GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra to stream on Netflix in April

Maria Clara at Ibarra on Netflix soon.
by Khryzztine Joy Baylon
Mar 10, 2023
Maria Clara at Ibarra to stream on Netflix in April
Do you miss watching Maria Clara at Ibarra or are you finally caving in to watch and check out what the hype is all about? Good news, because the top-rating Kapuso primetime starts streaming on Netflix on April 14, 2023.
PHOTO/S: GMA

Isa ka rin ba sa pinakilig ng Team FiLay (Fidel at Klay) at nahumaling sa ganda ng kuwento ng historical portal fantasy ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra?

Read: Dagdag na eksena ng "FiLay" love team, hiling ng viewers ng Maria Clara at Ibarra

Napanood mo na ba o nagbabalak ka pa lang itong i-binge-watch ngunit nagtatanong ka kung paano at saan?

Good news, dahil ang top-rating Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra ay mapapanood na sa giant streaming platform na Netflix.

Read: GMA-7 exec Cheryl Ching-Sy retraces how Maria Clara at Ibarra was born

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Huwebes March 9, 2023, maaari nang balikan ang kuwento ng paglalakbay ni Klay sa mundo ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, na akda ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal, simula sa April 14.

Gumawa ng ingay at marami sa mga Pilipinong manonood ang minahal at natuwa sa Maria Clara at Ibarra, na nagawa pang mag-trending sa Twitter nang ilang beses simula nang umere ito sa GMA-7 noong October 3, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maria Clarra at Ibarra, wagi sa TV ratings; trending din sa Twitter

Read: Pag-arte ni Barbie Forteza sa Maria Clara at Ibarra, worthy of acting nominations

Nagwakas ito noong February 24, 2023, matapos ang 105 episodes.

Read: Julie Anne San Jose bids farewell to Maria Clara at Ibarra

Read: Julie Anne San Jose applauds leading man Dennis Trillo’s finale performance in Maria Clara at Ibarra

Ang Maria Clara at Ibarra ay nagsimula sa kuwento ni Klay (Barbie Forteza), isang Gen Z at Nursing student na ayaw na ayaw ang kanyang Jose Rizal subject sa eskuwelahan.

Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast

Gustung-gusto rin ni Klay na lisanin ang Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa. Ngunit magigising na lamang siya isang araw na nasa mundo na siya ng Noli Me Tangere.

Dahil dito, matututunan niya kung paano mahalin ang sariling bansa at malalaman ang mga karanasang pinagdaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila na siyang nakasaad sa nobela ni Gat Jose Rizal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dr. Jose Rizal, babangon kaya sa hukay dahil sa mga pagbabagong ginawa ng Maria Clara at Ibarra sa Noli at Fili?

Makikilala niya rito ang mga karakter na sina Maria Clara (Julie Anne San Jose), Crisostomo Ibarra/Simoun (Dennis Trillo), Sisa (Andrea Torres), Padre Salvi (Juancho Trivino), Padre Damaso (Tirso Cruz III), Basilio (Khalil Ramos), Elias (Rocco Nacino), at Fidel (David Licauco) na magiging daan para tuluyan siyang makabalik sa tunay niyang mundo.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do you miss watching Maria Clara at Ibarra or are you finally caving in to watch and check out what the hype is all about? Good news, because the top-rating Kapuso primetime starts streaming on Netflix on April 14, 2023.
PHOTO/S: GMA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results