Detach Video
This Week In Showbiz: Bea-John Lloyd sa El Nido, pag-photobomb ni Kim kay Glaiza, at aksidente ni Eddie Garcia
Jun 14, 2020

Kahit na may mga nakakatuwang balita nung linggo ng June 8 to 14, 2019, binulabog din ang showbiz ng isang nakakalungkot na balita.

SAD NEWS STARTS THE WEEK

NOON: June 8 nang i-report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aksidenteng naganap sa set ng noo'y upcoming Kapuso teleserye na Rosang Agimat.

Ang involved sa aksidente ay ang multi-awarded veteran actor and director na si Eddie Garcia.

Unang nai-report na inatake ito ng heart attack sa set kaya natumba, ngunit nalinaw rin agad na dahil sa sa isang kable sa set ng teleserye kaya ito nadapa.

Nagkaroon ng neck injury ang beteranong aktor dahil dito at na-comatose.

NGAYON: Binawian ng buhay si Eddie nung June 20 matapos na ma-comatose sa ospital.

Sa resulta ng imbestigasyon ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR), may mga nilabag na probisyon sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Law ang GMA Network.

Pinagmumulta ng PHP890,000 ang GMA-7 at anim pang pribadong kumpanya dahil sa nabanggit na paglabag.

Kasalukuyang may apela ang Kapuso Network sa tanggapan ng DOLE Secretary Silvestre Bello III.

May nakasumite na ring panukala sa Kongreso para maipasa ang Eddie Garcia Act o House Bill 0181 na naglalayon na magkaroon ng sariling OSHS law para sa mga nagtatrabaho sa TV, film, at theatre industries.

BEA-JOHN LLOYD TEASE FANS

NOON: Nanguna naman sa most-read articles sa PEP.ph nung linggong iyon ang "spotted" news tungkol kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Huling nagtambal sa pelikula sina Bea at John Lloyd sa A Second Chance nung 2015, ngunit pinakanatatandaan sa kanila ng fans ay ang roles nila bilang Basha at Popoy sa One More Chance nung 2007.

NGAYON: Bahagi pala ang pagkikitang iyon nina Bea at John Lloyd ng isang ad para sa isang shawarma brand.

Nagkasama pa uli sa dalawang proyekto sina Bea at Lloydie nitong pagpasok ng 2020.

Una ay nang mag-live table read sila sa isang event sa Makati.

Ang script ng blockbuster 2015 movie ni Director Antoinette Jadaone na That Thing Called Tadhana ang binasa nila sa harap ng mga nagsidalo sa event na yun.

Naging bahagi rin sila ng experimental film project ni Direk Antoinette na Unconfined Cinema presents "Love Team" na na-shoot ang kabuuan sa Instagram.

GLAIZA'S CUTE PHOTOBOMBER

NOON: Kabilang sa mga dumalo sa fan meet sa Manila ng South Korean all-girl group na BlackPink sina Glaiza de Castro at Kim Chiu.

Fan mode si Glaiza noon na kumukuha ng video ng paborito niyang Korean girl group nang biglang sumama sa video niya si Kim na kumukuha rin ng sarili niyang video ng grupo.

Nang ma-post na ni Glaiza sa kanyang Twitter ang video, agad na nagkomento si Kim at nag-apologize.

Sabi naman ni Glaiza, " "Ano ka baaa ang cute mo kayaaaa"

Maraming fans nila ang natuwa sa palitan na ito ng Kapuso at Kapamilya stars.

Bukod sa pagiging parehong fans ng BlackPink, pareho rin silang kaibigan ni Angelica Panganiban.

NGAYON: Kabilang pa rin sa circle ng matatalik na kaibigan ni Angelica sina Glaiza at Kim.

Mahilig mag-post si Angelica ng video ng travels nila ni Glaiza sa kanyang Instagram.

Mga gimik naman kasama sina Kim at Bela Padilla ang pino-post din ni Angelica sa IG. Binansagan ng fans na "AngBeKi" ang barkadahan nilang tatlo.

ALDUB FANS WORRY

NOON: Pinabulaanan ni Jose Manalo na pinaghihiwalay ng Eat Bulaga ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na AlDub.

Sabi ni Jose, madalas lang magkahiwalay sina Alden at Maine dahil binibigyan sila ng sari-sariling portion sa programa.

Nakadama kasi ng pag-aalala ang fans ng AlDub dahil hindi na sila gaanong nakikitang magkasama.

Dinagdagan pa ng pagkumpirma nina Maine at Arjo Atayde na sila nga ay exclusively dating.

NGAYON: Ipinagdiwang nina Maine at Arjo ang kanilang first anniversary bilang couple nung December 2019. Patuloy silang in love sa isa't isa at tanggap na rin ng karamihang fans ang relasyon nila.

Magkasama pa rin sa Eat Bulaga sina Alden at Maine. Hindi na bilang love team na Alden at Yaya Dub sa KalyeSerye, kundi bilang mga mahuhusay na TV hosts.

JIMMY HATES...

NOON: Kilalang kritiko ng ABS-CBN si Jimmy Bondoc, katulad ng karamihang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Independence Day post, ikinonekta ni Jimmy ang pagkakaroon ng kalayaan sa responsable at fair na pagbabalita.

Hindi man niya direktang pinangalanan, malinaw na ang tinutukoy niya ay ang ABS-CBN, base sa ni-repost niyang artcard ng pahayagang Philippine Star at ang balitang "frozen" sa Kongreso ang batas o bill na magre-renew ng broadcast franchise ng Kapamilya station.

NGAYON: Patuloy sa pagiging kritiko ng ABS-CBN si Jimmy. Huling kontrobersiyal niyang post na nabalita sa PEP.ph ay nang i-repost niya ang isang advisory mula sa ABS-CBN News and Current Affairs.

Sabi sa advisory, magpapatuloy ang pagbabalita ng ABS-CBN sa pamamagitan ng online platforms at cable channels nito.

Lumabas ang advisory, dalawang araw matapos ang huling broadcast nito dahil sa cease and desist order ng National Telecommunication Commission ang Kapamilya network.

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results