PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Louise delos Reyes wants to bury "dark times" with Aljur Abrenica

Louise clarifies she and Alden Richards did not have romantic relationship.
by Gorgy Rula
Published Dec 21, 2022
louise delos reyes aljur abrenica past romance
Louise delos Reyes on Aljur Abrenica: “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan. Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga."
PHOTO/S: @louise.dr / @ajabrenica on Instagram

Ratsada sa pagpu-promote ang aktres na si Louise delos Reyes ng pelikulang Deleter na entry ng Viva Films sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read: Louise delos Reyes thrilled that Deleter is the only horror film in MMFF 2022

Nakausap siya ng awtor na ito sa aming programa sa DZRH nung Martes, December 20, 2022.

In love si Louise sa kanyang non-showbiz boyfriend at halos five years na ang kanilang relasyon. Pinag-uusapan na nila ang mag-settle down, pero nag-iipon pa raw sila.

Napag-usapan na rin lang ang love life, nag-throwback kami sa mga isyung kinasangkutan niya noon.

Maganda ang love team nila noon ni Alden Richards na nagsisimula pa lang sa kanyang showbiz career. Diretsahan namin siyang tinanong kung minsan ba ay umasa siyang matuloy sa magandang relasyon ang samahan nila noon ni Alden.

Read: Louise delos Reyes recalls away-bati relationship with Alden Richards during One True Love

Sagot ni Louise, “Romantic level, siguro hindi. Kasi that time, may nanliligaw sa akin at yun ang naging boyfriend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang ano talaga. From the start, iba na talaga yung atensiyon ko.

"Saka yung level nung friendship namin, iba, parang hindi talaga siya papunta dun."

Nakapareha ni Louise si Alden sa mga Kapuso teleseryeng Alakdana, One True Love, at Mundo Mo’y Akin, at sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

"DARK TIMES" WITH ALJUR ABRENICA

Pagdating kay Aljur Abrenica, na nakatambal niya sa Kambal Sirena, nag-iba ang mukha ni Louise. Ayaw na raw niyang balikan yun at uriratin pa kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Aljur.

Read: Louise delos Reyes not surprised by Aljur Abrenica's revelation of their short-lived romance

Hindi niya diretsahang inaming naging sila nung ginagawa nila ang fantasy series na ito.

Sabi lang niya, “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan.

“Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero yung experience lang, ano yun, e, dark times kasi. Kaya ayoko na lang i-associate, ayoko nang isipin yun, move forward na lang tayo.”

Hindi niya gaanong ma-describe ang naging relasyon nila noon ni Aljur, pero gusto na raw niyang kalimutan ito. Naging civil naman sila sa isa’t isa nang nagkasama sila sa FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read: Louise delos Reyes wants to leave past issue with Aljur Abrenica behind

“Hindi naman sa naging pangit. Siguro yung start, naging pangit hanggang sa gitna.

“Parang andun yung care, andun yung love, pero may nawalang element na hindi mo puwedeng i-push yung relationship kung wala yun.

“Walang peace of mind, di ba? Kapag may relationship kayo, merong peace of mind, walang naging ganun.

“Tapos, masyado nang publicized yung lahat. So, parang hindi na talaga puwedeng ipagpatuloy. Pero we remained… siguro hindi friends, pero casual.

“Kasi siyempre, maliit lang naman ang mundo ng showbiz, e. Magkakasama at magkakasama kayo magkikita kayo. Walang bad blood, walang ganun. Trabaho na lang tayo,” saad ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabi bang si Aljur ang isa sa gusto niyang i-delete sa kanyang buhay?

“Wala naman ako naging gustong i-delete, kasi nga, hindi magiging ako ngayon kung idi-delete ko yung tao na yun o yung experience na yun, kasi yun yung bumubuo sa akin. Masakit man yun o masaya.

“Wala talaga akong maisip na i-delete. Promise!”

NO CONFRONTATION WITH KYLIE

Nilinaw rin ni Louise ang mga lumabas na kuwento noon na nagkaroon daw sila ng matinding confrontation ni Kylie Padilla.

May blind item pang lumabas noon na tila umabot na raw sa pisikalan ang kanilang paghaharap.

Paglilinaw ni Louise, “Never kami nagkaroon ng confrontation. Actually, after ng lahat ng yun, nag-message kami sa isa’t isa, and pareho kami ng, alam mo yun, yung naging estado na, 'Let’s move on, let’s move forward. Naging magkaibigan naman tayo and let’s stay that way. Babae ako, babae ka.'

"Na, alam mo yun, may koneksiyon, may ganung empathy kami sa isa’t isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read More Stories

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes on Aljur Abrenica: “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan. Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga."
PHOTO/S: @louise.dr / @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results