Sinagot ba ni Devon Seron ang "How's your day?" post ni Heaven Peralejo sa Instagram?
Ito ang katanungan ng netizens na nakabasa sa magkahiwalay na posts nina Heaven at Devon nitong nakalipas na dalawang araw.
Noong Lunes, August 16, nagbahagi si Heaven ng dalawang larawan niya sa Instagram.
Sa caption ay tila kinumusta niya ang kanyang followers: “How’s your day?”
View this post on Instagram
Sa kabila ng napakapositibong post ni Heaven, inulan pa rin ito ng negatibong komento.
Mababasa rito ang maraming “snake emojis,” na tila patungkol sa alegasyong inagaw diumano ni Heaven ang nobyo nito ngayong si Kiko Estrada mula kay Devon.



Dahil dito, in-off ni Heaven ang comments section sa kanyang post.
DEVON IS "DOING GREAT"
Kagabi, August 17, nag-post naman si Devon sa Instagram ng black and white photo niya.
Caption ng aktres: “I’m doing great, sweetie.”
View this post on Instagram
Kapansin-pansin na ang caption na ito ni Devon ay akmang sagot sa tanong ni Heaven sa kanyang post.
Pero wala namang direktang tinukoy si Devon kung para kanino ang kanyang caption.
Sa comments section ng post ni Devon, positibo ang karamihan ng komento ng kanyang followers.


March 2015, umingay ang balitang hiwalay na sina Devon at Kiko.
Ang itinurong third party diumano ay si Heaven, na kasamahan noon ni Kiko sa teleseryeng Bagong Umaga ng ABS-CBN.
Mariin itong pinabulaanan ni Heaven. Hindi raw siya ang dahilan ng breakup nina Kiko at Devon.
Sabi pa niya sa kanyang inilabas na statement: “I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.
“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.
"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”
April 2021, inamin ni Kiko sa isang panayam na single na siya.
June 2021, namataang magkasama sina Kiko at Heaven sa Boracay.
Noong mga panahong iyon, nananatiling tikom ang kanilang mga bibig ukol sa totoong estado ng relasyon nila.
July 2021, namataang magkasama sina Kiko at Heaven sa isang handaan sa bahay ng Kapamilya actress.
At nitong August 2021, umamin ang dalawa na mayroon na nga silang relasyon.
