May paalala si Neri Naig Miranda sa mga taong bumabaybay sa daan ng paghilom katulad daw niya.
Sa Instagram noong April 11, 2025, ibinahagi ni Neri ang pagputol niya ng mga bulaklak mula sa kanyang sunflower garden.

Ayon kay Neri, ang mga tanim niyang sunflowers ay hindi tumubo magdamag.
Kailangan raw ng tamang pagkalinga ang mga ito.
Ito raw ay nagpapaalala sa kanya na kahit putulin ang mga ito, sa gitna ng mga unos sa buhay, may tutubo pa ring sanga na kasingganda ng naunang naputol na sanga.
Saad niya, "These sunflowers didn’t grow overnight. They needed light, care, and time.
"Cutting these blooms reminds me: Even after the darkest days, something beautiful can still grow."
Dagdag niya, ang sakit at kalungkutan ay may katumbas na katahimikan, kalakasan, at kaligayahan.
Mababasa pa sa caption ni Neri, "From pain, peace.
"From silence, strength.
"From the soil of sorrow, joy can rise again.'
At doon daw sa mga taong may pinagdadaanan sa buhay ngayon, ang tangi niyang paalala, mapapawi rin ito at tutubong kasingganda ng sunflowers niya.
Pagtatapos ni Neri, "And if you’re going through something right now—this is your reminder: healing takes time, but you will bloom too.
"One gentle day at a time. (sunflower emoji)"
View this post on Instagram
Read: Neri Naig's syndicated estafa case junked by Pasay court
NERI NAIG case and her journey of healing
Kamakailan lamang ay nasangkot si Neri sa kontrobersiya kaugnay ng Dermacare, isang beauty clinic na kanyang iniendorso.
Naparatangan siyang sangkot sa isang investment scam noong November 2024.
Read: How to spot and avoid investment scams
Patung-patong na kaso ang isinampa kay Neri ng mga investor, kabilang na ang 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.
Read: EXPLAINER: Neri Naig's syndicated estafa and securities code violations
Hinuli si Neri ng pulisya sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong November 23, 2024.
Umabot sa PHP1.7 million ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation, at non-bailable naman ang syndicated estafa na ikinaso sa kanya.
Noong December 4, nakalabas si Neri mula sa limang araw na hospital furlough.
Sa halip na bumalik siya sa piitan ay diretso nang nakauwi ang negosyante at dating aktres.
Read: BREAKING: Court orders release of Neri Naig from detention
Ito ay matapos ipag-utos ng Pasay City RTC Branch 112 ang agarang pagpapalaya kay Neri, kasunod ng pagpabor ng korte sa motion to quash ng kampo ng actress-businesswoman.
Read: BREAKING: Court orders release of Neri Naig from detention
Pitong araw namalagi si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos itong maaresto.
Malaking tagumpay para sa mga abogado ni Neri ang araw na iyon, dahil bukod sa napaboran ang kanilang motion to quash a warrant of arrest, pinalaya rin si Neri mula sa pagkakakulong.
Ang motion to quash ay isang remedyong legal kung saan ang akusado ay pinapayagang kuwestiyunin ang legalidad ng warrant of arrest.
Noong March 21, 2025, matapos ang halos apat na buwang pananahimik tungkol sa legal ordeal na kinaharap niya, naglabas siya ng saloobin sa pinagdaanang isyu.
Read: Neri Naig finally breaks silence after legal ordeal
Bago pa nito, noong March 6, 2025, nag-renew ng wedding vows si Neri at mister na si Chito Miranda. Delayed celebration iyon para sa kanilang 10th wedding anniversary noong December.
Read: Chito Miranda, Neri Naig renew wedding vows on 10th anniversary
Read: Pasay court grants Neri Naig’s motion to quash warrant of arrest
RUFA MAE QUINTO
Samantala, bukod kay Neri, nadawit din ang comedienne na si Rufa Mae Quinto sa investment scam.
Katulad ni Neri, si Rufa Mae ay isa ring celebrity endorser ng Dermacare.
Read: Rufa Mae Quinto returns to PH; voluntarily surrenders to NBI
Naharap sa 14 counts ng violation of Section 8 ng Securities Regulation Code si Rufa Mae.
Read: Rufa Mae Quinto breaks silence on estafa case
Pansamantalang nanatili noon si Rufa Mae sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters matapos siyang arestuhin.
Read: Rufa Mae Quinto maintains innocence: “Biktima din po tayo.”
Sa NBI headquarters siya natulog noong gabi ng January 8, 2025, dahil hindi natapos ang proseso ng pagpipiyansa niya sa Pasay Regional Trial Court.
PHP1.7 million ang binayaran ng aktres para sa pansamantala niyang kalayaan.
Read: Rufa Mae Quinto, magpipiyansa ng PHP1.7M para di makulong
Additional report from Tin Baylon
