PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP YEARENDER 2021: Young celebrity feuds

The issue involving Devon-Kiko-Heaven dragged on for months.
Published Dec 30, 2021
PEP Yearender 2021: Young celebrity feuds, AJ Raval, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Devon Seron, Heaven Peralejo
The alleged third party issue involving Devon Seron, Kiko Estrada, and Heaven Peralejo as well as the word war between Barbie Imperial and AJ Raval make it to PEP YEARENDER 2021: Young celebrity feuds.

Sa harap ng sari-saring kontrobersiyang yumanig sa showbiz industry ngayong taon, isa sa matiyagang tinutukan ng marami ang mga parunggitan, sagutan, at alitan sa pagitan ng ilang young celebrities.

Tulad ng isang aktres na naghamon nang mapikon sa pananahimik ng kapwa niya young star matapos silang kapwa masangkot sa maintrigang post ng isang social media personality.

Nariyan din ang isyung hiwayalan ng isang longtime couple. Nasangkot pa ang dalawang artista, na ang magkasunod na makahulugang tweets ay nagmistulang blind item sa pasimpleng pagbubulgar sa pagiging third party ng isang katrabaho.

Mayroon namang nag-trending sa social media dahil sa pag-aaway sa peanut butter.

Samantalang isang isyung nangyari isang dekada na ang nakalipas ang muling nabuhay dahil sa kawalan daw ng closure sa pagitan ng isang dating magkarelasyon.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang apat na alitan ng young celebrities na idinaan sa social media kaya roon din tinutukan at pinagpiyestahan ng publiko ngayong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1. BARBIE IMPERIAL VS AJ RAVAL

Dahil sa 26-year-old actor na si Diego Loyzaga, nagkaroon ng iringan sa pagitan ng young actresses na sina Barbie Imperial, 23, at AJ Raval, 21.

May kinalaman ito sa Facebook post noong November 16, 2021 ng social media personality na si Xian Gaza.

Inili-link ni Xian si AJ sa aktor na si Diego, na boyfriend naman ni Barbie.

Akusa ni Xian, pinuntahan daw ni Diego si AJ sa bahay ng huli sa Pampanga kahit pa naghihintay sa Manila ang girlfriend nitong si Barbie.

Sa isang panayam ni Boy Abunda noong November 28, 2021, ipinagdiinan ni Barbie na “hindi totoo” na pinuntahan ni Diego si AJ sa Pampanga.

Ang video nina Diego at AJ na inilabas ni Xian ay kuha raw sa shooting ng pelikulang pinagbidahan ng mga ito, ang Death of a Girlfriend.

Sa parehong interview, pinuna ni Barbie ang pananahimik ni AJ sa isyu, na mistulang “gusto” raw talagang nali-link kay Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE CALLS AJ ‘KABIT’

Hinamon ni Barbie si AJ na lumantad at magsalita tungkol sa usapin at itanggi ang post ni Xian.

Mensahe ni Barbie kay AJ: “Alam mo na ganoon ang lumalabas na isyu, bakit hindi na ikaw mismo ang magpatahimik?

“… okay, gusto mong maging kabit, e, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

Kinabukasan, November 29, 2021, habang hinihintay ng netizens ang reaksiyon ni AJ sa hamon ni Barbie, isang meme na nasusulatan ng “Stay away from my man” at may litrato ng panot na mukhang unggoy ang ipinost ng Viva artist.

Kaagad namang iniugnay ng netizens ang mistulang sarkastikong Facebook post na ito ni AJ sa magkasintahang Diego at Barbie.

At nito ngang December 4, 2021, sa panayam ni Anna Pingol ng pikapika.ph ay mariing itinanggi ni AJ na nanliligaw sa kanya o nakarelasyon niya si Diego.

Paglilinaw ni AJ: “Hindi po, never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang aktor na si Aljur Abrenica ang nababalitang boyfriend ni AJ.

Pero sa parehong panayam ay sinabi ni AJ na wala raw silang relasyon ni Aljur.

AJ Raval, Barbie Imperial

2. ALBIE CASIÑO VS ALEXA ILACAD

Nobyembre 2, 2021 nang mag-trend sa social media ang episode ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 nang nagkasagutan ang housemates na sina Albie Casiño, 28, at Alexa Ilacad, 31, kaugnay ng halos wala nang laman na bote ng peanut butter spread.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggi kasi si Albie sa hiling ng ilang kapwa housemates, kabilang si Alexa, na isama nila sa kanilang weekly budget ang pagbili ng isang maliit na bote ng peanut butter.

Hindi raw kasi “practical” ito, sabi ni Albie.

Sa pakikipag-usap sa iba pang kasama sa Bahay ni Kuya, inamin ni Albie na “pinaka-irita siya” sa ugali ni Alexa—lalo na nang nalaman ng aktor na itinatago ng aktres sa cabinet nito ang isang bote ng paubos nang peanut butter.

Makalipas ang ilang araw ng hindi pagpapansinan, noong November 6 ay nagkaayos din at kapwa humingi ng tawad sina Albie at Alexa sa isa’t isa.

Pinili nilang manaig ang magandang pinagsamahan nila sa TV series na Init sa Magdamag, na nagtapos noong September 2021, ilang linggo bago sila pumasok sa Bahay ni Kuya.

November 13, 2021 nang na-evict si Albie sa PBB, habang si Alexa ay na-evict nito lamang December 26.

Albie Casino, Alexa Ilacad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

3. ALBIE CASIÑO VS ANDI EIGENMANN

Sampung taon na ang nakalipas nang mapagitna sa kontrobersiya ang dating celebrity young couple na sina Andi Eigenmann, 31, at Albie Casiño, 28.

Marami ang nag-akalang tapos na ang isyu sa pagitan ng dating magkarelasyon.

Pero hindi pa pala naka-move on si Albie.

Taong 2011 nang nagdalantao si Andi sa panganay niyang anak, at si Albie ang itinuro niyang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Kasunod nito, natanggal si Albie sa pelikulang Way Back Home at sa weekly youth-oriented series na Growing Up.

Kalaunan, nabunyag na hindi totoong si Albie ang ama ng panganay ni Andi kundi ang dating boyfriend nitong si Jake Ejercito. Kinumpirma ito mismo ni Jake noong 2016.

Sa isang Kumu livestream noong October 26, 2021, ilang araw bago naging celebrity housemate si Albie sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, iginiit niyang hindi totoong nag-sorry sa kanya si Andi sa nangyari.

JUST A ‘LONG-ASS NON-APOLOGY’ FROM ANDI

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra ni Albie ang pahayag ni Andi na humingi na ito ng tawad kanya.

Giit ni Albie, isang “long-ass non-apology” lang ang natanggap niya mula sa ex-girlfriend noong August 2020.

Inalmahan ng ina ni Andi, ang veteran actress na si Jaclyn Jose, ang pang-uungkat ni Albie sa lumang isyu.

Bukod daw kasi sa nadadamay ang panganay ni Andi, hindi raw tamang gamitin ni Albie si Andi para mapag-usapan ang reality show nitong PBB.

Ang kapatid naman ni Andi na si Stevie Eigenmann, inilabas sa social media ang screenshot ng palitan ng text messages nina Andi at Albie noong August 2020.

Patunay raw ito na totoong humingi ng paumanhin si Andi sa dating nobyo.

Pinanindigan ni Albie na ang tanging dahilan kaya siya nag-reply noon kay Andi ay dahil ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila. Sa atraso raw sa kanya ni Andi, sana man lang ay nag-isyu ito ng sinserong public apology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDI'S NO REACTION STANCE

Sa pagkakataong ito, hindi na naglabas ng anumang pahayag si Andi tungkol sa isyu.

Sa ngayon, engaged na si Andi sa partner niyang surfer na si Philmar Alipayo. Mayroon na silang dalawang anak, bukod pa sa panganay ng dating aktres.

Albie Casino, Andi Eigenmann

4. DEVON SERON VS KIKO ESTRADA AND HEAVEN PERALEJO

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kontrobersiyal ang hiwalayan ng magkasintahang Devon Seron, 28, at Kiko Estrada, 26, matapos ang dalawang taong relasyon.

March 9, 2021 nang magpakawala si Devon ng malamang Instagram post tungkol sa kasinungalingang natuklasan niya.

"The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself," saad sa caption ni Devon.

May kalakip itong litrato ng dalawang kamay na magkahawak na napaligiran ng usok.

Lalong nakatawag iyon ng pansin dahil pati ang kapatid ni Devon na si Chriselda Seron ay sunud-sunod ang patama tungkol sa isang ahas.

May patama pa ito na litrato ng langit at caption na "doesn't suit you."

Mabilis na napagtagni-tagni ng netizens na may kinalaman iyon sa diumano'y third party sa hiwalayang Devon at Kiko.

Dawit si Heaven Peralejo, na co-star ni Kiko sa Kapamilya series na Bagong Umaga.

Hinala ng netizens, si Heaven daw ang third party sa breakup nina Kiko at Devon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magdamag na nag-trend sa Twitter sina Kiko at Devon dahil sa isyu.

EMOJIS AND THE HOT TEA

Lalo pang umapoy ang suspetsang may third party sa hiwalayang Devon at Kiko nang sundan ito ng nakakaintrigang social media posts nina Barbie Imperial, 23, at Ricci Rivero, 23.

Sa isang Instagram Story noong March 9, ipinost ni Ricci ang GIF ng isang pares ng mata na tumitingin sa kanan at kaliwa na nagpapahiwatig na mayroon itong nakita.

Nag-tweet din si Ricci ng isang monkey emoji na tinatakpan ang sariling bibig—at ni-like ito ni Barbie.

Kasunod nito, nag-tweet si Barbie ng “In the mood for hot tea,” na kaagad iniugnay ng netizens sa idiomatic expression na “spill the tea,” na ang kahulugan ay ibunyag ang katotohanan.

Direktang inusisa ng followers sina Ricci at Barbie kung may kinalaman ba sa hiwalayang Kiko-Devon at sa pagkakadawit ni Heaven sa isyu ang kani-kanilang tweets, pero parehong hindi sumagot sa fans sina Ricci at Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Heaven, isa rin sa mga bida ng Bagong Umaga si Barbie.

Si Ricci naman ay nakasama ni Heaven sa teen romance film na Happy Times—kung saan na-link pa ang dalawa sa isa’t isa noong May 2020.

HEAVEN'S DENIAL & CONFIRMATION

March 12, 2021 nang naglabas ng pahayag si Heaven para sabihing siya ay "not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup."

Magkatrabaho lamang daw sila sa serye.

Makalipas ang tatlong buwan, noong June 2021, namataan sina Heaven at Kiko na magka-holding hands sa Boracay.

Nakita rin silang magkasamang dumalo sa isang party noong July 2021.

Tuluyan nilang inilantad ang pagtatangi sa isa't isa nang mag-post sila ng kanilang couple photos sa Instagram noong August 2021.

Super sweet nila na magka-holding hands at magkayakap sa mga litrato.

Pinutakti sila ng mga batikos mula sa netizens na patuloy na inaakusahang third party si Heaven sa breakup nina Kiko at Devon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Ogie Diaz noong August 24, 2021, nanindigan si Kiko na hindi totoo ang bintang sa kanila ni Heaven.

Nilinaw ni Kiko na nag-break sila ni Devon noong Valentine's Day nitong taon, at nagsimula lang daw sila magkakilanlan ni Heaven noong Marso.

Opisyal daw na naging magkasintahan sina Kiko at Heaven noong May 30, 2021.

Pero pagsapit ng September 2, umugong ang balitang break na sila at nag-unfollowan pa sa Instagram.

Makalipas ang ilang araw, may pahayag si Heaven na siya ay single.

Sa ngayon, pawang single sina Heaven, Kiko, at Devon.

Barbie Imperial, Ricci Rivero, Devon Seron, Kiko Estrada, Heaven Peralejo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The alleged third party issue involving Devon Seron, Kiko Estrada, and Heaven Peralejo as well as the word war between Barbie Imperial and AJ Raval make it to PEP YEARENDER 2021: Young celebrity feuds.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results