JERRY OLEA
Tinuhog ng karakter ni Teejay Marquez sa pelikulang G! LU ang isang magdyowa. Kumusta ang pakikipaghalikan niya sa kanila?
“Magdyowa, puwede namang babae-babae ang magdyowa, ah?!” napapangiting sambit ni Teejay sa mediacon noong Abril 17, 2024, Miyerkules, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Pasay City.
Hindi, ah?! Lalaki at babae ang couple na tinuhog ng karakter niya! O puwedeng lalaki at lalaki ang magdyowa?
Read: Teejay Marquez proud of his gay roles in films, BL series
“Puwede din! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero abangan niyo yon, pero ako naman… nakakatuwa kasi magdyowa yung dalawa,” lahad ni Teejay.
“Tapos na-realize ko nung binabasa ko [yung script], ‘Teka lang! Makakahalikan ko kayong dalawa, ah?!’
“So, hindi ako ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ngayon, ha? Hiwalay na sila. Ha! Ha! Ha! Ha!
“But nung panahong yun, sila pa. So, sabi ko, pag-uwi ko ng Manila, natuhog ko yung dalawa.
“Blind item! Sino itong magdyowa dati, hiwalay na ngayon dahil… wala lang. Kasama sa pelikula, natuhog ko. Natikman? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Tinilian ng audience ang kissing scene ni Teejay sa kapwa aktor sa premiere ng G! LU nitong Abril 21, Linggo ng gabi, sa Cinema 9 ng SM Megamall.
Mapapanood ang G! LU sa mga sinehan umpisa Miyerkules, Abril 24.
Bida rin dito sina David Licauco, Ruru Madrid, Enzo Pineda, Derrick Monasterio, at Kiko Estrada. Nasa cast din ng G! LU sina Carl Guevarra, Ken Anderson, at Denver Hernandez.
Ang direktor at scriptwriter ay si Philip King.

(From left) Enzo Pineda, David Licauco, Katarina Rodriguez, Derrick Monasterio, and Teejay Marquez
NOEL FERRER
Gay son ni Beauty Gonzalez ang papel ni Teejay sa pelikulang After All na nag-showing noong Pebrero 28 sa mga sinehan.
Last gay role na bang mapapanood sa kanya itong G! LU?
Read: Teejay Marquez, ini-enjoy ang pagganap sa gay roles; keber sa negative comments
“Siguro lahat ng lumabas ngayon kasi, na-shoot ko noong 2021, kasagsagan ng BL,” sey ni Teejay.
“Ngayon namang taon na ito, parang wala pa naman akong natanggap ulit maliban dun sa ginawa kong MMFF 2023 entry na Broken Hearts Trip.
“So thankful naman ako sa Makiling, hindi naman ganun yung role ko. But kung mabibigyan pa rin naman ako ng ganung karakter, as long as maganda yung istorya, tatanggapin ko naman basta alam ko naman na worth it.
“Pero hindi lang ako tatanggap basta-basta dahil lang ako yung choice, dahil kaya ng ibang gawin yan.
“Siguro mamimili ako dahil siyempre gusto ko rin naman na hindi isipin ng tao na yun lang ang gusto kong gawin.
“Ang dami pang role na gusto kong gawin. Gusto kong maging superhero, gusto kong malagay sa action. Gusto kong malagay sa Black Rider.
“So, alam mo yun. Kung ganitong role lagi ang kukunin ko, baka mamaya, lumayo sa akin yung mga ganung klaseng opportunity.
“But hopefully, sana makagawa tayo.”
Si Teejay Marquez na ba ang bagong Christian Bables na may pagta-typecast sa mga gay roles?
Oh well, hintayin din muna nating i-temper pa ni Teejay ang acting niya at tanghalin siyang best actor like Christian, di ba?
Read: Christian Bables open-minded sa same-sex relationship
GORGY RULA
Pawang batak sa pagwo-work out ang mga bidang lalaki sa pelikulang G! LU, na nagsyuting sa dalampasigan ng La Union.

(From left) Teejay Marquez, Ruru Madrid, David Licauco, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, and Kiko Estrada
May pressure ba kay Teejay na kailangang bortalicious din siya? Na-conscious ba siya?
“Nung wala pa ako sa shoot, feeling ko, ang ganda-ganda na ng katawan ko. Kasi araw-araw akong nagwo-workout nung nalaman ko yun, e,” sabi ni Teejay.
“Pagdating sa set, talagang mai-insecure ka talaga! Kasi kahit sila mismo na ang gaganda na ng katawan, nai-insecure din sila.
“Mas maganda ang katawan mo ngayon, hindi ka na kakain! Nagsisilipan!
“Pagkagising pa lang sa umaga, ‘Bro, parang pumayat ka?!’ Tatakbo agad yun. Magdyi-gym agad. Nakakatawa! May healthy competition.”
Read: David, Teejay, Derrick, and Enzo believe G! LU summer 2024 release is "perfect timing"
Kanino siya mas na-insecure sa ganda ng katawan — kay Ruru Madrid, Derrick Monsterio, David Licauco, Enzo Pineda o Kiko Estrada?
“Lahat sa kanila, lahat sa kanila. Feeling ko, noong bago ako pumunta sa set, ang ganda na ng katawan ko,” tugon ni Teejay.
“After nung shoot namin, sabi ko sa sarili ko, ‘Magwo-workout pa ako!’ Ha! Ha! Ha!” At least, na-push silang lahat na pagandahin pa ang kani-kanyang katawan.
“Yes! Kasi, talagang lahat naman nung mga panahong yun, talagang siyempre ahhh gusto nilang maipakita yung best version ng sarili nila,” sambit ni Teejay.
“And makikita mo naman na nag-e-enjoy and natutuwa na nakaka-inspire kami sa isa’t isa.”
