PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolong cast and their roles in the series

May gusto ka bang kasama sa season 2?
by Nica Jose
Published Mar 31, 2023
Lolong main cast Arra San Agustin, Rur Madrid, Shaira Diaz, Paul Salas
The Lolong cast took the television scene by storm, and is ready for season two. Cast from left to right: Arra San Agustin, Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Paul Salas.
PHOTO/S: PR

Contrary sa pagbibiro ng ilang netizens, hindi umiikot ang istorya ng Lolong sa isang giant crocodile.

Tampok dito ang extraodinary friendship ng isang binata at isang hayop.

Sa season 2, isasama sa story ang mga environmental issues, gaya ng global warming, climate change, at ang extinction ng iba't ibang species.

Kilalanin natin ang mga baguhan at batikang stars na nagbigay-buhay sa mga characters sa series na ito.

Lolong cast

Lolong Candelaria

Ruru Madrid top-bills the series.

Gumanap siya rito bilang si Lolong, isang magniniyog na mayroong kaibigang nagngangalang Dakila, isang higanteng buwaya.

Bukod dito, may angking galing din siya sa pagpapagaling ng kanyang mga sugat.

Elsie Domiguez

Si Shaira Diaz naman ang gumaganap bilang si Elsie, ang kababata ni Lolong.

Bilang residente ng Tumahan, mayroon siyang malalim na pagmamahal sa lugar pati na rin sa kalikasan.

Bokyo

Isa ring magniniyog ang role ni Mikoy Morales sa katauhan ni Bokyo, also known as Victoriano Dela Cruz. Matagal na rin siya sa trabahong ito kaya hindi nakapagtatakang naging malapit silang magkaibigan ni Lolong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Albert Dominguez

Also known as Boss Abet sa kanyang mga tauhan, si DJ Durano ang gumaganap na may-ari ng niyugan, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho sina Lolong at Mikoy.

Bella Melendez

Isang travel vlogger naman ang role ni Arra San Agustin sa series na ito.

Si Bella ay nagko-cover ng mga kaganapan sa iba't ibang lugar, gaya ng Tumahan, kung saan marami siyang madidiskubre.

Governor Armando Banson

Si Christopher de Leon ang magbibigay-buhay sa makapangyarihan ngunit tusong karakter na ito.

Masasabing isa siya sa mga pangunahing dahilan ng pagkawala ng mga buwaya sa lugar nila.

Donatella Banson

Kung may personified version ang saying na "behind every man is a woman," ito ay si Donatella sa series na ito.

Jean Garcia portrays Dona, ang asawa ni Armando na siyang tunay na pasimuno sa mga iniuutos ng gobernador.

Martin Banson

Si Paul Salas ang gaganap bilang si Martin, ang anak nina Donatella at Armando.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng ibang anak na abala ang mga magulang sa maraming bagay, sabik si Martin sa kanilang pagmamahal.

Kapitana Dolores

Punong barangay naman ang role ni Maui Taylor sa series na ito.

Dahil sa kanyang ambisyong magkaroon pa ng mas mataas na katungkulan bilang pulitiko, at mas sumikat pa, minabuti niyang mapalapit sa mag-asawang Banson.

Marco Mendrano

Gaganap si Marco Alcaraz bilang isang opisyal na taliwas sa mga prinsipyo ni Kapitana Dolores.

Naniniwala si Marco sa potensiyal ng Tumahan na para makaahon sa hirap at makaranas ng tunay na pagbabago at mas maliwanag na kinabukasan.

Narsing Candelaria

Tiyuhin o ama-amahan naman ni Lolong ang magiging role ni Bembol Roco rito.

Bilang guardian na gumagabay sa binata, malaki ang impluwensiya ni Narsing sa paniniwala at ugali ng bida.

Isabel Candelaria

Si Isabel, ang karakter ni Malou de Guzman, ay katuwang ni Narsing sa pagpapalaki kay Lolong.

Bilang tiyahin ng binata, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala kay Lolong na gawin ang nararapat at nakabubuti hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa nakararami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karina Marabe

Si Rochelle Pangilinan ang gaganap bilang may-ari ng patahiang matatagpuan sa Tumahan. May kumakalat na sabi-sabing puno ito ng mga misteryo at kababalaghan.

Lolong bonus cast

Featured din sa Lolong ang ilang celebrities na nagkaroon ng showbiz comeback, tulad nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor bilang sina Gloria Candelaria at Raul Candelaria, respectively.

Kasama rin sa cast sina Ryan Eigenmann as Delfin, Rafael Rosell bilang si Father Reyes, Mon Confiado as Luciano, Thea Tolentino bilang si Celia, Pokwang as Coring, Lucho Ayala bilang si Victor, Vin Abrenica as Diego, Luke Conde bilang si Benjo Dominguez, at Alma Concepcion as Ines Candelaria.

Abangan ang season 2 ng adventure-drama series.

Noong inanunsiyo ito in September 2022, a week before the finale which was aired on September 30, binanggit na malaki ang "requirements ng graphics" kaya imbes na i-extend ay magkakaroon na lang ng season.

Ang balita ng PEP Troika ay nililigawan ang “nagpatumba” kay Cardo Dalisay sa makasaysayang FPJ’s Ang Probinsyano para maging bahagi ng cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Lolong cast took the television scene by storm, and is ready for season two. Cast from left to right: Arra San Agustin, Ruru Madrid, Shaira Diaz, and Paul Salas.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results