PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Hontiveros on Vivamax movie

Luis Hontiveros, gusto nang mag-focus sa ibang aspeto ng kanyang acting career.
by PEP Troika
Published Feb 23, 2023
luis hontiveros vivamx
Luis Hontiveros on doing nudity on screen: “[F]or the sake of showing, I’m not after that kind of role anymore po. I don’t think there’s something na I would have to prove in that department, I don’t think it will bring me any fulfillment or advancement sa aking karera po.”
PHOTO/S: @luishontiveros7 on Instagram / @plipfilms

GORGY RULA

Ayaw nang balikan ni Luis Hontiveros ang pelikulang ginawa niya sa Vivamax. Tapos na raw siya roon at gusto na raw niyang iba na ang focus niya sa kanyang acting career.

Sa nakaraang mediacong ng Sparkle, tinanong namin kung kaya pa ba niyang gawin uli ang daring scenes na nagawa niya sa pelikulang Palitan na ipinalabas sa Vivamax.

Read: Luis Hontiveros, natanggalan ng plaster sa foursome love scene sa Palitan

Ani Luis, “Right now po, I would say hindi po muna yan ang magiging focus ko sa career ko kasi I don’t wanna be branded na bilang sa ganung kategorya ng pelikula.

“I think, I have more to prove as an actor and nagawa ko na rin naman po yung side na yun. So, I wanna do more heavy roles in terms of drama and more challenging roles sa action.

“Yan po ang mga focus ko, and comedy kung pagpapalain. But sexy, I think, there would be some limits lang po, not on that level na parang yung previous po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang si Luis sa pelikulang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz.

Isang closet gay ang role niya roon na talagang nag-research daw siya sa buhay ng closet gay para magampanan niya iyon nang maayos. Isa sa pinag-aralan daw ni Luis ay ang best friend niyang dating closet gay, pero nag-out na ngayon.

“Yung best friend ko kasi, bading. Sabi ko, ‘Nung panahong pagka-closeta mo, paano?’ Naghanap talaga ako ng mga taong kakilala ko na may experiences na similar dito.

“Yung pagka-closet queen yung nahirapan ako, kasi I can’t go over the top na masyado akong flamboyant, and I can’t be too minimal na wala kang hint,” dagdag na pahayag ni Luis.

NOEL FERRER

Sakaling mabigyan si Luis ng isang magandang project na kailangan niyang maghubad, tatanggapin niya kaya ito?

“Depende po sa material, e. I think, parang medyo na-push lang sa akin yung pag-frontal nudity.

“Parang what’s the purpose of it over all sa pelikula? Would it make sense? Di ba po?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siguro kung tipong may ADHD tapos merong yung eksenang nakuhanan yung nakahubo’t hubad yung tao, mentally ill ka talaga, you’re unaware of what’s happening na, completely oblivious ganyan, then I think it would make sense.

“Pero for the sake of showing, I’m not after that kind of role anymore po. I don’t think there’s something na I would have to prove in that department, I don’t think it will bring me any fulfillment or advancement sa aking karera po,” sabi pa ni Luis.

Tama ang pananaw ni Luis. Pero ito na ba talaga ang nakatakdang maging karera niya habambuhay?

Okay na magpatuloy pang sa showbiz pero baka mas mainam na may iba pa siyang options.

JERRY OLEA

Pleasantly surprised ang mga badette at juding sa pa-schlong ni Luis sa Palitan na nag-streaming umpisa Disyembre 10, 2021.

Aksidenteng natanggal ang plaster ni Luis sa tubig kaya nag-hello multiverse ang kanyang phallus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang co-stars niya sa Palitan na sina Cara Gonzales, Jela Cuenca, at Rash Flores ay nagpatuloy sa paggawa ng Vivamax projects last year, pero si Luis ay hindi na.

Hindi lang si Luis ang ayaw nang maghubo sa Vivamax. Umayaw na rin sina Diego Loyzaga, Baron Geisler, at Paolo Gumabao.

Si Marco Gumabao, ang tagal na ring walang pa-wetpaks sa Vivamax, di ba?

Kung meron mang mga hubaderong tumigil na, maraming bago ang kapalit nila.

Waiting tayo kung bolder and more daring si Gab Lagman after Bula.

Sa Suki na streaming umpisa Pebrero 24, Biyernes, sa Vivamax, kapana-panabik ang payanig ni John Flores bilang macho dancer na si Adan. Di ba, Chad Kinis?!

Looking forward din tayo sa pagpapakitang-gilas ni Nikko Natividad sa Botox Beauty na streaming sa Vivamax starting March 10. Keri ba ni Nikko na magpa-Felix Bakat ala Joseph Marco? Dakila nawa ang sagot diyan.

Ang Seiko stud na si Leandro Baldemor, makisig pa rin sa edad 47. Iinom lang daw siya ng King Tut dietary supplement… tatagal na siya. King Tut-an pa more! ‘Lam na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pebrero 26, Linggo, ay streaming na ang una sa apat na episodes ng Vivamax series na Stalker, kung saan tampok sina Wilbert Ross, Rose Van Ginkel, Mark Anthony Fernandez, at Nico Locco.

Nakakalokah ang pa-genitalia ni Nico sa BL anthology series na Love At The End Of The World. Sa Vivamax ay pwetmalu lang siya sa mga seryeng An/Na at Lovely Ladies Dormitory.

Dito kaya sa bagong seryeng Stalker ay magpapasilip siyang muli ng manhood?

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Hontiveros on doing nudity on screen: “[F]or the sake of showing, I’m not after that kind of role anymore po. I don’t think there’s something na I would have to prove in that department, I don’t think it will bring me any fulfillment or advancement sa aking karera po.”
PHOTO/S: @luishontiveros7 on Instagram / @plipfilms
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results