PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang calls naysayers of her posts “mga animal nayan”

Pokwang on past relationship: "Genuine din kasi yung love na binigay ko."
by Arniel C. Serato
Published May 10, 2023
Pokwang says naysayers on her posts are "mga hindi busy mga walang magawa" people
Pokwang posts on Instagram her then and now picture taking a swipe at ex-partner Lee O'Brian (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kahit nananahimik na si Pokwang ng ilang linggo, paminsan-minsan ay hindi pa rin niya maiwasang magpasaring sa kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

Sa Instagram nitong nakaraang Lunes, May 8, 2023, nagbahagi si Pokwang ng tila comparison ng kanyang hitsura noon at ngayon.

Sa unang larawan sa video collage ay makikita siyang may hawak na pagkain at tila haggard na haggard ang hitsura.

Ang sumunod namang picture niya ay ayos na ayos ang kanyang aura at tila walang problemang dinadala.

Sa caption, malinaw na si Lee ang kanyang pinatatamaan.

Aniya, ang unang picture niya ay noong mga buwan at taong wala siyang panahong alagaan ang sarili dahil sinisikap niyang mapakain nang maayos ang partner.

Ang pangalawa naman ay hitsura daw niya “ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili” niya.

Buong caption ni Pokwang, “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahahhahahaa ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen, mukha naman siyang masigla sa unang larawan at masaya.

Hindi raw kasi nagsisinungaling ang mga mata.

Ayon pa dito, “Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic.. You look genuinely happy. Eyes can’t lie..”

Tumugon naman dito ang Kapuso TV host.

Sabi niya, totoong pagmamahal naman kasi ang kanyang ipinaramdam noon.

Sagot nito, “genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon.”

Pokwang interaction with netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas naman ng kanyang obserbasyon ang isa pa niyang follower.

Sabi nito, naiinis siya tuwing pinupuna ng ilang bashers si Pokwang dahil lamang naglabas ito ng kanyang saloobin sa hiwalayan nila ng ex-partner.

Saad ng netizen (published as is), “I feel you po. nakakainis Yung mga kumukuda online giving feedbacks to your posts. hayaan ka nlng nila maglabas Ng kung ano gusto mo sabihin bcoz it's your pain.

“ginagawa ko din Po yan. parang part ko Po Ng paghinga, paglabas Ng nararamdaman laban lang po and don't be affected of those who invalidate your feelings.”

Ayon sa TiktoClock host, wala lang magawa ang mga ito. Baka raw mas mayaman pa ito sa isa sa pinakamayamang tao sa mundo na si Bill Gates.

Buong sagot niya, “mga hindi busy mga walang magawa para umunlad ang buhay hahahahhaha baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag marites sa mga post ko mga animal nayan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pokwang interaction with netizens

POKWANG AND LEE BREAKUP

Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."

February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.

Ito'y matapos niyang i-post sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?

Noong April 29, may bago muling parunggit si Pokwang kay Lee.

Read: Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang posts on Instagram her then and now picture taking a swipe at ex-partner Lee O'Brian (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results