PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache deadma kay Darryl Yap: "Worth it bang pansinin?"

Ang worth it ay ang mga ginawa niya for Oras de Peligro.
by PEP Troika
Published Feb 26, 2023
cherry pie picache at the advanced screening of Oras de Peligro
Ayaw patulan ni Cherry Pie Picache ang recent statements ng direktor na si Darryl Yap. Aniya, “Bakit, worth it bang pansinin?”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sangkatutak na parunggit at panlilibak ang ibinato kay Cherry Pie Picache matapos ang presscon ng pelikulang Oras de Peligro noong Pebrero 12, 2023, Linggo, sa Max’s Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Naramdaman ba niya na somehow humiliated siya by Direk Darryl Yap?

Worth it ba ang lahat ng ginawa niya para sa Oras de Peligro?

“I know it’s worth it,” sabi ni Cherry Pie sa Q&A matapos ang premiere screening ng pelikulang Oras de Peligro noong Pebrero 23, Huwebes, sa SM Megamall.

“Ahhmm, no, I don’t feel humiliated. I think ahh… I’m not the one who should feel humiliated...that’s it. Thank you,” napabungisngis na sambit ng multi-awarded actress.

“Ayoko nang magsalita," saka ito tumawa.

Bakit deadma na lang siya sa mga paninira sa kanya?

Kaswal na balik-tanong ni Cherry Pie, “Bakit, worth it bang pansinin?”

Kumusta siya these days, considering na magso-showing na ang Oras de Peligro sa Marso 1, Miyerkules, kasabay ang Martyr or Murderer ni Direk Darryl, kaya mas maingay? Mas mainit ang mga ganap!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“How do I feel? I’m just praying and I’m just hopeful and I’m proud, di ba, na nakagawa tayo ng isang pelikulang katulad ng Oras de Peligro,” lahad ni Cherry Pie.

“Ipapalabas sa March 1, ang tanging dasal mo, na maraming-maraming tao lalo na yung kabataan, ang makapanood nito, di ba? Basta importante yung totoo, kasaysayan.

"Di ba, na alam natin kasi dun tayo natututo. Di ba, dun natin malalaman ang direksiyon natin kung saan tayo patungo.

“Dun natin malalaman yung mga bagay na hindi na natin dapat ulitin. Bantayan! Yung ganun.”

Nagkaiyakan sila nina Mitch Valdes, Jim Paredes, at Direk Joel Lamangan habang nanonood ng Oras de Peligro.

“Grabe! Kasi di ba, I’m sure, unang-una, nagpapasalamat sila dahil nagawa ang pelikula,” saad ni Cherry Pie.

“Pangalawa, I’m sure it brought back so much nostalgic memories, especially for them. Nasa frontline sila na lumaban.

“Sila yung mga Artista ng Bayan noong araw na talagang lumalaban. So I’m sure, di ba? Tapos, I’m sure nami-miss nila si Danny [Javier].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabayan ni Cherry Pie ang pag-iyak ng karakter niyang si Beatriz sa Oras de Peligro. Natatawang sabi ng aktres, “Naiyak nga ako, e. Sabi ko, ‘Si Beatriz, iyak nang iyak!’ Hahahaha!”

Naramdaman niyang buo pa rin ang suporta at respeto sa kanya ng mga kasamahan sa industriya sa kabila ng mga ipinupukol sa kanya?

Napangiti nang matiwasay si Cherry Pie, “Oo naman.”

NOEL FERRER

Natawa ako nang sabihin ni Cherry Pie na si Beatriz, ang karakter niya sa pelikula, ay iyak nang iyak.

Ibig sabihin, ganun kamulat si Pie na maramdaman na sana si Beatriz bilang representasyon ng nga Pilipino ay mas maging matapang pa!

Sana nga, kapag napanood ng mga kababayan natin ang pelikulang Oras de Peligro ay lalo pa silang mamulat at tumapang at magkaroon ng boses para ipahayag ang kanilang saloobin hindi lang sa mga personal na bagay kundi sa ating kundisyong panlipunan .

GORGY RULA

Totoo talaga! Sana nga, worth it ito lahat. Sana, kahit paano ay magagawa naman ang Oras de Peligro na maipamulat sa mga kabataan kung ano talaga ang totoong nangyari nung Pebrero 1986.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi nga ni Marlo Mortel na sinasabi niyang hindi siya nakikialam sa isyung pulitika, sana yung totoo lang daw ang ilalahad at mapapanood nilang mga kabataan kung ano talaga ang nangyari.

Ginawa raw niya ang musical film nilang Ako Si Ninoy na wala raw talaga siyang alam kung ano ang totoong nangyari. Tinanggap lang daw niya ito dahil trabaho lang.

“For me of course, gusto ko talaga, it’s based on facts. So kung based on facts ang ipinakita dito sa Ninoy, sa libro, nasa history natin, why not?

“Open-minded ako dito. Basta ginawa ko for the arts, for work,” pakli niya.

Hindi kagaya kay Cherry Pie Picache na alam niya ang buong pangyayari, naging bahagi siya sa ipinaglalaban natin nung 1986. Kaya hindi lang bilang artista kundi bilang isang mamamayang Pilipino.

“Sixteen pa lang ako noon pero ano, nasa EDSA pa rin kami. Annapolis to be exact,” pagbabalik-tanaw ni Cherry Pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikinukuwento ko yun sa anak ko. Tapos sabi ko sa kanya, ‘Totoo yun, yung tangke na nag-aabutan ng rosaryo, ng tinapay, bulaklak.'

“Dun mo makikita, di ba, how united the Filipinos were…”

Matindi ang makakatapat ng Oras de Peligro sa March 1 dahil may sapat na pondo at may kapangyarihan.

Nung Sabado, February 25 ng gabi, nagkaroon ng isang malaking pagtitipon sa isang malaki at magarang bahay sa San Juan.

Nagkasama-sama kaya sila sa nasabing Loyalty Party para magbigay suporta sa showing ng pelikulang Martyr or Murderer sa March 1?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw patulan ni Cherry Pie Picache ang recent statements ng direktor na si Darryl Yap. Aniya, “Bakit, worth it bang pansinin?”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results