Ian, sana sinabi mo rin sa tao yung mga nagawa mong mali.

"Na hindi totoong nang kakamkam kami.

"Na yung zoom meeting (tutal nabanggit mo na) eh para sa play na feeling ko mali at hindi enterprise o foundation?"

Read: Matet admits "misunderstanding" with Ian amid inheritance issue

Sabi pa niya: "Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to?

"Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi."

Read: Matet de Leon blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher de Leon (left) hopes his children, Lotlot and Ian de Leon (right), will reconcile amid their ongoing family conflict: “Definitely, one day, magkakaayos yan. Hindi puwedeng hindi, at hindi ko rin naman papayagan na hindi magkaayos.”
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results