JERRY OLEA
Masundan kaya ng JhasDrick tandem nina Jhassy Busran and Heindrick Sitjar ang mga yapak nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Sina Jhassy at Heindrick ang mga bida sa nine-episode FB series na Roommate, na streaming sa Facebook page ni Direk Gabby Ramos.
Si Direk Gabby ang nagdirek ng nasabing serye na nagtatampok din kina Earnest Beaver Magtalas at MJ Manuel.

Imleda Papin (third from right) with Roommate cast (from left) MJ Manuel, Earnest Beaver Magtalas, Heindrick Sitjar, and Jassy Busran, and directr Gabby Ramos (extreme right)
Pahayag ni Direk Gabby sa mediacon ng Roommate nitong Pebrero 4, 2023, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, “Yung mga ginagawang ito, sabi ko nga, kahit isa lang o dalawa ang manood, di ba?
“Napanood lamang halimbawa ni Imelda Papin, tinawagan tayo. Tapos may project tayo. Tapos nandiyan siya kanina. Ang sarap ng pakiramdam na yun!
“Tumawag ang isang taga-network. Tumawag yung taga-isang ano na, ‘Direk, may script kami dito, kaya ba ito?’ So blessing po yun.
“Para rin po sa mga nanonood, naka-live po ako ngayon, sa mga filmmaker… dumating po ako sa punto na lahat ng kailangang ipasa mo yung reel mo na marunong ka, dumating na po ako sa punto na yun, naipasa ko.
“Kaya naisip ko, ‘Sandali! Baka ako naman ang nakakaalam na marunong ako. I-public na ito, hindi na ako mahihiya. Magkaalaman kung marunong talaga ako.’
“So from there, kasi minsan nagkaka-award po tayo. Pero totoo naman, ang nakapanood lang, jury at saka sa ibang bansa. Hindi mo rin siya puwedeng ipalabas sa public, di ho ba?
“Ito pong Roommate, kinabahan talaga akong gawin siya. Kasi, mamarkahan ka ng tao, e. Isa lang ang nasa isip ko. Basta yung tema at mensahe ko, maibigay ko sa kanila.
“At yung mga bata, mapalabas. Bonus na sa akin kung magka-project ako. Pero nakita kong dinudumog na din sila, and sooner or later, ang isa dito, Daniel Padilla na.
“Ang isa dito, Kathryn Bernardo na. Ang isang dito, ano na, di ba? Sobrang lakas na. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo.
“Bonus na lamang yung si Direk, magkaroon ng mas maraming project.”
Aspirational ang KathNiel tandem na matibay hanggang ngayon. Nabuwag na ang AlDub, JaDine, at LizQuen pero going stronger ang Kathniel.
Tanggap ba nina Jhassy at Heindrick ang tawag na Kathryn at Daniel ng Facebook?
Tugon ni Jhassy, “Actually it’s an honor po na matawag na ganun. Siyempre, alam natin, KathNiel na po yun, di ba? KathNiel na.
“And kami, nag-i-start pa lang. And then yung ibang tao, tawag sa amin, ganun. So, sobrang nakakatuwa na nakikita nila yung ganun sa aming dalawa.
“Kasi kami naman, hindi namin siya… honestly ako, hindi ko siya naiisip na ganun. Pero naiisip nila, sa amin yun. So very thankful and at the same time I’m very happy na ganun yung tingin nila sa amin.
“So naiisip namin, effective talaga kaming dalawa. Kasi kinikilig sila kapantay ng kilig nila sa KathNiel. Di ba, parang ganun po?”
Pag-ayon ni Heindrick, “Kaya thankful ako, e, kasi siyempre tama nga yung sinabi mo. Tapos na-appreciate nila tayo. So, sarap sa feeling ng ganun. Siyempre, why not, di ba?
“Kung yun ang tingin sa yo ng mga tao, nakaka-proud para sa sarili mo. Kasi ahh bukod dun, nakikita momna yung lahat ng hirap mo, pagod mo, may nangyayari.”
GORGY RULA
Nakakatuwa ang mediacon nitong Roommate na ginanap sa Luxent Hotel nung Sabado, February 4.
Nagkagulo ang entertainment press sa giveaways nilang sibuyas, bawang, at ilang delicacies ng Nueva Ecija.
Nagtiyagang magdala ang magulang ng isa sa main cast na si Beaver Magtalas na sina Konsehal ng Palayan City na sina Alvin Magtalas at Filipinas Magtalas ng ilang sakong sibuyas at bawang.

Beaver Magtalas
Sobrang natuwa ang reporters at vloggers na dumalo sa paghakot ng sibuyas at bawang. Sa sobrang mahal ng sibuyas sa palengke, parang ginto na ito at alam nilang ikattuwa ito ng mga reporters na dumalo kapag mabigyan sila ng sibuyas at bawang.
Produkto ng Star Hunt si Beaver Magtalas at nakagawa na siya ng isang pelikulang pambata, ang Genius Kids, na nagkaroon ng premiere showing nung nakaraang taon.
Read: Beaver Magtalas ng Star Hunt, standout sa 500 talents na nag-audition sa Genius Teens
Seventeen years old pa lang si Beaver kaya bago sa kanya itong ginawa niya sa Roommate dahil never pa raw niyang nagawang manigarilyo at uminom ng alak sa tunay na buhay. Kaya nagtanung-tanong pa raw siya sa ilang kaibigan kung ano ang tamang paghawak ng sigarilyo.
Doon na rin sa mediacon ng Roommate ay nabuking na meron palang nilulutong bagong project para kay Beaver kasama si Mutya Orquia.
Nagkasama sina Beaver at Mutya sa isang content na ginawa nila sa YouTube, at naging magkaibigan sila. Friends lang daw talaga sila ni Mutya kahit tinutukso-tukso sila ng mga kaibigan.
Ibinuking ni Direk Gabby na meron palang binubuong project na pagsasamahan nina Beaver at Mutya.
“Feeling ko meron silang dalawa ni Mutya. Feeling ko lang. Feeling ko, parang nabasa na yata yung script. Feeling ko lang,” napangiting pakli ni Direk Gabby.
Walang kamalay-malay si Beaver na may upcoming project palang posibleng pagsasamahan nila ni Mutya.
“Gustung-gusto ko po siyang ka-work since po friends nga po kami. And I think, maging natural po yung connection naming dalawa,” pahayag ni Beaver.
Sinubukan lang daw nina Direk Gabby itong FB serye kung tatanggapin ba ng mga netizens. Masaya siyang ibinalita sa mediacon na maganda ang resulta ng siyam na episodes ng Roommate.
“Kung hindi niyo po alam, sa mga oras pong ito, naabot na po ni Facebook… nasa 1M views na po tayo, at na-reach ko na po ang 600,000 watch hour. Ibig sabihin… at maganda rito marami na po akong stars.”
Masaya silang marami ang natuwa sa Roommate at inaabangan na ito kung magkaka-Season 2 ba pagkatapos ng siyam na episodes na ipinalabas sa Facebook.
“Hindi pa po talaga siya monetized. Itinray pa lang namin. Na-try lang po talaga namin. Nag-usap nga kami ni Kuya Mell [Navarro], ‘Kuya Mell… thank you, Kuya Mell.’
“Nag-try kami na hindi pa ito monetized, hindi pa ito ano. Pero yung team ko talaga, yung gusto ko talaga, yung mga taga-probinsiya, yung mga nagpi-Facebook, may inaabangan siyang kultura sa Facebook.
“Awa naman po ng Diyos, nahi-hit na po natin. It’s about time naman na marami pa ang makapanood, at sa mga filmmaker din, gawa din po tayo, puwede tayong gumawa ng ganito.”
NOEL FERRER
Gusto nating maraming ganitong opportunities para magtanghal ng talento at galing ng mga Pilipino. We wish all these new producers the best!
At talagang may basbas pa ito ni Madame President Imelda Papin, ha?! Sana, pagpalain ang proyektong ito at ang mga susunod pa.
