GORGY RULA
Ilang linggo na ring pinaghandaan ng mga Kapamilya stars ang ABS-CBN Ball na gaganapin ngayong Setyembre 30, 2023, Sabado ng gabi ,sa Makati Shangri-La.
Nung nakaraang linggo ay nag-fitting na si Lorna Tolentino kay Paul Cabral para sa gown na isusuot niya sa naturang ball.
Read: Lorna Tolentino ini-reveal ang nag-iisang aktres na nagtaray sa kanya
Ayaw ni Lorna nang pa-bongga talaga, basta simple lang daw ang gusto niya.
Sabi ni Paul, black na off-shoulder gown ang ginawa niya kay Lorna na may accent lang daw na lilac.
Si Paul din ang gumawa ng gown na isusuot nina Maricel Soriano at Cory Vidanes, pati ang suit ni JC de Vera.
Read: Maricel Soriano unbothered by newbies who ignore veterans: "Hindi ko naman kayo kilala."
Si Ruffa Gutierrez naman ay kinukulit na ng ilang entertainment press sa nakaraang birthday party ni Senator Bong Revilla kung ano ang isusuot niya.

Ang ganda niya sa black gown na suot niya sa party, kaya mas lalong na-intriga ang press sa isusuot niya sa ABS-CBN Ball ngayong gabi.
Nakapag-fitting na raw si Ruffa kay Rajo Laurel, at napangiti na lang ito nang tinanong siya kung may pasabog ba siya sa isusuot na gown.
Read: Ruffa Gutierrez gifts herself with brand-new car worth more than PHP3M
Ayaw niyang sabihin kung ano ang istilo ng gown at kung ano ang color, pero may nagbulong sa aming may pagka-revealing ito.
"Hahaha! Secret. Just wait and see sa event na mismo," bulalas ni Ruffa.
"But I'm excited to attend. Actually, I'm invited to so many events, but I hardly go to any of them because I'm super busy taking up my masters in communication arts at PWU, busy with tapings.
"I also have a new secret show that I taped that will air beginning of 2024," sabi pa ni Ruffa.
Gusto lang daw niyang i-enjoy ang malaking event dahil makakasama niya roon ang mga co-stars sa bagong teleserye na Can't Buy Me Love, na pagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Read: DonBelle headlines Can’t Buy Me Love cast
NOEL FERRER
"Forever Grateful" ang tema ng ABS-CBN Ball na gaganapin sa Makati Shangri-La mamayang gabi for the benefit of the ABS-CBN Foundation.
Na-postpone ito at magaganap at a time when our Kapamilyas are lording it over ang mga collabs in different platforms, lalo na sa online.
Ako, aabangan ko rin ang pagsasama ng mga matagal nang di nakikita sa TV, like my ward Iza Calzado at ang mahal nating Judy Ann Santos-Agoncillo.
Read: Iza Calzado, kabilang sa umaasang maipasa ang Eddie Garcia Bill
Balitang nag-confirm din ang mag-amang Gozon—Tito Henry, a.k.a. Felipe Gozon, at Annette.
At aabangan natin kung a-attend din ang Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema na Rewind.
Kahit na nafo-FoMO (Fear of Missing Out) ako dahil may iba akong ganap mamaya, I wish all our Kapamilyas to have fun and celebrate!!! Enjoy!!!
JERRY OLEA
Nagsabi si Marian sa Solmux Advance Jam noong Setyembre 16, sa SM North EDSA The Block, na may naka-schedule silang shooting ni Dingdong para sa Rewind.
Tingnan natin kung magawan ng paraan na um-attend sila.
Dumalo ang Kapamilya executives sa GMA Gala 2023 noong Hulyo 22, Sabado, sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Nakakatuwa pag nagkakasama-sama ang mga Kapamilya at Kapuso.
For this week, pangatlong beses na itong Forever Grateful: The ABS-CBN Ball 2023.
Una, sa 57th bday celebration ni Sen. Bong Revilla noong Setyembre 25, Lunes, sa Okada Manila, Parañaque City.
Pangalawa, sa studio ng It’s Showtime sa ABS-CBN Compound, Quezon City, noong Setyembre 29, Huwebes.
Nakasama ng It’s Showtime hosts sina ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes at GMA Senior Vice president for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Annette Gozon-Valdez sa pagbati sa audience at manonood.
Kasama rin nina Cory at Annette sina ABS-CBN Head of Non-Scripted Formats TV production Lui Andrada, Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo, Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia, Janna Revilla, at Carmina Cruz.
At ngayong Sabado night, itong ABS-CBN Ball 2023 sa Makati Shangri-La.
Star-studded ang ABS-CBN Ball, pero bukod sa pagiging glamoroso ng okasyon, isa ring makabuluhang pagtitipon ang Ball na nakakatulong sa ABS-CBN Foundation upang patuloy na makapaglingkod sa mga Pilipino.
Parte ng proceeds mula sa Ball ay ibinibigay sa socio-civc arm nng network.
Sabi ni ABS-CBN Foundation Managing Director Roberta Lopez-Feliciano sa isang panayam sa ABS-CBN News, “Super malaking tulong. Ang laki ng donation galing sa stars and attendees. Yung pera na iyan, we save it para magamit sa magandang purpose."
Sa pagbabalik ng ABS-CBN Ball pagkatapos ng apat na taon, magiging beneficiaries nito ang limang adbokasiya ng Foundation na disaster risk reduction and response (Sagip Kapamilya), child welfare and protection (Bantay Bata 163), education (Programa Genio), environmental conservation (Bantay Kalikasan), and livelihood and social entrepreneurship (Integrated Area Development).
Ngayong taon, may kapangyarihan din ang taumbayan na magbigay ng tulong sa Foundation, habang sinusuportahan ang kanilang mga paboritong Kapamilya stars sa pamamagitan ng online voting para sa People’s Choice Stars of the Night, People’s Choice Power Couple of the Ball, at Star Magic Fan Favorite.
Para bumoto, pumunta lang sa KTX website at piliin ang Kapamilya stars na gustong suportahan (PHP100 = 100 votes. PHP200 = 250 votes). Matatapos ang pre-ball voting sa Setyembre 30, 9 p.m.
Puwede ring bumoto ang fans habang nanonood ng livestream ng ABS-CBN Ball red-carpet special sa Setyembre 30, mula 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m., sa YouTube Super Chat ng ABS-CBN Entertainment o Metro Style YouTube channel.
Para bumoto, kailangan lang i-type ang category at pangalan ng artist sa comments section ng livestream (PHP1 worth of Superchat = 1 vote).
Huwag palampasin ang red-carpet livestream ngayong Sabado, Setyembre 30, 6 p.m., sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, Metro Style YouTube channel, Metro Channel, iWantTFC, at TFC.
Hosts ng red carpet special sina Bianca Gonzalez-Intal at Edward Barber, habang special correspondent si Gretchen Fullido.
