PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Villar Debunks ALLTV Shutdown Rumors

Senator Mark Villar: "Okay pa. Okay pa yung ALLTV."
by Arniel C. Serato
Published Feb 13, 2023
Senator Mark Villar assures viewers that ALLTV "is here to stay"
Senator Mark Villar (above photo), son of ALLTV owner Manny Villar (not in photo), denies talks that their family-owned TV station is nearing its end.
PHOTO/S: Courtesy: Tune In Kay Tunying on YouTube

Sinigurado ni Senator Mark Villar na hindi magsasara ang ALLTV, ang TV station na pag-aari ng kanilang pamilya.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Sa panayam ng broadcaster na si Anthony Taberna sa mambabatas para sa vlog kagabi, February 12, sinabi ni Senator Villar na hindi mawawala sa ere ang ALLTV.

Si Anthony ay talent din ng ALLTV kung saan kasalukuyang umeere ang kanyang programang KUHA ALL.

Sagot ni Mark kay Anthony sa tanong kung isasara ba ang ALLTV: “Hindi. Hindi naman ako executive sa ALLTV pero hindi.

"Simple lang ang sagot diyan, hindi."

Tinanong din siya ni Anthony kung ano ang mensahe niya sa mga taong nais magtagumpay ang kanilang TV station. Gayundin sa mga gustong mabigo ang mga ninanais na tagumpay ng ALLTV.

Ayon sa senador, nagsisimula pa lang ang kanilang TV station at tila nanganganay pa ito sa ngayon.

Saad niya, “Simple lang ang sagot, pasimula… nagsisimula [pa lang] yung ALLTV so siyempre ano rin, there’s some... minsan may mga changes na ginagawa. So I think tuloy, I mean, hindi magsasara ang ALLTV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa anak ni Senator Manny Villar, ginagawa ng management ang mga karampatang aksyon upang mapaganda ang mga palabas ng network.

Aniya, “With regards to operations, pag may mga improvements na kailangang gawin, gagawin din nila.

“Kung may mga changes na kailangang gawin, gagawin nila para ma-improve yung product, ganun lang. Ganun lang kasimple yun.

“But, okay pa. Okay pa yung ALLTV.

"We can say that it will be, it will continuously improve. We'll see continuous improvement sa ALLTV.

"Pero hindi naman ako active sa day to day, but based on what I know, we see continuous improvements.”

Panigurado pa niya: “Of course. Of course. ALLTV is here to stay.”

Mark Villar quashes rumors about ALLTV closing down

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang naiulat ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pansamantala munang pagpahingahin ang ilang station-produced shows ng ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Ang Wowowin ni Willie Revillame; ang talk show ni Toni Gonzaga na Toni; at ang morning show nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, at Ciara Sotto na M.O.M (Mhies On a Mission) ang mga station-produced programs ng ALLTV.

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Hindi pa nagbigay ng opisyal na pahayag ang management ng ALLTV tungkol sa pagtigil sa taping ng ilang shows, pero patuloy ipinagtatanggol ni Willie ang network kahit siya ay hindi pa rin umano kinakausap ng mga tagapamahala.

Read: Willie Revillame, patuloy sa pagtatanggol sa ALLTV kahit di niya alam ang estado ng Wowowin

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Mark Villar (above photo), son of ALLTV owner Manny Villar (not in photo), denies talks that their family-owned TV station is nearing its end.
PHOTO/S: Courtesy: Tune In Kay Tunying on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results