Unti-unti nang nagiging bukas sina Issa Pressman at James Reid sa espesyal nilang relasyon.
Sa Instagram nitong Martes, March 28, 2023, malayang ibinahagi ni Issa ang litrato nila ni James habang nakahiga sa sofa at tila nagpapahinga.
Sa litrato, makikita ring nakadantay ang mga binti ni Issa sa mga binti ni James habang parehas silang may hawak-hawak na gitara.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "School day [moon emojis]."
THE HOLDING HANDS POST
Noong March 16, 2023, nagsimulang pag-usapan sa social media ang napapabalitang relasyon nina Issa at James.
Ito'y matapos i-upload ni Issa ang litrato nila ni James na magka-holding hands sa kanilang mirror selfie sa loob ng isang kuwarto.
Kuha iyon nang dumalo sila sa Harry Styles concert na ginanap sa Philippine Arena, sa Bulacan, noong March 14.
Sa hiwalay na Instagram post ni James, may ibinahagi siyang video nila ni Issa habang sinasabayan ang pagkanta ni Harry ng "Watermelon Sugar."
Read: James Reid, Issa Pressman holding hands in photo; are they an item?
Dahil sa magkasunod nilang posts, maraming netizens ang nagtanong kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawa.
Ilan din sa fans ng JaDine, ang love team ni James at ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre, ang nag-aklas at binatikos ang aktor pati na si Issa.
Lumutang din ang lumang isyu noong January 2020 kung saan inakusahan ng netizens si Issa na siyang third party sa hiwalayan nina James at Nadine.
JAMES REID TO THE RESCUE
Isang araw lamang ang nakalipas matapos silang pag-usapan at batikusin ng netizens si Issa, agad na naglabas ng pahayag si James para klaruhin ang haka-haka patungkol sa kanila.
Sa kanyang Instagram at Twitter post noong March 17, 2023, nilinaw ni James na, "The past rumors about Issa are just that, rumors."
Si Issa ay matagal na raw niyang kaibigan at bahagi rin ng roster of talents ng Careless Music, ang record label at talent management company kunsaan co-owner si James.
Ipinahiwatig din ng aktor na hindi niya hahayaang mabahiran ng isyu ang namamagitan sa kanila ngayon ni Issa.
Aniya, "I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful.
"And I’m not gonna let anyone take that for me."
May mensahe din siya sa kanyang fans.
"To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [heart emoji’]."
Yassi PRESSMAN confirms James-Issa relationship
Sa ulat ng Philippine Entertaiment Portal (PEP.ph) noong March 24, 2023, mismong si Yassi Pressman na ang nagkumpirma sa relasyong namamagitan sa kapatid niyang si Issa at kaibigang si James.
Ayon kay Yassi, hindi isyu ang pagiging magkasintahan nina James at Issa.
Malapit na kaibigan nina James at Nadine si Yassi kung kaya't dawit din ang kanyang pangalan.
Ani Yassi, wala silang problema ni Nadine. Sa katunayan bago raw isapubliko nina James at Issa ang kanilang relasyon ay ipinaalam nila ito kay Nadine.
"Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po yung buong pamilya namin.
"At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po, walang problema.
"And me and Nadine are cool, we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids kaya naman lahat po, okay po," paglilinaw ni Yassi.
JAMES REID AND ISSA PRESSMAN RUMOR IN 2020
Nag-viral noon ang video kunsaan sinasabing namataang naghalikan umano sina James at Issa habang kasamang puma-party ang kanilang barkada sa Boracay.
Nasa party ring iyon si Nadine, na girlfriend pa noon ni James. Ang insidente ay sinasabing naganap noong December 2019.
Hanggang noong January 1, 2020, inulat ng PEP.ph na hiwalay na sina James at Nadine.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Kinumpirma iyon nina James at Nadine sa kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Read: James Reid and Nadine Lustre confirm breakup
Sa sumunod na ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang James at Nadine.
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa si James sa magkapatid na Issa at Yassi sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Pahayag ni Issa sa kanyang Instagram post noong, January 24, 2020, (published as is): "If I stay silent, i’m 'guilty'. If I stand up for myself, i’m 'defensive'.
"The world judges either way.
"But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick"
Giit pa niya: "Soooooooooo, let’s all move on."
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup
