Naninindigan ang TV host-actress na si Maine Mendoza na walang nagdikta o pumilit sa kanilang mag-resign sa TAPE Inc., producer ng longest-noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.
Noong May 31, 2023, kasabay ng pagkalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE ay nag-resign din si Maine, pati na ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, at Ryzza Mae Dizon.
Read:
- Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
- Eat Bulaga! co-hosts, nag-resign na rin sa TAPE Inc.; Sparkle artists, gustong kunin ng TAPE bilang kapalit
Sa panayam ni Maine sa TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori nitong Miyerkules, June 7, 2023, nilinaw niya ang mga haka-hakang nag-resign silang "legit Dabarkads" dahil sa dikta at pamimilit umano ng TVJ.
Ayon kay Maine, lahat sila ay boluntaryong sumama sa TVJ. Hindi rin daw totoo ang mga alegasyong pinilit silang mag-resign.
Aniya, “Parang sa amin, pointless kung wala yung TVJ, and then we would continue with the show.
"So, kung saan sila, doon talaga kami.
"TVJ didn’t talk to us about it na, ‘O, kung saan kami, doon kayo.’ They didn’t force us at all.
"So, talagang lahat kami, lahat kaming Dabarkads, desisyon talaga namin yun.
"We just want to clear it out na wala sa amin ang pinilit."
Dagdag pa ni Maine, malaking bahagi sa buhay niya ang Eat Bulaga!.
Hindi raw niya maatim na iwanan sila, lalo na ang mga taong nagtiwala sa kanya— sina Tito, Vic, at Joey.
Saad niya, "I really cannot imagine myself leaving the show and being out of the show.
"So, kahit saan sila magpunta, as long as I can, I will stay in the show."
Sumikat nang husto si Maine dahil sa pagganap niya bilang Yaya Dub sa segment ng Eat Bulaga! na "Kalyeserye," kung saan nabuo ang phenomenal love team nila ni Alden Richards, ang AlDub, noong 2015.
TVJ TRANSFER TO TV5
Magkahalong excitement at saya ang nararamdaman ni Maine sa paglipat nila sa TV5 o Kapatid network.
Siniguro niyang ang kinagiliwan at minahal na mga segment ng Eat Bulaga! sa GMA-7 ay magpapatuloy sa bago nilang istasyon.
Read: “Legit Dabarkads,” other celebs react to TVJ’s transfer to TV5
Pagbabahagi ni Maine nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya sa pagbabalik nila sa ere sa July 2023, “Siyempre masaya kasi kahit na lumipat kami ng tahanan, tinatangkilik pa rin ng Dabarkads, yung mga legit Dabarkads na mga segment ay mag-stay pa rin.
“Makikita at mapapanood pa rin nila.”
Sa huli, may mensahe si Maine sa mga taong patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagmamahal sa kanila at sa kanilang programa.
Aniya, “Gusto ko lang magpasalamat sa mga legit Dabarkads na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa programa at sa aming mga host.
"Nagbabalik kami, sana mahintay niyo at abangan niyo rin ang pagbabalik namin."
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
- Jon and Bullet Jalosjos say they have "no diabolical reason" for joining TAPE board
- Wally Bayola on joining TVJ's 'exodus' from TAPE: “Kung saan yung TVJ, dun ako.”
- Jon and Bullet Jalosjos open up about being treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts, production biggies
