Did Diego Loyzaga react to blind item involving girlfriend Barbie Imperial?

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2021
Diego Loyzaga cryptic post Barbie Imperial chillin
Diego Loyzaga to girlfriend Barbie Imperial: "Don't get caught up in all that noise. It's just noise."
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga on Instagram

Isang cryptic post ang ibinahagi ni Diego Loyzaga sa kanyang Instagram ngayong Miyerkules, November 17.

Mahihinuha sa kanyang mensahe na hindi sila apektado ng girlfriend niyang si Barbie Imperial sa ingay na nagaganap ngayon dahil aniya, "It's just noise."

"Chilllin" lamang daw sila at nag-e-enjoy sa kanilang buhay.

Buong mensahe ni Diego: “Dont get caught up in all that noise. Its just noise.

“My baby gurl and I are chilllin [face with sunglasses emoji]

“So sit back, relax, enjoy life.”

Nagkomento rito si Barbie at sinabing, "Aww mahal ko... i love you"

View this post on Instagram

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

THE BLIND ITEM

Inaakala ng mga nakabasa ng cryptic post ni Diego na ito ang sagot ng aktor sa pinag-uusapan ngayon ng mga “Marites” o mga tsismosa sa social media ukol sa pagdadawit ng pangalan ni Barbie sa isang blind item.

Kagabi, November 16, trending topic sa Twitter ang blind item na pinakawalan ni Christian Alberth “Xian” Gaza, self-declared lalaking Marites, tungkol sa third party umano sa hiwalayan ng sikat na social na influencer at ng nobya nito.

Continue reading below ↓

Pinahulaan ni Xian sa lagpas 500K followers niya sa kanyang official Facebook page kung sino ang "Star Magic artist" na nahuling kayakap umano ng nobya ng "sikat na influencer" sa isang hotel room.

Narito ang buong "blind item" ng nagpapakontrobersiyal na si Xian:

“SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?!

“ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL... AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK.

“AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA!

Continue reading below ↓

“OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??”

Na-screenshot ito ng ilang netizens at ibinahagi sa kanilang timeline kung saan may mga nanghula kung sino ang tinutukoy sa blind item.

Ngayong linggo ay kinumpirma ng cosplayer-gamer na si Alodia Gosiengfiao na break na sila ng vlogger-social media influencer na si Wil Dasovich.

Continue reading below ↓

Hindi sinabi ni Alodia kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.

Kaagad na inugnay ng ilang netizens ang pangalan nina Alodia ("nobya") at Wil ("sikat na influencer") na siya umanong tinutukoy sa blind item.

Hula naman ng ilang netizens, ang tinutukoy umanong "Star Magic artist" ay si "Barbie Imperial."

Diego Loyzaga cryptic post

Continue reading below ↓

Lalo pang nagkaroon ng pagdududa na ang aktres ang laman ng blind item dahil sa pasaring na ito ni Xian sa isa pa niyang post: “Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial.”

“VERY STRONG RELATIONSHIP”

Kagabi ay inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong interview kina Barbie at Diego mula sa presscon ng kanilang unang pagtatambal sa pelikula, ang Dulo, na ipalalabas sa Vivamax.

Continue reading below ↓

Headline ng ulat ng Cabinet Files: “Diego Loyzaga, nakikita si Barbie Imperial na magiging ina ng kanyang mga anak

Ni-repost ni Xian ang screenshot ng PEP.ph report sa kanyang Facebook account.

Caption niya rito: “HOW SWEET NAMAN... VERY STRONG RELATIONSHIP.”

Ngayong Miyerkules ng hapon, tila may patama naman si Xian kay Diego.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa kanyang Facebook status: “Just woke up. Magandang araw po sa lahat except kay Diego Loyzaga.”

Sinundan pa niya ito ng tanong kay Diego tungkol kay AJ Raval.

Ani Xian, “Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?”

Continue reading below ↓

Si AJ ay karelasyon ngayon ni Aljur Abrenica.

Si Xian ay unang nakilala ng publiko dahil sa kanyang coffee invitation sa aktres na si Erich Gonzales via electronic billboard.

Si Xian, na isa ring self-confessed scammer, ay nakulong noong 2018 dahil sa usapin ng pera.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga to girlfriend Barbie Imperial: "Don't get caught up in all that noise. It's just noise."
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results